Lust 25

931 66 15
                                    


Lust 25

    “Aiden?”
    “Marian? Marian!”
    Nais niyang hawakan ang kamay ni Marian ngunit lumayo ang dalaga sa kanya.
    "Hold my hand, I miss you," wika ni Aiden at pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Umiling ang dalaga at muling umatras.
    "You should learn how to live on your own. Nandito lang ako sa tabi mo."
    "What? Anong sinasabi mo? Lumapit ka sa akin. We will be having a family right?"
    "That will never happen, we are now far from each other. But our hearts, my feelings and my genuine love for you will always be permanent."
    Patuloy na umiling si Aiden at  hindi makapaniwala na tinalikuran siya ni Marian.
    "I want to be with you wherever you are, please Marian."
    "Please don't make this hard, we can't be together. Alam kong may misyon ka rito at hindi na ako parte nito sa hinaharap. Mahal kita, Aiden Lavigne."
    .
   
    "Marian!" Isang malakas na sigaw ang nagpagising kay Akio. Agad siyang tumayo at nilapitan ang kapatid.
    "Why am I here?! Dapat kasama ko na si Marian!" Bulalas ni Aiden at hinatak ang dextrose na nakasaksak sa kanyang kamay.
    "Stop this Kuya, wala na siya. All you need is to accept the fact that she is dead."
    "No, magsasama kami. May anak kami Akio! Naririnig mo ba?! May anak kami! It's Maren, our first baby. Sasama ako sa kanya, pupuntahan ko siya!"
    Alam ni Akio na under pa ng gamot ang pag-iisip ni Aiden. Tinurukan ito ng pampakalma kanina upang hindi magmawala sa kalagitnaan ng gamutan.
    "Please, magpagaling ka. Hindi pwedeng wala ka sa libing ni Marian," nabiyak ang boses ni Akio dahil para na rin niyang kapatid si Marian noong siya'y nasa ampunan pa.
    Hindi kumibo si Aiden at luha lamang ang naging pagresponde niya sa sinabi ni Akio.
    "Hindi lang ikaw ang nasaskatan sa biglaan niyang pagkakawala. Hindi siya natutuwa na makita kang ganito. Mahal na mahal ka ni Marian, pero ito ang buhay ng tao. Hindi permanente ngunit ang pagmamahal ay ang bukod tanging permanente. Just please, ayusin mo ang buhay mo Aiden. And I'm willing to be your brother, kahit alam kong galit ka sa akin."
    Tumawa si Aiden at binato kay Akio ang nadampot na bote ng tubig.
    "Lumabas ka! I don't fucking need anyone! I don't fucking need you!! Get out  at huwag kang magpapakita sa akin! Hindi kita kapatid!'
    Napatigil si Aiden nang makita niyang ngumiti si Akio habang umaagos ang luha nito.
    "Thank you, at least I heard it from you."
    Sa sobrang bigat ng pakiramdam ni Aiden  pilit pa rin niyang tinayo ang sarili. Galit siya dahil hindi siya napuruhan. Parang niyakap siya ng kumot ng pagmamahal ni Marian at hindi niya nakuhang mamatay.
    Sakay ng taxi habang naka hospital gown bumalik siya sa simbahan. Nag-iisa at tahimik ang paligid sa loob ng simbahan.  Lumapit siya kay Marian na parang payapang natutulog.
    "What do you want, Marian? Bakit mas lalong humirap ang buhay ko, mas lalong hindi ko mahugot ang mga paa ko. I don't know where and how to start. You filled up my life, ang mga bagay na wala sa akin ay nahanap ko sa iyo. Pero bakit bigla kang nawala? Nagsisisi akong iniwan ka, after the night we made love, gusto kong ibalik sa nakaraan ang lahat. Pero hindi ko magawa dahil wala ka na. Kasama ng bunga ng ating pagmamahalan. Why Marian? Bakit biglaan?"
    Napaluhod si Aiden sa sobrang hinagpis at panghihina hanggang sa tuluyan siyang humiga sa lapag ng simbahan. Nakatulala siya at pinagmamasdan ang mukha ni Jesus sa tabi ni Marian.
    "Please take care of my woman and our angel. Kahit gustong-gusto na kitang talikuran dahil sa lahat ng ginagawa mo sa akin. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na makasama ang nga taong mahal ko. Kahit gustong-gusto kitang murahin for taking Marians' life. You just fucked up my life. Panginoon ka nga ba? Bakit pinahihirapan mo ako? All I want is to be with her, to make her happy. Pero lahat binawi mo pati ang Nanay ko. From this day, I will not believe in you now, you made my life miserable. Wala kang kwentang Panginoon!" galit na sinabi ni Aiden habang nakatingin sa imahe ni Jesus.

Kinabukasan, laking gulat ni Smith na matagpuan niya si Aiden na nakahiga lamang sa tabi ni Marian. Hindi makakilos ang mga Madre dahil siguradong magwawala ang binata kapag siya'y pinakialaman.
    "Sir Lavigne, dito po siya nahiga at natulog magdamag. Hindi pa ho gumagaling ang mga sugat niya," aniya ni Sister Faith.
    "Ipapakuha ko siya sa nga Nurse sa ospital, kailangan niyang magpahinga at gumaling bago ihatid si Marian sa huling hantungan."
    "Huwag niyo akong pakialaman," mahinahon na sinabi ni Aiden habang nakapikit
    "Let me rest with my wife. I don't need a hospital para lamang gumaling ako, all I need is my wife and our baby."
    "Anak, hindi ka gagaling dito!"
    "Who cares? Hayaan mo akong samahan si Marian sa putang inang simbahan na ito!"
    Biglang napakrus ang mga Madre dahil sa alingaw-ngaw ng boses si Aiden.
    "Lumayas kayo! Hini ko kayo kailangan!" bumangon si Aiden at gamit ang bulaklak ni Marian, ibinato niya ito sa pwesto ni Smith.
    "Get out! Iwan niyo kami rito!" sigaw ni Aiden.
    Walang nagawa at iniwan nila ang binata na samahan si Marian.

Nasasaktan ng husto si Smith ngunit kailangan niya itong gawin para sa  ikakabuti ng anak. Tumawag siya sa isa sa mga espesyalista upang suriin si Aiden. Hindi mabuti ang nadulot ng trauma sa anak kung kaya't kinakailangan niyang sumalang sa isang Psychiatrist.
    "Hindi naman ho baliw ang anak niyo, nagkataon lang na nasaktan siya ng husto. Bakit hindi niyo na lang po siya hayaan na makasama si Marian?" giit ni Ann.
    "You don't know my son, ilang beses na niyang sinubukan kitilin ang buhay kapag hindi na niya kaya ang problema. Ngunit mahaba pa sa pusa ang buhay niya, ayoko lang na mapahamak pa siya. And please, lahat ng pangyayaring ito, sana hindi makalabas kahit kanino kahit sa mga kapatid niya at sa media. Ayokong mag-iba ang tingin nila sa panganay ko. Maraming natutuwa sa pagbabago ni Aiden, pero baka dahil sa nangyari muli na naman bumalik ang tingin nila sa kanya."
    "Yes, hindi naman namin ipapamahamak ang iyong anak. Nagmahal lang naman siya, at kitang-kita po namin iyon, Mr. Lavigne."
    Pasimpleng umalis si Sister Mercy upang puntahan si Aiden. Hinawakan niya ang braso ng binata at humarap ito sa kanya.
    "Come here, hijo," she opened her both hands and offered her shoulder.
    Nabiyak ang binata at hinagkan ang madre habang ito ay nakaluhod. Mahigpit at parang ayaw na niyang bitiwan si Siter Mercy.
    "I love Marian, so much. Patawarin niyo po ako dahil tinago namin ang aming relasyon. But everything is for real, hindi ko siya pinaglaruan. I left her because I want to fix myself first. Ayokong magmukhang ginagamit ko lang siya para magbago. Gusto kong ayusin ang sarili ko at buoin. Pero bakit ganito  ang aking naabutan? Kinuha agad siya kasama ng aming anak?" paghagulgol nito habang nakayakap pa rin kay Sister.
    "God has a purpose, tandaan mo na hindi ibig sabihin binawi niya ang isang bagay ay hindi ka na niya mahal. Try to think of it, Marian gave you so much lessons in life, nakita mo ang kahalagahan mo sa buhay. You did a great job, hijo. Kaya huwag mong sisihin ang iyong sarili sa pagkawala niya."
    "It's fucking God's fault."
    "No, remember this. Lahat my kadahilan kung bakit darating at babawiin din niya ang taong naging parte sa buhay mo.  Open your heart at tibayan ang pananampalataya sa kanya."
    Mula sa hindi kalayuan na lugar, kitang-kita ni Smith ang hinagpis ng anak habang nakayakap kay Sister Mercy.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon