The Lust 45

727 36 1
                                    

Lust45

TINUNTON ni Smith ang bagong bahay ni Aiden at Honey sa Clark. Dito siya nagpalipas ng gabi dahil balak din niyang makilala sa personal ang babaeng mahal ng kanyang anak.

"Where's she? Bakit nasa kusina na naman?" tanong ni Smith habang nakaupo sila ni Aiden sa bakuran.

"She loves cooking, kaya hintayin mo ang luto niya," giit ni Aiden at lumagok ng alak.

"Your mom wants an annulment."

Napatingin si Aiden kay Smith at nakita niya kung gaano kalungkot ang mukha nito.

"Do you still love her?"

"If someone doesn't want you back, don't push them to be with you or to love you back."

"Ah, so you love her. Come on, I'm here, we are here. Kitang-kita namin ang effort mo to win her heart."

"Huwag na anak, matanda na rin kami. Okay lang."

"Sorry to disturb po!" giit ni Honey at mukhang aatras habang bitbit ang pagkain.

"No, you sit here. I wanna meet my son's soon to be wife."

Ngumiti si Aiden at tinapik ang upuan para tumabi si Honey.

"Tell me, paano mo napalabas ng simbahan ang anak ko?"

"Ah-eh, siya po kasi ang sumusunod sa akin. Nagkakataon po na palaging si Aiden ang lumiligtas sa akin kapag nasa peligro po ako."

"Kailan ka naging superhero anak? Hindi ako na inform!" tumawa si Smith at biglang may hinugot sa kanyang bulsa, "This is for you."

"Ano po ito Sir?"

"Call me Daddy, open it siguradong magugustuhan mo."

Sa kanyang pagbukas, lumantad ang isang kwintas na hindi niya kailanman makakalimutan.

"Why? Are you crying babe?" tanong ni Aiden.

"Maraming salamat po, hindi ko po halos akalain na tatanggapin niyo po ako para sa anak niyo. Lalong ganitong klaseng babae niya ako nakilala."

"As long as mahal ng anak ko, masaya ako. Kailan ang kasal? May balak na ba kayo?"

"I will arrange it dad, may mga bagay pa akong inaasikaso sa simbahan after that, magpapakasal na kami."

"Good job, how about your son pala Honey? Asan siya?" giit ni Smith at kumain sa nilutong chicken barbeque nuggets.

"Natutulo--" naputol ang sinasabi ni Honey nang muling biglang nagsalita si Smith.

"This is delicious! Alam ko na kung bakit nabihag ang anak ko. Masarap kang magluto! Matakaw kasi si Aiden, paksiw ang paborito nito at subukan mong iluto. Paksiw lang ng Mama niya ang gusto niya."

Namangha si Honey at kinurot si Aiden sa tagiliran dahil namumula ang mukha nito.

"Kaya pala! May asim ka pa, Father!" tila nawala ang hiya ni Honey at nakuhang makipag kulitan kay Smith.

Kalaunan, pinatuloy nila si Smith sa master's bedroom dahil gusto rin makitira ng ilang araw.

PATULOY ang pag agos ng tubig habang naliligo si Honey. Si Aiden na nagbabasa ng bibliya habang hinihintay ang nobya. Naging parte na ito ng kanyang pang araw-araw na ginawa, bago matulog, hindi pwedeng hindi siya magbasa ng bibliya.

Sa paglabas ng banyo ni Honey, para bang nagdadalaga ito at nahihiya pang makita siya ni Aiden na nakatapis lamang.

"Honey."

"Y-yeah?"

"Come here," tinapik ni Aiden ang binti

"Basa pa ako. Magdadamit muna ako."

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon