Chapter 35

623 33 0
                                    

Chapter 35

Alas tres na ng madaling araw nang lumabas si Honey, nakaramdam siya ng panghihina dahil kulang ang kanyang kinain. Ika-ika pa siyang naglalakad dahil sa takong niyang nasira kung kaya't bumagsak siya kanina sa pole habang sumasayaw.

Mula sa loob ng sasakyan, napabalikwas si Aiden nang magulat sa serena ng Pulis. Para bang allergic si Aiden sa tunog na ito at nakita niyang nagtakbuhan ang isalng kababaihan sa isang bar.

"Raid! Raid!

Nagsimulang sindihan ni Aiden ang makina nang makita si Honey na nadapa sa hindi kalayuan na lugar. Nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ba ito o hahayaan na lang.

Bumangon si Honey at hindi inalintala ang sugat sa kanyang tuhod.

"Let's go!"

"Father!" Tili niya.

Para bang unan na basta na lang siyang binuhat ni Aiden at sinakay sa likuran ng sasakyan at nagmadaling pahaharurutin ang sasakyan. Hingal na hingal at kinakabahan si Aiden. Tila may phobia na siya sa hulihan at ayaw naman siyang madamay sa ganitong kalokohan lalong kilala siya bilang reliegious practitioner.

"Bakit po kayo nandito Father? Nagba-bar po ba kayo?"

"Hindi! Sinundan ko lang ang kaibigan ko."

Natahimik lang si Honey at pinunasan ang dumudugong tuhod. Hindi siya makaangal dahil nahihiya naman siyang makastorbo pa.

"Father, okay na po ako rito sa kanto."

"It's not safe walking alone here, gusto mo bang magahasa ng part two? Hindi ka rerespetuhin ng mga lalaki rito."

"Wala naman pong rumerespeto sa akin."

Napalunok si Aiden at nahagip ng kanyang mga mata sa salamin ang mukha ng babae sa likuran. Malungkot ang mukha nito at mukhang nagpipigil ng luha.

"Salamat po sa pagtrato mo sa akin bilang tao at isang babae."

"Everyone should be treated fairly. Walang mababa walang mataas, wala sa edad, wala sa kasarian o estado ng buhay."

"Thank you po."

Bumaba sa kanto si Honey at ganoon din si Aiden.

"Huwag na ho kayong sumama, delikado. Kaya ko naman umuwi na mag isa."

"Nananalaytay sa dugo ko ang pagiging gentleman. Halika na bago magbago ang isip ko."

Ika-ika lang naglalakad si Honey tinakpan din niya ang tuhod na may sugat.

"Dito na lang  po, salamat ulit Father."

"Mama! Tito!" bungad ni Marvie at nagkusot pa ito ng mata.

"Anong Tito? Father dapat anak."

"Hindi pa naman ako Pari, okay lang ako sa Tito. Dapat natutulog ka na ng mahimbing bakit gising ka---"

"Father pasok!"

Hinatak ni Honey si Aiden papasok dahil nakita niya ang ilang kabataan na nagtatakbuhan.

"Anong nangyayari?"

"May riot na naman po. Gabi-gabi na lang ito."

"Damn, my car!" akmang lalabas si Aiden ngunit hinatak siya ni Honey humarang sa pintuan.

"Huwag na huwag kang lalabas, kung ayaw mong mapagtripan dito. Mas importane ang buhay mo kesa sa kotse mong mababasag."

Napapikit si Aiden at tumango.

"Bakit ang pangit ng lugar niyo rito?   Sagrada ang pangalan pero mga kampon ni satanas ang nandito?"

Tumawa si Marvie at dumikit kay Aiden.

"Magulo po talaga rito, nasanay na po kami."

"Father upo po kayo rito. Kayo na lang po ang sa kama." giit ni Honey ngunit umiling si Aiden.

"Baka may daga."

"Takot po kayo sa daga?" aniya ni Marvie.

"Hindi, kadiri lang."

Sa sobrang diretso ng bibig ni Aiden hindi niya alam na na-offend niya si Honey at nahiya itong tumingin sa kanya.

"Matulog ka na, kaya hindi ka lumalaki," suway ni Aiden.

Hinayaan lang ni Honey si Aiden at Marvie na nag uusap at pumasok na siya sa loob ng banyo.

"Is this a house? Parang hindi ko nakikita na bahay ito? Parang anytime kapag bumagyo liliparin lahat. Mula sa palikuran, kortina lang ang nakatabing. Paano kung looban siya? Paano kung nakawan? Teka walang TV, paano nakakapagtiis ang batang ito? Kaya ba laging palaboy?"

Nakita ni Aiden na tulog na ang bata sa karton na may kumot habang siya na nakaupo sa maliit na foam. Nilapitan niya ito at hinawi ang buhok.

"Tatanda lang ng ilang taon si Maren sa iyo kung nabubuhay siya. Ganito rin kaya kakulit ang anak natin Marian? I hope both of you were doing good," pumatak ang luha sa mga mata ni Aiden at nagtataka rin siya na bakit nasaskatan pa siya.

"Why am I crying? Hindi ba't nakaraan na ang lahat, tapos na at wala ng dapat balikan pa."

Hindi alam ni Aiden na nakasilip si Honey sa kanya, kitang-kita niyang kung paano punasan ng binata ang kanyang mga luha.

"Father, may malinis po akong t-shirt dito. Palitan niyo po ang damit niyo dahil marumi."

"T-thank you, sa Tatay ba ito ni Marvie?"

"Hindi po, sa akin po."

"Bakit ang laki?"

"Pambahay ko lang po."

Tumango si Aiden at nagpalit ng damit sa loob palikuran.

"Putang ina daga!" bulalas ni Aiden at napalabas ng wala sa oras. Ginapangan ang kanyang paa ng daga at halos tumaas ang balahibo niya sa buong ktawan.

Nakatulala si Honey sa kanya nang makita ang brusko nitong pangangatawan at ang malaking tattoo sa likuran. Humarap si Aiden at biglang yumuko si Honey.

"Damn it, I'm sorry. Alam kong hindi normal na makarinig ka ng tulad ko na nagmumura. Tao rin ako, pero putang ina bakit ang daga dito?" galit na sinabi ni Aiden.

"Sorry po talaga, naghahanap na rin po ako ng malilipatan.

"I didn't mean to offend you, Nakaktakot lang, paano kung kagatin kayo o ihian ang pagkain niyo? Paano kung maimpeksyon kayo? Hindi ka ba natatakot na baka mapahamak ang anak mo sa lugar na it?"

"Natatakot po, pero wala ho akong choice kundi mag tiis sa ganitong bahay. Kung may sapat lang po akong pera matagal na po akong lumipat. Pasensya na po talaga., hindi ko rin gusto na maging ganito ang buhay ni Marvie."

"May sugat ka nga pala, may panggamot ka ba?" iniba ni Aden ang usapan dahil ayaw na ayaw niyag may umiiyak na babae sa kanyang harapan.

"Wala po, okay na po ito. Mamaya po wala na ang rambulan, pwede ko na po kayong ihatid sa kotse niyo."

"I will stay here, wala kang kasama. I mean kayo ni Marvie. Good night," nakaupong nakapikit si Aiden at nagpanggap na tulog.

Ilang minutong pagpapanggap, minulat niya ang mga mata at nakita na nakayakap si Marvie sa kanyang ina. Nakatalikod si Honey a kanya at tanging hugis ng beywang pati na ng balakang nito ang humuhubog.

"What's the reason I met you and your son? Ano na naman po bang pagsubok ang ibibigay niyo sa akin?" he whispered.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon