Chapter 36
Ang pagpapanggap ni Aiden ay nauwi sa isang mahimbing na pagtulog. Inalalayan siya ni Honey na mahiga sa mas komportableng higaan. Dahil malakas ang braso ni Honey, nakuha niyang maitulak si Aiden at pinaypayan pa niya ito habang tulog. Nasira ang electric fan nila at ayaw naman niyang papakin ng lamok ang Pari.
Walang matinong tulog si Honey kaya naisipan na lang niyang ipag luto ang bisita nila ng anak. Dahil minsan lang ito, dinamihan niya ang pagkain. Siguradong matutuwa si Marvie dahil puno ang kanilang lamesa.
"Nako, anak naman," bulong niya nang makita si Marvie na hinagkan si Aiden habang natutulog. Napakamot siya ng ulo at nagyakapan ang dalawang lalaki.
"Ganito sana kayo ni Marvie, Kurt. Kung tanggap mo lang na may anak ka sa akin, hindi sana ganito ang buhay ng anak natin. Kahit si Marvie na lang ang bigyan mo ng magandang buhay, dahil alam ko naman na ni isang porsyento ng pagmamahal wala kang nararamdaman sa akin."
Biglang nalingat si Aiden at napapitlag mula sa higaan. Naamoy din niya ang mabangong pagkain kaya tumayo siya.
"Kain po, Father."
"Nakatulog pala ako, sorry. I need to back, kailangan na ako sa simbahan."
"Bauinin niyo na po ang niluto ko."
Hindi nakatanggi si Aiden dahil biyaya ito ng Panginoon.
"Dito na ako kakain nang hindi mo na balutin."
Magkaharap na kumakain at tahimik lamang ang dalawa, si Marvie na mahimbing pa rin ang tulog.
"Buhay pa kaya ang sasakyan ko, Honey?" para bang naiirita si Aiden nang banggitin niya ang pangalan ng babae. Pakiramdam niya'y tumawag siya ng nobya dahil sa lambing ng pangalan nito.
"Okay po iyan, hindi naman po nag alarm diba?".
"Hindi naman. Anyway, anong buong pangalan mo?"
"Honey Lim po. Father pamilyar ka sa akin. Parang nakita na kita noon."
"Baka noong marumi pa ang pangalan ko at nakikita mo sa telebisyon."
"Sikat ka?"
"Sa kabulastugan."
Tumawa si Honey at binigyan niya pa ng kanin ang plato ni Aiden.
"Niluto mo? Ang sarap."
"Opo, salamat at nagustuhan mo, Father.”
"Don't call me Father, hindi pa nga ako ganap na Pari."
"Pero papunta ka na ro'n diba?"
"Oo, marami pang pagsubok ang kakaharapin ko sa loob ng anim na buwan."
"Na pwedeng magbago ang isip mo at hindi ituloy ang pagpa-Pari?"
Tumingin si Aiden kay Honey. Ang malamlam nitong mga mata ay para bang hahatakin ang kanyang kaluluwa na huwag alisin ang pagtingin sa babae.
"Aalis na ako. Take care of your son, kung pwede na palitan mo iyang lock ng pintuan niyo. Kahit pitikin ko iyan, agad 'yang masisira."
"Ah okay sige po Father.
Sa pagbalik ni Aiden sa simbahan, naabutan niya si Jude na maayos ang itsura. Para bang hindi ito gumawa ng kalokohan kagabi.
"Saan ka galing kagabi? Mabuti at hindi ka nahuli," bungad ni Aiden.
"Syempre at sanay na ako sa ganitong bagay, besides wala naman akong ginawang mali. Ikaw ba? Agad kang nawala ha? Talagang nagbago ka na!"
"Ewan ko sa'yo. Hahampas ko sa iyo ang bibliya ng magising ka sa katotohanan."
Natahimik ang dalawa sa loob ng seminaryo habang nakikinig kay Father Joseph. Kung ano-ano ang mga pinapakita nitong video sa powerpoint patungkol sa mga natulungan ng simbahan.
