Lust 37

708 30 1
                                    

       Chapter 37

SA tagal ng panahon na hindi tumira si Aiden Casa Blanca Village, ngayon lang niya natagpuan na may klase ng barangay dito na parang pinabayaan  ng Mayor. Ito ang barangay nila Honey at Marvie. Magulo at halos lahat ay informal settlers ang nakatira.

Gabi na nang pumunta si Aiden sa kanyang bahay, binili ito ni Efinia sa kanya. Sa tuwing titira si Aiden sa isang lugar ng matagalan, hindi pwedeng hindi mag-i-invest si Efinia para sa kanya.

Sa pagbubukas niya ng pintuan, bumulaga sa kanya ang malaking canvas picture ni Marian habang may bitbit na bata. 

Napahawak si Aiden sa kanyang dibdib at pinikit ang mga mata.

"Damn, you are still here."

Umupo si Aiden sa sahig habang nakatulala sa magandang mukha nito. Lahat ng litrato nila ni Marian na nasa cellphone niya noon ay nawala, tanging memorya na lamang niya ang nagsisilbing imahe sa mukha ng dating nobya.  Dinahilan niya kay Austine na gagamitin lang ito sa proyekto upang ipinta ng kapatid. Ngunit natuklasan din ito ni Austine.

"Do you still remember how much I love you? Are you okay there?" ngumiti si Aiden at pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

"I'm afraid na hindi ako tanggapin ng Panginoon dahil ang totoo nito, I'm not yet okay. I still love you, I can't accept the fact na hindi ako nakapagpaalam sa'yo. Pinagsisisihan kong iwan ka, it was my fault. Bakit ganito? Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Ano pa ba ang dahilan bakit hinahatak ako ng kaluluwa ko palabas ng simbahan. I want to become a Priest."

Inabot ng ala una pasado ng madaling araw si Honey habang naglalakad pauwi. Hindi siya nagkakamali sa nakita, nasa labas ang kanyang anak na si Marvie habang yakap ang bag nilang dalawa.

"Anak! Bakit ka nand’yan?"

"Mama, pinalayas po ako ng may-ari. Hindi pa raw tayo nagbabayad. Sabi niya po may titira na bago rito at ipapaayos."

"Ano ba iyan! Hindi man lang tayo binigyan ng palugit! Halika na anak, delikado rito at pumunta na lang tayo sa convenience store."

Dahil konti lamang ang kanilang gamit, sinabay niya itong buhatin  pati na si Marvie. Nakakaawa kung tingnan ang mag-ina na nakasilong sa loob ng convenience store habang umuulan. Pinatulog niya si Marvie habang  siya na nakatulala lamang at pinagmamasdan ang ulan sa labas.

"Bakit ba ganito kahirap ang buhay ko?  Bakit ako ang nakakarma? Hindi ako ang masamang magulang dito. Mahal ko ang anak ko, pero bakit sinwerte pa ang Tatay niya? Hindi ako papayag na basta na lang niya talikuran ang responsibilidad kay Marvie."

Dahan-dahan niyang sinukob ang ulo ng anak sa lamesa at tumayo upang bumili ng kape sa vendo machine. Halos mabitiwan niya ang kape nang makasalubong si Aiden. Walang kibo ang binata at nakita ang itsura niya. Ang make-up na nagkalat sa gilid ng mga mata at magulong buhok ni Honey

"Hello Father, madaling araw na po."

"Bakit kayo nandito? Naglayas ba kayo?"

Hindi nakakibo si Honey at yumuko lang sa harapan ni Aiden. Biglang bumuhos ang luha niya kasabay nang malakas na ulan.

"P-pinalayas kami. Nakakapagod na tratuhin na parang hayop."

Napatingin si Aiden sa cashier ng convenience store at pati ito'y na intriga sa paghagulgol ng babae.

"Come with me," hinawakan ni Aiden ang kamay nito pati na ang bag na sinakbit niya sa likuran. Para bang walang kwenta kay Aiden ang bitbit dahil pati si Marvie ay nakuha niyang buhatin.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Honey hanggang sa maihatid niya ito sa sasakyan.

"Saan niyo po kami dadalhin?"

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon