Lust 31
Payapang naghihintay si Marvie habang nakatingin sa likuran ng ina.
"Halika na at kakain na tayo!"
"Mama, asan po ba si Papa? Bakit ikaw lang po mag-isa?"
Natahimik si Honey at pinagsandok ng pagkain ang kanyang anak.
"Busy ang Papa mo, nasa malayo siya."
"Kailan ko po ba siya makikita?"
"Kumain na tayo anak. Gutom na talaga ko," pag-iibang usapan ni Honey. Tumango ang anak niya at sumunod sa kanyang mga sinasabi.
Hindi rin niya alam kung paano niya sasabihin sa anak kung ano ang estado nila ng Ama nito. Masyado pa itong bata para sa ganoon bagay.
"Mama, okay ka lang po ba? Namumutla po kayo?"
"Sa suka lang ito anak," giit niya at pilit na minulat ang mga mata. Nakatingin siya kay Marvie ngunit ang kanyang paningin ay nagdadalawa.
"Mama!" bulalas ng bata nang biglang dumukmo si Honey sa lamesa.
"Anak, nahihilo lang ako. Okay lang si Mama, kumain ka," aniya ni Honey habang nakayuko pa rin ito.
"Hindi po kayo okay," nagsimulang umiyak ang bata habang
pilit hinatak ang braso niya. Pilit tinaas ni Honey ang ulo at tiningnan ang bata."Big boy ka na, huwag ka nang umiyak. Kumain ka na," unti-unting hiniga ni Honey ang ulo sa lamesa habang inuubo.
"Mama bibili po akong gamot! Dito lang po kayo!"
Kumaripas sa pagtakto si Marvie bitbit ang mga barya na kanyang nakuha sa pitaka ng Ina. Hindi alam ng bata ang bibilhin ngunit malakas ang loob nito para magtanong.
"Pabili po! Gamot po sa nahihilo!"
"Ilan ang bibilhin mo?"
"Magkano po ba?"
"Sixteen pesos."
Nangamot ng ulo ang bata dahil kulang ang kanyang dalang pera.
"Kulang ito, hindi ka pwedeng bumili ng kulang."
"Sige na po, abonohan niyo na po. Nahihilo po ang Mama ko!" bulalas ng bata.
Napatingin ang mga ale na namimili rin ng gamot. Nakita nilang anak ito ni Honey.
"Hay, nahihilo ang Nanay mo. Siguradong buntis na naman iyan sa ibang lalaki."
"Huwag mong pagbentahan iyan siguradong ilalaglag na naman niya ang bata!"
"Hindi po totoo 'yan!" dinampot ni Marvie ang sinyelas at binato sa matandang inaakusahan ang kanyang ina.
"Aba malditong bata ito!"
Nakatanggap ng pingot ang bata mula sa ale at mas lalong umiyak si Marvie sa sobrang sakit.
"Mama!" sigaw niya habang umiiyak.
Pinipilit na tumayo si Honey upang isara ang pintuan na nakabulatlat. Gusto niyang hanapin ang anak ngunit hindi na niya kaya ang sobrang panghihina dahil sa sobrang pagod.
"Honey!" kinabig ng isang matandang lalaki ang pintuan at hinatak ang braso niya.
"Manong! Tigilan niyo na po ako!" pagpupumiglas niya at naramdaman ang halik ng matanda sa kanyang leeg.
"Matagal na kitang pinagnanasahan. Hindi kita mahagilap at ngayon na nakakuha na akong tsempo! Higa!" sigaw nito at hinatak ang soot niyang shorts.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!" pilit siyang sumisigaw ngunit wala naman makakrinig sa kanya dahil tinakpan ng matanda ang bibig niya. "Maawa po kayo! Tama na!" pilit na pagsasalita ni Honey.
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...