"Every year, may proyekto ang simbahan natin. At ngayon na lahat kayo ay bibigyan ng pagkakataon upang may matutunan sa bawat pamilya rito sa Lugar de Sagrada. And this project will call as, "Saving our home." Magkakaroon kayo ng isang pamilya na tutulungan in six months. Mula sa foundation ang gagamitin na pera. Bago kayo tuluyang maging Pari, you are going to share your experience sa lahat ng natutunan niyo, na pwedeng ibahagi sa misa at mga religious events na pupuntahan natin. Lalo sa mga pamilyang hindi naranasan ang pagmamahal, kumpleto man sila o hindi mabuti na bigyan din natin sila ng pansin."
Napangiti si Aiden nang sumagi sa isip niya ang mag ina na si Honey at Marvie.
"This will be a meaningful experience bago ako maging Pari ."
Bukas pa ang simula ng sinabing proyekto ni Father Joseph, ngunit nauna na si Aiden at bumalik sa bahay nila Honey. Pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay lalong bago lang siya sa barangay na ito dahil madalas si Aiden sa syudad.
Pinaka malayo at liblib ang Lugar de Sagrada kung kaya’t parang nakaligtaan itong mabigyan pansin ng gobyerno.
Ilang katok bago tuluyan buksan ni Marvie ang pintuan, nagulantang si Aiden at nakitang nakatapis lang si Honey. Nahiya ang binata at tumalikod.
"Tito! Bumalik ka! Mama si Tito Father!"
"Saglit lang anak!" nagmamadaling pumasok si Honey sa palikuran at nagsuot ng damit.
"Napadalaw po kayo? Pasensya na aalis kasi kami ni Marvie."
"Tara sumabay na kayo."
"Hindi na po, nakakahiya "
"Tara na Ma! Para tipid sa pamasahe!"
Hiyang-hiya si Honey dahil kalunos-lunos ang buhay niya pagkatapos ay isa pang mayaman na Pari ang tumutulong sa kanila. Pakiramdam niya'y lalo lang siyang nagmumukhang walang kwentang Ina.
Akmang sasakay si Honey sa backseat ngunit pinigilan siya ni Aiden at pinagbuksan ng pinto sa front seat.
''Pagmumukha mo akong driver."
"Hindi naman po."
"Saan ba ang punta niyo?"
"Sa karinderya po, may trabaho po kasi ako ro'n."
Hinayaan lang ni Aiden ang mag-ina na bumaba at nagmadaling pumasok sa loob ng kusina si Honey. Si Marvie na binalikan si Aiden at kinatok ang pintuan nito. Dumungaw si Aiden at natakingala ang bata.
"Kain po kayo rito ha? Masarap po magluto si Mama kaya maraming kumakain dito."
"Mamayang tanghalian at babalikan kita, may aasikasuhin lang ako. Isa pa at huwag kang dumidikit sa sasakyan ang liit mo baka hindi ka nila makita.
"Copy po! Thank you po Tito Father!"
Bago pa natanggap ni Aiden ang tseke na nagmumula sa foundation, inunahan na niyang hanapan ng magandang rerentahan na bahay ang mag-ina. Parte ito ng social responsibility at pagtulong sa mga pamilyang may mga pagkukulang na kailangan pagtuunan ng pansin. Labas sa kanilang gagawin ang pabahay pero ito ang ginawa ni Aiden.
Kalunos-lunos ang mag-ina kung hahayaan niyang nasa barong-barong at napakaruming bahay ang dalawa.
Sa ilang taon na naglilingkod ni Aiden, ang pera na minana niya mula sa ina ay ipinagbibili ng ilang swak na pabahay sa ilang pamilya.
"Mama, may kilala ka bang may rent to own dito?" salubong ni Aiden.
"Wala, pero may kilala ako. Kaibigan ko siya at nagbebenta ng property. Bakit anak?"
"I would like to use a certain amount of money that you gave me, for buying a small house."
"For? Teka, may sarili kang bahay dito sa syudad. Bakit hindi mo tirahan?"
"Alam mo sa simbahan ako naninirahan kasama ng mga kapatid ko."
"Stupid, e 'di parentahan mo."
"Come on Ma! That's my house, ayokong parentahan. Isa pa separado ito sa project namin sa simbahan. Ako mismo ang bibili ng munting bahay sa pamilyang tutulungan ko."
"Oh bakit ka galit? I wanna meet them! Para kapag naawa ako, mas lalakihan ko ang bahay."
"Really Mom? Okay tomorrow in the afternoon."
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...
