Lust 21
Halos gapangin ni Marian ang sahig upang maabot ang kanyang kama. Kumikirot at halos biyakin na ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Pinipilit niyang hindi gumawa ng ingay ngunit nabagsak ang lampshade sa kanyang gilid.
“Marian!” Aniya ni Sister Faith at tinulungan siyang makaupo ng maayos.
“Ano ang nangyayari?!” bulalas ni Sister Grace.
“Eh naabutan ko siyang gumagapang, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa batang ito.
“Sobrang sakit po ng ulo ko,” umiiyak si Marian at namumutla sa sobrang bigat ng pakiramdam.
“Dalhin natin sa ospital! Naku at wala si Sister Mercy!”
“Hindi ho! Ako na ang bahala kay Marian!” pagpigil ni Ann sa dalawang madre.
“Ba’y bakit? Baka mapano pa siya kung hahayaan natin!” wika ni Sister Grace.
“Kilala ko na po si Marian, ako po ang taga pag bantay sa kanya diba? Ako po ang bahala, magkadikit po ang bituka namin.”
“Sigurado ka ba, Ann?” sabi ni Sister Faith.
“Opo, sige na po at puntahan niyo na sila sa labas. Ako na po talaga ang bahala!”
Tila pinagtulaka ni Ann ang dalawang madre at ni lock ang pintuan.
“Bukas ng umaga, ihian mo ito,” inabot niya ang isang puting pahabang bagay kay Marian habang ito ay nakahiga.
“Si Aiden, naiwan ko siya sa confessional. Gusto ko siyang makita, aalis kami bago siya pumunta ng Mindanao.”
“Marian, tumigil ka!” suway ni Ann at pilit siyang pinahiga.
“Gusto ko siyang makita, I miss him.”
“Marian, tumigil ka nga. Mag pregnancy test ka bukas, sigurado ako at malakas ang paninindigan kong buntis ka!”
Biglang ngumiti si Marian at hinawakan ang sinapupunan.
“I want to tell this to him! Sasabihin ko na kay Sister Mercy ang lahat!” masaya niyang sinabi. Napangiti si Ann at hinagkan ang kaibigan.
“You need to take a rest, mukhang maselan kang magbuntis, Marian.”
“Si Aiden, gusto ko siyang makita! Baka umalis na siya, kailangan niya itong malaman!”
“Hep! Huwag matigas ang ulo. Pagbalik ni Aiden mo na lang sabihin para surprise! Isa pa, hindi ka pa nga sigurado dahil hindi ka pa nag-PT.”
Hawak ni Aiden ang plane ticket papuntang Mindanao, hindi niya alam kung bibiyahe siya papunta rito o hindi. Pinagmamasdan din niya ang litrato ng kanyang ina. Ang luha na pilit tumutulo kahit gusto niya itong pigilan.
“I’m not happy. Kahit magmahal ko, bakit hindi ako nakokompleto? Bakit may hinahanap pa rin ako? Bakit ang daming wala na pilit kong hinahanap para lang sumaya ako?”
Nilingon ni Aiden ang kanyang cellphone at nakita ang isang tawag mula sa isang numero.
“Aiden!” bulalas ni Marian.
“Why?”
“Anong why? Na miss kita! Akala ko bang magde-date tayo? Hindi na masakit ang ulo ko, I’m okay na.”
“What? Anong masakit? Are you okay?" napatayo si Aiden at dinampot ang maleta.
“Come here, I want to be with you. Bago ka man lang umalis, namimiss ko ang ilang araw na wala ka.”
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...