Chapter 34
Balik sa mapait na reyalidad si Honey pagkatapos niyang gumaling ng tuluyan. Naghahanap na rin siya ng mas maayos na malilipatan. Mas nakakatakot at agresibo na ang kanyang kapitbahay. Madala may rambulan, at ilan na binabato ang bintana nila. Maraming maybahay ang galit sa kanya dahil isa siyang bayarang babae.
Kahit ano pang sabihin niya na sumasayaw lang siya ay ganito pa rin ang tingin ng mga tao. Kaya ang mga babaeng may asawa sa barangay na ito ay ayaw sa kanya dahil sa mga mister na pinapantasya ang kanyang kagandahan.
Pegasus, ito ang lugar kung saan nagbabago ang kaanyuan ni Honey. Unti-unti niyang tinanggap sa sarili na ganito lang ang buhay niya. She tried different jobs pero hindi siya matalino at palaging natatanggal sa trabaho. Palaging may mapanghusga at abusadong mga tao ang palaging nakapalagid kay Honey.
Gabi na nang tinatahak niya ang kalsada papunta sa Pegasus, maaga siyang pumasok dahil maaga rin niyang napatulog si Marvie. Napakakulit ng kanyang anak at pati ang enerhiya niya ang nauubos.
Napadaan si Honey sa isang bookstore at nakita ang mga libro pambata. Nilapitan niya ito at hinawakan ang salamin. Sinilip niya agad ang price tag at halos malaglag ang kanyang panga.
"Ang mahal naman, tatlong piraso tapos dalawang libo? Hay gusto ko nang pag aralin ang anak ko, huling-huli na siya sa klase," sumandal siya sa salamin at nakaramdam ng pagkulo ng t'yan.
"Hindi pa pala ako naghahapunan."
Tinahak niya ang daan at nakita ang isan karinderya, naupo siya rito at nag order.
"Galunggong po tsaka limang pisong sabaw."
Pinagtitinginan siya ng mga kumakain at sa sulok na lamang siya pumwesto.
Natatakpan ang kanyang mukha ng kolorete at maikling short na nagpakita sa makinis niyang binti. Hindi makakaila na kilalang-kilala si Honey sa lugar na ito kahit tatlong buwan pa lamang sila rito ni Marvie.
"Ayoko nga rito! Sa Jollibee na lang gusto ko ng chicken joy anak," angal ni Efinia at hinatak lang siya ng anak upang maupo sa karinderya.
"Mama para kang bata! Dito na lang wala akong pera."
"Anong wala? Ang dami kong pamana sa'yo!"
"Order niyo po Ser?"
"Paksiw for two tapos dalawang extra rice."
"Isa lang kanin sa akin, nagdi-diet ako."
"For Dad?"
"No! Ano ba anak, nandidiri na ako sa'yo."
"Paksiw ang inorder ko dahil may asim pa kayo ni Dad. Pwede ka pa bang manganak ma?"
"Hindi na."
"Sayang gusto ko ng bunsong kapatid, ayoko kay Arthur hindi ko mabuhat mabigat na."
'Sira ulo ka kasi, bakit hindi ka mag anak. Nabroken-hearted ka lang, magpa-Pari ka na."
Kumunot ang noo ni Aiden at hindi sinagot ang ina. Sa mga ganitong pag-uusap, masyadong sensitibo si Aiden at ayaw niyang pinag uusapan ang patungkol sa sarili niyang sirang-sira noong nawala si Marian.
Habang naghihintay silang mag ina, naririnig lang ni Aiden na naglalaro ng tetris ang Ina.
"Tumatandang paurong ang magulang ko. Ano bang nangyayari sa mundo?" he whispered.
Patingin-tingin siya sa paligid hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata si Honey. Hindi siya nagkakamali na ito ang Ina ni Marvie. She's wearing jacket at isang maikli na shorts. Makapal din ang make up nito. Yumuko si Aiden at pasimpleng nag iwas tingin nang tumayo ang babae. Sinundan niya ito nang paningin at narinig ang mga bulungan ng mga kalalakihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/218051282-288-k21640.jpg)
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
Roman d'amourBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...