Lust 30
"Honey, hindi ka pa ba sasama sa akin? Willing naman akong ibahay ka," pagtawa ng isang lalaki at tinapik ang puwitan ng babae. Halos mapasinghap si Honey dahil sa walang humpay na pambabastos ng mga kalalakihan sa kanya.
Hindi na niya ito pinapansin dahil siguradong mas babastusin lang ang pagkakabae niya kapag siya'y nanlaban.
"Hindi ba't may lagnat ka? Umuwi ka na kaya?" giit ni Manang Doris.
"Hindi po, okay lang ako. Linggo po ngayon, kailangan niyo rin po ng katulong."
"Sigurado ka ba? Lalong may trabaho ka pa mamaya ha?"
"Ayos lang po ako manang Doris! Kayod kalabaw po ako, alam niyo naman na maraming gastusin."
Patuloy na naglakad si Honey sa loob ng kusina at naghugas ng pinggan. Inuubo at halos masugat na ang kanyang kamay dahil sa sobrang tapang ng mga sabon.
"Aray!" Angal niya nang makabasag ng pinggan.
"Naku, sinabi ko na kasing umuwi ka na muna. Sige na at ang mga boy ko na lang ang bahala sa hugasin.
"Pasensya na po, ibawas niyo na lang po sa sahod ako ang nabasag."
"Hindi na, maliit na nga pasahod ko sa'yo, babawasan ko pa. Umuwi ka na."
Laking pasasalamat ni Honey na hindi masama ang ugali ng matanda, kundi siguradong ipapabayad ito sa kanya katulad noon na nagtatrabaho siya sa isang ospital.
Kinalkal ni Honey ang kanyang bag upang hanapin ang kanyang panyo, ito ang ginamit niya upang mapatigil ang pagdrugo.
"Kailangan nitong gumaling, hindi ako pwedeng umabsent sa trabaho ko mamaya! Ang tanga naman kasi Honey!" bulalas niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Sari-saring bulungan at pangungutya ang kanyang naririnig sa tuwing dumadaan sa kanilang eskinta kapag siya'y umuuwi. Ang mga mapanghusgang mata na patuloy binibigyan ng maruming putik ang kanyang pagkatao at pangalan.
"Kagandang babae talaga nito, kailan ko kaya siya matitikman?" giit ng isang matandang lalaki na may kasamang nag iinuman sa kalye.
Nagmadali si Honey sa paglalakad at nang marating niya ang bahay, agad niya itong sinara. Tumapat siya sa salamin at pinunggol ang buhok, wala na siyang oras at kailangan na niyang pumasok sa susunod na trabaho.
"Lagi mong tatandaan, trabaho mo lang ang marumi. Hindi ang pakatao mo, Honey," bumuntong hininga ang dalaga at hinubad ang damit.
Mula sa labas ng bahay, walang kamalay-malay ang babae na may sumisilip sa kanya. Lahat ng pagnanasa at kamanyakan ng kalalakihan ay kanyang nararanasan. Dahil sa buntot ng chismis, kahit saan siya magpunta, hindi pwedeng hindi siya magawan ng sariling istorya mula sa mga kapatidbahay.
Napalingon ang babae sa bintana nang makarinig siya ng kaluskos. Siniksikan ni Honey ng tela ang bintana dahil alam niyang may namboboso sa kanya. Sa sobrang barong-barong at kitid ng tirahan, siguradong may mga lalaking magkakandarapa upang makita lamang ang hubad niyang katawan.
Makalipas ang ilang minuto na pag aayos. Soot ni Honey ang jacket bilang pantakip sa kanyang katawan. Pumasok siya sa isang mausok at may mga kulay pulang ilaw. Hinubad niya ang jacket at lumantad ang makinis niyang kutis. Tumapat siya sa salamin at sinindihan ang sigarilyo.
"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" wika ni Magda.
"Magdaline, ngayon lang! Hayaan mo na nga ako."
"Hay nako, hindi mo bagay. Kahit anong gawin mong pag-transform into a whore, mukha ka pa rin mahinhin."
"Parte lang ito ng trabaho ko, may mga customer akong naninigarilyo. Kailangan ko rin makipag sabayan sa kanila syempre."
![](https://img.wattpad.com/cover/218051282-288-k21640.jpg)
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...