Chapter 39
"HINDI kita ginagamit for any purposes, gusto lang kitang tulungan bilang parte ng aming proyekto."
"Political Material po ba ito?" ngumisi si Honey at sumagi sa isip niya ang nakaraan.
"Hindi ako gano’n tao. We have a charity in church. We will choose a family who will be given help from us."
"Edukasyon lang sa anak ko ang importante. Ayokong lumaki siya tulad ko na mangmang. Tanging pagsasayaw at pagiging pokpok lang ang ginawang paraan para makakain. Alam ko naman kung anong klaseng babae ang tingin mo sa akin, Brother. I sold my dignity for food, to survive. Just give him better future. Masaya na akong makapag-aral lang si Marvie. Excuse po may trabaho pa ako," pinunasan ni Honey ang mukha dahil sa luha na hindi niya napigilan.
"I will buy you a house."
"What? Nahihibang ka ba Brother?"
"I'm serious, naaawa. No I mean, I found potential with your son. Hindi siya dapat pinapabayaan. You should take care of yourself too. Kung hahayaan mong sa daan kayo manirahan, sa palagay mo ba mabuti iyon sa anak mo?"
Muli niyang nilunok ang pride at humarap kay Aiden. Hindi umaasa si Honey na pinag-usapan nila ni Kurt. Alam niyang sex lang ang gusto nito at maliit na pera lamang ang ibibigay.
"I taste your food. Mom decided to give you a small business. Hindi mo na kailangan magbenta ng kung ano-ano para lang maka-survive."
Ngumiti si Honey at hinagkan si Aiden. Napakahigpit at ayaw na niya itong pakawalan.
"Hulog ka ng langit. Hindi ko alam kung paano ako babawi!"
Hindi nakakilos si Aiden dahil mas hinigpitan pa ni Honey ang pagkakayakap.
"Kuya!"
Nagulantang si Aiden at naitulak si Honey nang makita niya si Arthur.
"Lumabas ka na ba sa seminaryo? Who's this beautiful chic?"
"Stupid! Honey--”
"Damn! Sabi na lalabas ka! Honey na agad ang tawag mo sa kanya? Magkakapinsan na ba ang mga anak ko sa'yo?!"
Dumapo ang kamay ni Aiden sa ulo ni Arthur nang matigil ito sa kakabiro.
"Her name is Honey! Bubuhosan kita ng banal na tubig!"
"Hindi ka mabiro, tinitingnan ko lang naman kung magbabago pa ang isip mo. Anyway, I'm Arthur Lavigne, bunsong kapatid niya," inilahad niya ang kamay at ganoon din si Honey
"Honey Lim po, Sir."
"No Sir! Arthur na lang! Palabasin mo nga itong si Kuya ko," muling pagbibiro ni Arthur.
"Shut up Arthur. Asan ang asawa mo? Kailangan mo si Regine dahil nawawala ka na naman sa sarili."
"Iniwan ko muna, nagpaalam ako na pupuntahan ka rito. Si Kuya Austine hindi ko makausap ng matino. Gusto ko man siyang isama rito wala naman maiiwan sa mga bata. Besides, he’s getting worse."
"Ah, Honey. Tatawagan na lang kita ulit patungkol sa pinag-usapan natin,” giit ni Aiden at hinawakan ang balikat niya.
"Opo Brother Aiden. Salamat po ulit,” nagmadaling umalis si Honey at nahihiya sa presensya ni Arthur lalo na kay Aiden.
"Dude, she's a chic! Kalinyahan niya ng beauty ang asawa ko ha?"
"Tigilan mo ako sa kabalastugan mo Arthur. I'm worried about Austine and Precious."
"Sana at gumaling na siya nang magkita na sila ni Kuya."
"Wait, how about Akio?"
"Hayaan mo si Kuya, nagpapakadalubhasa sa medisina. Gagamutin niya siguro si Dad. Anyway, sino siya? Bakit mo kasama?"
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...