Lust 18
Hawak ni Marian ang mga inipong patapon na papel mula sa library. Sinusulat niya lahat ng nararamdaman kay Aiden. Now she's sitting down the church porch.
"Aiden, Aiden. Hay nabaliw na yata ako sa lalaking ito. Walang araw na hindi mo ako pinapasaya," she whispered.
"Ano 'yan?"
Nagulat si Marian nang umupo sa tabi niya si Akio. Inabutan siya nito ng sherbet.
"Wala."
Hindi tumigil si Akio at hinablot kay Marian ang mga sinusulat nito.
"Kahit kailan talaga ang bully mo ha! Asan na kasi!" Bulalas ni Marian."You are fantasizing Aiden Lavigne?! Naku, Marian lagot ka kay Lord.".
"Hindi ko siya pinapantasya ha!"
"Anong hindi? Eh ano 'to? Maliwanag pa sa puti kong uniform na gustong-gustong mo siya eh? Umamin ka na, sikreto lang naman natin."
"Hindi ko lang siya gusto. I love him."
His jaw dropped because of Marian. Ilang segundong nagkatinginan ang dalawa. Hindi alam ni Akio kung paano ipapakita na gaano siya kasaya.
"Aiden is very lucky to have you. Pero paano ka? Hindi ka na ba tutuloy?"
"Hindi na, nakapag-decide na ako. I want to start a family with Aiden."
"Paano mo sasabihin sa mga Madre?"
"Soon, kumukuha lang ako ng tsempo. I love Aiden, he paint me wings and because of him I learn how to fly and to explore."
Hinawakan ni Akio ang buhok ni Marian at pagkatapos ay kinurot ang kanyang mukha.
"Aray naman! Huwag kang maingay ha? How about you, may love life ka na ba?"
"I don't have, but I like someone who's in a relationship."
"Huwag kang magkakamali na mang agaw, Akio. Hindi mabuti iyon."
"Of course! I will not do that, nagkataon lang na pareho kami ng gustong babae. I love them both, hindi ko sila sasaktan."
"That's good!"
Napatigil sa pag uusap si Akio at Marian nang tumigil ang sasakyan ni Aiden sa harapan ng simbahan. Wearing white polo and white pants, isang gwapong binata ang bumaba. Nagningning ang mga mata ni Marian nang makita ang nobyo.
"Iyang bibig mo Marian, nasa semento na," aniya ni Akio.
"Can I date her?" pagpapaalam ni Aiden kay Akio. Dahil alam naman niyang magkaibigan ang dalawa.
"Sure, just take care of my bestfriend," aniya ni Akio.
"Paano sila sister?" wika ni Marian.
"Aalis din ako, sasabihin ko na lang na kasama mo ako. Sige na, sumama ka na," giit ni Akio.
"Konsintidor pala itong kaibigan mo," sambit ni Aiden habang tumatawa.
"I know she's in good hands, ingatan mo 'yan ha? Walang alam sa mundo iyan," aniya ni Akio at nakatanggap siya ng sapok kay Marian.
"Let's go my lady."
"I'm happy for you brother. Kahit sa ganitong pamamaraan nakakausap kita. How I wish makausap ko rin ang dalawa. But I think, it's quite impossible. Hindi ko alam ang timpla ng ugali nila. Anyway, I thank Marian. At least napapalapit na ako sa numero uno kong idolo," bulong ni Akio sa sarili habang nakatingin sa pag alis nila.
Kinagabihan.
Hawak ni Marian ang kamay ni Aiden habang papasok sila sa isang bar. Hindi bar kung saan nagbabasagan ng bote at naglalasing ang mga kabataan. Kundi isang bar para sa mga gustong magpalipas ng oras, halos mga business man ang nandito. Ang iba ay sumasayaw, hindi party dance kundi isang ballroom.

BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...