Lust 8

6.4K 133 14
                                    

Lust 8

Nanatiling naghihintay si Marian kay Aidan sa likuran parte ng pick-up, hinayaan niyang magnilay-nilay ang binata at nahuli na lang niya ang sariling tulog.

"Marian, let's go home," pagtapik ni Aiden sa kanyang mukha

"Ohh, sorry nakatulog na pala ako."

Napakapit si Marian kay Aiden nang bigla siyang buhatin nito upang ibaba. Nahihiya siyang yumakap sa lalaking ito na parang bata ang turing sa kanya.

"Kaya ko naman maglakad."

"Pwede bang palagi tayong magkita?" aniya ng binata.

"Bumisita ka sa kombento, kapag may charity event pwede naman magboluntaryo."

"No, I mean dito. Or kung pwedeng buong magdamag ngayon," maamong sinabi ni Aiden.

"Hindi pwede. Ayokong masira ang tiwala nila sister sa akin. Magkikita naman tayo sa library diba?"

Tumango na lang si Aiden at humalik sa kanyang noo. Nahihiya si Marian bukod sa hindi niya alam kung anong parte niya sa puso ng lalaki.

"He's a temptation," she whispered.

Sa patuloy na pagmamaneho, napansin na lang ni Marian na iba ang kanilang tinatahak na daan. Kinabahan siya dahil hindi ito ang way pauwi.

"Saan tayo pupunta? Alas dose na, baka mahuli ako."

"Trust me, uuwi naman tayo."

"Aiden naman, pakiusap at huwag naman ganyan. Hindi mo alam ang kakaharapin ko kapag tinuloy mo ito."

"Matulog ka na lang muna, ilang oras pa bago marating sa paroroonan. Huwag kang matakot, hindi naman kita ililigaw."

Walang nagawa si Marian kung hindi sumunod at manahimik na lang. Natatakot siya dahil baka mahuli siya ni Sister Mercy at patuloy nang pagbawalan lumabas.

6 hours later...

"Aiden!" Bulalas ni Marian at patingin-tingin sa paligid habang nasa loob ng sasakyan

"Alas sais na?! Ano ba at bakit nandito pa rin ako? Gusto mo ba akong mapahamak?!" Dagdag ni Marian.

"Hindi, gusto ko lang na isama ka rito."

"Aiden naman, alam mong pinagbabawal sa amin ito! Pakiusap at iuwi mo na ako," mangiyak-ngiyak niyang sinabi. Walang ni isang bitbit na wallet o bag si Marian. Tanging sarili lamang niya ang dala. "Pagudpud? Seryoso ka ba!?" bulalas niya nang makita ang isang malaking karatula.

"This is my favorite place, tingnan mo."

Mula sa gilid ng mahabang kalsada, dinaraanan nila ang mahabang tulay kung saan makikita ang beach. Kulay asul at napaka ganda ng lugar. Alagang-alaga at hindi ito tulad ng polusyon sa meron sa Manila. Tumigil ang sasakyan ni Aiden at bumaba siya para ilabas din si Marian.

"Aiden, ayoko. Iuwi mo ako!" pagmamaktol niya.

"You said, you want me to be happy. Pero bakit ngayon tinatanggihan mo ako?"

"Aiden maraming paraan para sumaya ka, hindi 'yung nilalagay mo sa kapahamakan ang isang tao!"

"Fine, hintayin mo ako rito. Iuuwi kita!" Asik ni Aiden at padabog na sinara ang sasakyan. Nagulat na lang si Marian sa ginawa ng lalaki. Hindi talaga mawala sa kanya ang pagiging barumbado.

Naglakad ang binata papunta sa 360deck view at nilanghap ang preskong simoy ng hangin..

"Mom, I remember everything. This was your last place on earth. I miss you, Ma. Kung pwedeng multuhin mo si Dad. I hate my father at hinayaan ka niyang mawala. Hinayaan niyang mawala ang isang tulad mo. Look at us now, broken and incomplete."

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon