Lust 24

910 76 15
                                    

Lust 24

Tahimik ang loob ng simbahan gawa ng utos ni Smith. Dito pinaglalamayan si Marian. Tanging mga tao sa simbahan at si Smith lamang ang nakakaalam sa pagkakawala ng dalaga. Iniiwasan niyang malaman ng media ang nangyari, lalong noong nakaraan lamang ay napasama si Aiden sa Human Trafficking raid.

Nakaluhod at nagdarasal ang mga Madre, pati na ang mga Pari na nag-alaga kay Marian. Walang tigil sa pag-iyak si Ann habang hawak ang inipong kapirasong papel ni Marian na naging maliit na notebook.

"Aiden! Saglit!" Sigaw ni Smith.

Paglabas niya ng van, dali-daling binuksan ng mga gwardya ang pintuan ng simbahan at pinapasok si Aiden. Napatigil sa pagdarasal ang mga tao sa loob at nakita nilang napatigil si Aiden sa gitna habang dahan-dahan na naglalakad.

"Ai-den? Sister si Aiden," aniya ni Sister Faith.

"This is not fucking true!" Sigaw ni Aiden at buong lakas na tinahak papunta sa altar kung nasaan si Marian.

"Wake up, my Marian. Please, I'm here now!"

Lumapit ang dalawang gwardya ni Smith upang pigilan si Aiden. Mas lalong naging agresibo at pumalag si Aiden sa pagpigil ng mga ito.

"Son, stop it! Nasa harapan ka nang mga Madre at Pari! Magbigay ka ng respeto kay Marian!" Asik ni Smith.

"No! Let me go!"

Tinapunan ni Aiden ng suntok ang dalawang gwardya at akmang lalapit si Smith ngunit umatras siya sa sobrang galit ni Aiden. Tinabig ni Aiden ang bulaklak na nakapatong sa kabaong ni Marian at binuksan ang salamin na namamagitan sa kanila.

"Wake up, please. Don't leave me!" umalingawngaw ang kanyang hagulgol sa simbahan at mas lalong gumuho ang mundo ng mga taong nagmamalasakit kay Marian.

Ang malamig na bangkay ng nobya ay kanyang binuhat upang hagkan. Wala siyang pakialam, kung malamig at matigas na ang katawan ni Marian. Mahigpit niya itong hinagkan at patuloy sa pag-iyak ang binata.

"I'm sorry. Mahal na mahal kita, bakit niyo ako iniwan agad? Please wake up, Marian. Pakiusap, ikaw ang buhay ko."

"Anak, tama na. Hindi masaya si Marian na makita kang ganyan," mahinahon na sinabi ni Smith. Ito ang pangalawng beses na nakita niya si Aiden na magwala dahil sa pagkawala ng isa pang babae sa buhay niya.

Tila bumalik sa nakaraan ang kanyang isip noong nawala si Efinia. Si Aiden at Austine na halos ilibing siya ng buhay dahil sa abot hanggang dulo ng kanilang ugat ang galit ng mga anak.

"Bakit mo ako iniwan? Paano na ako? You are my home, my everything."

Dahan-dahan nilapag ni Aiden ang bangkay ni Marian at inayos ang buhok nito. Yumuko siya para halikan ang labi nito.

"Umalis ka r'yan!" Sigaw ni Ann at pinagtulakan si Aiden.

"No! Hindi ko iiwan si Marian!"

"But you left her! Hindi mo alam kung gaano ka niya kamahal! Ang saya ko kasi kasama mo siya, masaya ako kasi may taong nagbigay buhay sa puso niya. Pagkatapos iiwan mo siya?! Hindi mo siya inalagaan! Pinabayaan mo siya!" Sigaw ni Ann at pinagsusuntok ang dibdib ni Aiden.

"Tama na! Ann tumigil ka! Magbigay kayo ng respeto sa harap ni Marian at sa Panginoon! Sa palagay niyo ba, masaya siya na nakikita kayong nagkakaganito? Do you think she will rest in peace?! Hindi! Dahil pare-pareho kayong nagsisisihan! Hindi natin hawak ang buhay, hindi niyo alam kung kailan babawiin ang buhay sa inyo!" Aniya ni Sister Mercy. Pinulot niya ang bulaklak at inilagay sa kabaong ni Marian.

"Ahh! Fuck! Fuck this life!" Sigaw ni Aiden at sinabunutan ang sarili. Bigla itong tumakbo palabas ng simbahan.

"Anak! Aiden!" Napatigil sa paglalakad si Smith dahil kumirot ang kanyang puso. Bitbit niya ang bigat ng nararamdaman ni Aiden lalo na ang pagod.

Tumakbo si Aiden papunta sa sasakyan ng kanyang Ama, sapilitan niyang inagaw ang susi sa driver at pinagtukalan niya ito palayo.

"Where do you think you are going?!" hinatak ni Akio si Aiden at hinarap sa kanya.

"Get off!" Tinulak niya ang kapatid at hinayaan niya itong natumba sa buhangin. Halos paharurutin ni Aiden ang sasakyan sa sobrang galit at walang tigil na pagluha.

"I want to die now, sasama ako sa'yo," he whispered.

Pinikit ni Aiden ang kanyang mga mata at niliko ang sasakyan. Lakas loob niyang itong binunggo sa poste.

"Where is Aiden! Find my son now!" giit ni Smith habang nasa loob ng nakasaradong simbahan.

"Hindi maganda ang kutob ko para kay Aiden. Wala siya sa katinuan," wika ni Father Joseph.

"Please, pray for my son's guidance. Nakikiusap ako Father. I know him when he's mad. The history repeats itself in phrases, ilang beses na niyang gustong kitilin ang buhay," napasabunot si Smith sa kanyang buhok at hindi niya alam kung sasabihin niya ba ito sa mga kapatid nito.

"Akio!" Sigaw ni Ann at hinagkan niya ito.

"He run away, he is fucking suicidal now! Go and fucking find your son! Anong ginagawa mo rito?! Bakit hindi mo habulin ang anak mo! Hahayaan mo ba siyang mawala at mamatay na lang?!" Hinatak ni Akio ang kwelyo ng ama at hindi ito kumikibo.

"Tama na! Huwag na tayong magkagulo!" Pag-awat ni Ann.

"This is my fault, kung hindi niya nalaman ang lahat. Hindi niya sana iiwan si Marian na mag isa!" sigaw ni Smith kay Akio at tinulak niya ito palayo. "Stay away with my family, Akio Nakamura!"

Para bang pinako ang puso ni Akio nang ipagsigawan ito ni Smith. Isang malaking sampal na hindi pa rin siya kayang tanggapin nito kahit anong gawin niya.

"Sir Smith! Si Sir Aiden po, bumunggo sa poste! Ayaw niya pong magpadala sa ospital!"

Napabalikwas si Smith at tumakbo papunta sa sasakyan. Parang bibiyakin ang kanyang sentido dahil sa sobrang sakit ng ulo hatid ng kanyang anak.

"Fuck off! Let me die here!" Sigaw ni Aiden at galit na galit sa mga nais tumulong sa kanya. Puno ng dugo pati na ng bubog ang nakapaligid sa kanya. Pilit siyang inaalis sa frontseat dahil nanganganib na sumabog ang sasakyan.

"Aaah!" sigaw ni Aiden nang makaawala siya. Agad siyang dinala sa stretcher at sapilitan na dinala sa ambulansya. Kahit anong sigaw at palag niya. Ito ang utos ng kanyang Ama.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon