Lust 32

641 29 1
                                    

Lust 32

Hindi makapag concentrate si Aiden sa pagdasal dahil sumasagi pa rin sa isip niya ang mag-ina. Awang-awa siya sa tuwing maalala ang daga at ipis na gumapang sa maruming bahay nito.

"Are you okay, bro?" tanong ni Jude.

"Why life is like this? Walang pinipiling edad, kaanyuan at kasarian?"

"What do you mean?"

"I mean, nakakawa ang mga taong parang tinalikuran na ng mundo sa sobrang hirap ng buhay nila."

"Doon ka susubukin ng Panginoon, kung sa hirap at ginhawa nakakapit ka pa rin sa kanyang  kamay," sagot ni Jude. Napataas ng kilay si Aiden at natawa sa kanyang kaibigan.

"Seryoso ka na pala ngayon?"

"Sakatunayan may kasalanan nga ako e," bulong ni Jude.

"Ano iyon?"

"Pumunta ako ng Pegasus."

"Ha? Ano iyon? Hindi ba character iyon sa laro?"

"Gago ka Aiden."

"Hey don't say bad words!"

"Basta isasama kita ro'n. Masaya naman at maganda ang view," aniya ni Jude at ngumiti

"Hindi ko gusto ang ngiti mo, alam kong nakakademonyo iyan."

Pangatlong araw nang nasa ospital ni Honey at hindi pa rin bumababa ang kanyang lagnat. Mataas ang impeksyon nito dahil sa maalat na pagkain. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho ngunit laking pasasalamat niya na kasama siya sa Charity ng simbahan upang mabayaran ang gastusin sa ospital.

"Mama, kailan po kayo lalabas?"

"Malapit na anak, huwag kang lumapit sa akin baka mahawa ka pa ng lagnat," wika ni Honey.

Unti-unti niyang pinikit ang mga mata. Nakakuha ng paraan si Marvie upang lumabas ng ospital. Sa edad na pitong taon, napakaliit lamang ni Marvie, bukod sa kulang sa nutrisyon ang bata, maaga rin itong namulat sa kahirapan ng buhay.

"Tito!" nagtatakbo si Marvie nang makita niya si Aiden sa labas ng simbahan maraming tao kaya hindi siya napansin ni Aiden.

"Tito!" muli siyang tinawag ng bata at kinalbit ang kanyang binti.

"Marvie, bakit ka nandito? Asan ang mama mo?"

"May lagnat pa rin po, mataas daw po ang impeksyon ni mama."

"Ibabalik na kita ro'n, hindi kita maaasikaso dahil magdarasal pa kami."

"Pari po ba kayo? Bakit magkapareho kayo ng damit?"

"Papunta na ro'n, halika na at ihahatid kita sa Mama mo."

Sa patuloy na paglalakad ni Aiden habang bitbit ang bata bigla itong sumigaw at nagpumiglas sa kanyang bisig.

"Wait, baka malaglag ka.

"Si Papa! Si Papa! Sandali! Papa!" sigaw nito at kumaripas ng takbo ang bata papunta sa lalaking naka corporate attire habang napapalibutan ng guwardya

"Papa! Si Marvie po!".

Nilingon niya ng lalaki at pinagmasdan ang mukha nito.

"I'm your son! Marvie Lim po!" .

Napansin ni Aiden ang mukha ng lalaking nilapitan ni Marvie at pinataboy ang bata sa mga guwardya.

"Papa! Si Mama po nasa ospital!"

"Ilayo niyo ang batang iyan sa akin," mariin nitong ninabi at pinagtabuyan ng tuluyan si Marvie.

"Hey, bitiwan niyo ang bata," suway ni Aiden at lumuhod sa harapan ng batang umiiyak.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon