Lust 23
Smith is holding his sling bag while walking with his two body guards. Hindi nakapaghintay at siya mismo ang naghanap kay Aiden. Ayaw niyang palipasin ang isang araw na hindi nalilinis ang pangalan ni Aiden. Lalong hindi niya mahihintay ang tagal ng proseso ng imbestigasyon sa bangkay ni Marian.
He used his powers to contact different detectives in order to locate his son. At ngayon na papunta siya sa isang inn para kay Aiden. Tatlong katok, ngunit wala pa rin nagbubukas sa pintuan ni Aiden. Hanggang sa napilitan siyang kalabugin ito ng pagkalakas-lakas.
"What?! Dad? Anong ginagawa mo rito!"
"Go back to Manila right now!" Sigaw ni Smith sa kanya.
"I will stay here. Gusto kong mapag isa," tinalikuran niya ang kanyang ama ngunit inutusan ni Smith ang dalawang guwardya na hawakan sa magkabilang kamay si Aiden.
"What the hell is wrong with you?!"
"You fucking need to go back! Linisin mo ang pangalan mo!"
"What do you mean?!"
Buong lakas na bumuntong-hininga si Smith bago tuluyang iabot kay Aiden ang isang plastic. Nagtataka si Aiden dahil isa itong pergnancy test.
"It's from Marian."
Hindi nakakibo si Aiden at biglang ngumiti. Nagpumilit siyang bumitaw sa dalawang gwardya at nagmadaling kunin ang dalawang maleta.
"You are right dad! I will go back! I'm going to be a father now! Thank you for telling me about this!" Aniya ni Aiden at dinampot ang ilang gamit upang malulan sa bag.
Hindi maiwasan ni Smith na maluha habang pinagmamasdan ang kanyang anak kung gaano kasaya sa binalita.
"Dad, let's go! I need to see Marian! Dapat hindi ko siya iniwan kagabi, napaka gulo ng utak ko dahil galit ako sa'yo at sa lahat. I decided to move on alone, pero ito pala ang dahilan kung bakit prang hinahatak ako pabalik sa Manila."
Hindi gumalaw si Smith at nakatingin lang sa anak niyang sobrang galak.
"Come on! Hindi ka ba masaya? Magkaka-apo ka na!"
"Stop this," malamyang sinabi ni Smith.
"What? Kokontra ka pa?! It's our baby! Let's go dad!"
"She's dead."
Humarap si Aiden sa kanya at kumunot ang noo. Ilang segundo bago ito tumawa at umiling.
"A prank? A joke? Come on, kasama ko lang siya kagabi. We made love last night. Pinaramdam ko ang tunay kong pagmamahal sa kanya. Pagktapos may anak na pala kami! Come on!"
"She's fucking dead! Kaninang umaga lang nalaman. I'm here to pick you up, linisin mo ang iyong pangalan. You are the suspect. Binayaran ko ang hotel para lang hindi i-disclose sa media ang pangalan mo! Son, tell me what happened?!"
Hindi kumibo si Aiden at biglang napaluhod. Tila ang kanyang katawan ay bumagsak at hindi niya alam kung paano rumesponde sa sinabi ng ama. Lumuhod siya at hinagkan ni Smith. Nararamdaman niya ang hikbi at mahigpit na pagkakahawak ni Aiden sa braso niya.
"Tell, me. This not true, I left her alive. I want to fix myself alone. Hindi dahil iniwan ko siya hindi ko na siya mahal. Dad, pakiusap this is just a joke. She's my life now, lalong may anak kami."
Umiling si Smith at hindi naiwasan ang patuloy na pagluha.
"Let's go home, son."
Halos maglupasay si Ann habang yakap-yakap niya ang mga labi ni Marian sa morgue. Lalo ang tatlong madre na nagmahal sa kanya. Hindi sila makapaniwala sa bilis at biglaan nitong pagkakamatay.
"Sister, hindi siya pwedeng mamatay ng ganito lang. Paano ang anak nila ni Aiden? Hindi man lang nabigyan ng puwang na mabuhay sa mundo!"
Buong simbahan ay hindi makapaniwala sa nangyari, lalong ang munting regalo ng Panginoon sa kanyang sinapupunan ay kasabay niyang nawala.
"Where's Aiden?! Bakit niya iniwan si Marian? Anong ginawa niya kay Marian?! Dapat siyang makulong!" Sigaw ni Ann at hinagkan siya ni Sister Grace.
"Ang batas ang huhusga, hindi ikaw o tayo."
"Hintayin natin ang resulta, hindi tayo pwedeng magbintang," giit ni Sister Faith.
Nanatiling tahimik si Sister Mercy habang nakatingin sa magandang mukha ni Marian. Payapa at parang tulog lang ito.
Walang humpay sa pag iyak si Aiden habang nakasakay ng eroplano pabalik ng Manila. Nanginginig ang buong katawna niya at gusto na niyang tumalon upang mapuntahan agad si Marian.
"Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit ko ba siya niwan mag isa. This is all my fucking fault! Inisip ko lang ang sarili ko, hindi ko iniisip kung gaano niya sinakripisyo ang sarili para lang sa aking ikabubuti."
Kaliwa't kanan ang tumatawag kay Smith dahil sa ilang resulta ng imbestigasyon patungkol kay Marian. Para bang nanalamin siya nang makita ang anak na si Aiden. Ganitong-ganito siya noong nawala si Efinia sa buhay niya. Labis niyang pinagsisishan na lisanin ang asawa upang unahin ang sarili.
Kuyom ang kamao at muling nanumbalik ang nakaraan sa kanyang isipan.
"What's the reason? Lahat ng pwedeng ibalita sabihin mo sa akin," aniya ni Smith sa kabilang linya.
"Brain Aneurysm at may nakikita pang dahilan sa puso niya , Sir Smith. Maliwanag na walang ginawang masama ang iyong anak. Lahat ay may kadahilan sa health issue ni Ms. Marian Lewis."
Hindi nakakibo si Smith at binabaan ng tawag ang kanyang kausap. He was shocked and doesn't know how to react. Gustong-gusto niyang magalit.
"Why life gave us someone who will just left you out of a sudden? Why there's no permanent in life? Everything was just a borrowed happiness."
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...