The Lust 46

834 36 2
                                        

Lust46

LUMIPAS ang ilang araw, mas lalo pang nakilala ni Smith ang nobya ni Aiden. Mabuti ang puso nito pati na si Marvie. Nawili na si Smith na magbakasyon sa Clark at hindi pumapasok sa trabaho.

"Dad!" sigaw ni Regine at ni Precious.

Bitbit nila ang mga anak na nagtatakbuhan para hagkan si Smith.

"Bakit kayo nandito? Magagalit ang Mama Efinia niyo," giit nito.

"Kuya Aiden invited us! Mukhang may special announcement si Father!" aniya ni Precious.

Bumaba sa sasakyan si Arthur, Austine pati na si Akio. Napangiti si Smith nang makitang magkakasama ang mga anak.

"Dad!" bulalas ni Austine at tinapik ang braso ni Smith.

"I'm happy that you are here, Akio. I mean all of you."

"Thanks Dad."

"Aw! Happy family, and where is Mom?" tanong ni Aiden na lumabas habang naka-akbay kay Honey

Hindi sumagot si Arthur, Austine at Akio.

"It's okay, basta nandito ang mga apo kong mga gwapo at maganda. This is Marvie Lavigne," pagpapakilala ni Smith.

Nagkatinginan ang mga bata at ngumiti nang makilala nila sila Marvie. Sobrang galak ni Honey na maramdaman ni Marvie na isa siya sa mga ito.

"Pinsan niyo siya okay. Sige na at maglaro na muna kayo!" dagdag ni Smith.

"Hello! I'm Regine."

"My sexy wife!" giit ni Arthur.

"I'm Precious!"

"My hot headed wife!" pagbibiro ni Austine kaya nakatanggap ng batok kay Precious

"I am Honey Lim."

"You forgot the Lavigne surname baby," giit ni Aiden at humalik sa pisngi ni Honey.

"Ang sweet, hahanap na rin ako nang tutusukan ko," wika ni Akio. Nagsitawanan ang lahat dahil sa pagbibiro ni Akio.

"Come on son, ihahanap kita," inakbayan ni Smith si Akio at pumasok sa loob ng bahay ng sabay-sabay.

Nagpahuli si Aiden at Honey habang pinagmamasdan ang pamilya na masaya.

"See? Gusto ka nila, kaya huwag kang mahiya. Isa pa masarap kang magluto ayaw na nga umalis ni Dad."

Tumawa si Honey at hinalikan ang labi ni Aiden. Sa kanilang pagpasok, halos nagkagulo dahil sa mga batang napakalikot. Si Akio ang pinupuntirya ng mga ito. Tila pinalitan niya ang pwesto ni Aiden na naiinggit na magkaroon ng anak.

"Wala ba talagang balak pumunta si Mama?" Tanong ni Aiden kay Arthur.

"She said, ayaw daw niya kay Honey. He hated you because you chose a cheap girl," aniya ni Arthur.

"Damn bro! Bakit mo naman sinabi?" suway ni Austine.

Tiningnan nila ang kanilang kuya na malungkot ang istura.

"Hindi ko pipilitin si Mama. Mahal ko si Honey, I didn't expect na hindi niya ito matatanggap."

"Kasi raw mistress si Honey," daagdag ni Arthur kaya nabatukan ng tuluyan kay Austine.

"Your fucking mouth, papakainin kita ng labuyo," suway ni Austine.

Hindi kumibo si Aiden at nag-iba ang aura ng mukha. Alam niya kung gaano kagalit sa mga kabit si Efinia dahil sa nangyari sa pamilya nila. Pero ang ikinasama ng loob ni Aiden ay hindi matanggap ng ina na hindi gano'n klase si Honey. Hindi niya ginusto na maging ganito ang sinapit sa buhay.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon