Lust 22
Pinagmamasdan niya ang mahimbing na pagtulog ni Marian. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at parang ayaw na siyang pakawalan. Dahan-dahan na pagtsempo sa pagtayo si Aiden upang hindi magising ang nobya.
"Mmh," ungol nito at para bang kinakapa ang kanyang init.
Dinampot ni Aiden ang kanyang jacket at ito ang kinumot sa dalaga. Hindi niya maiwasan na mapangiti, inamoy ito ang dalaga at tinakip sa dalaga. Lumingon ang binata sa bintana ahabang pinagmamasdan ang ang eroplanong lumilipad.
"Hindi kaya ng aking konsensya na makasama ang isang tulad mo, habang pilit ko pang binubuo ang pagkatao ko. I do love you, pero ayoko na palagi mo na lang akong sinasalo sa tuwing nagkakaganito ako. I can't escape, I don't know how to let go of the baggage from the past. I'm stuck, and I think I'm drowning," aniya ni Aiden habang kinakausap si Marian na natutulog. Pinupunit pa rin ang kanyang puso dahil sa mga kanyang nalaman. Pakiramdam niya'y pinaglaruan siya ni Smith at ni Akio.
I love you, Marian. I will fix myself first, ayokong gumamit ng ibang tao para lamang makalimot. I want to start it on my own, ayokong umasa sa'yo. Ayokong makita mo ang puso ko, I don't want you to suffer. Lagi mong tatandaan na mahal kita," nag iwan siya ng halik sa labi nito at hinagkan ang nobya.
Nagkagulo at hindi nila alam kung saan hahanapin si Marian. Magdamag na itong nawawala nang walang pasabi. Kinakabahan si Ann dahil alam niyang hindi mabuti ang pakiramdam ni Marian.
"Tell me, alam kong alam mo kung nasaan si Marian," giit ni Sister Mercy.
"Wala po akong ideya, ang alam ko lang po iniwan ko lang siya."
"Ano ba talaga? Ano ba ang tinatago niyo sa amin ni Marian? Ang hirap niyong kausap, nagsisinungaling na kayo sa amin!" Saad ni Sister Mercy.
Inabot ng alas dose ng hapon, nakatanggap ng isang tawag mula sa telepono si Marian, at ito ang naging rason kung bakit siya nagising.
"Aiden?" hinatak niya ang jacket ng nobyo at sinoot sa sarili. Masama ang kanyang gising dahil sa sobrang sakit ng batok at umaabot hanggang ulo. Sa kanyang pagtayo, napansin niya ang cellphone at wallet ni Aiden sa coffee table. Wala naman ang maleta nito. Napahawak si Marian sa kanyang dibdib at nilapitan ang cellphone.
"I love you, Marian. Babalikan kita, I will fix myself first."
Hindi makapaniwala si Marian dahil sa iniwan na mensahe ni Aiden. Agad niyang dinampot ang damit ngunit hindi niya ito nasuot gawa ng biglang pagbasak sa sahig.
"H-help!" pilit niyang inaabot ang teleponong tumutunog. Buong lakas niyang tinayo ang sarili sa kabila ng pagdadalawang paningin.
"Hello ma'am, an--"
"Help me, please."
"Hello po?! Ma'a--"
Ang attendant na tumawag sa kwarto ni Marian ay dali-daling nagpatawag ng guwaryda. Binuksan ang kanyang kwarto at nakita nila ang nakahandusay na dalaga habang ito'y walang matinong damit.
"Hospital! Dalian niyo!"
Hinawakan siya ng binata at tinakpan ng kumot ang kanyang katawan. Kinapa niya ang leeg ng dalaga at pinintigan ang puso nito.
"Sir, urgent! This is an emergency!"
Batanes.
Mag isang lumapag si Aiden sa paliparan ng Batanes, hawak niya ang panyo ni Marian at hinalikan.
"This is what I need, kailangan kong lumayo para hanapin ang sarili. Punan ang mga bagay na wala sa akin nang walang ibang tao na tumutulong sa akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/218051282-288-k21640.jpg)
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomantizmBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...