The Lust 38

867 29 2
                                    

IDLIP lamang ang tulog ni Honey at ginising na niya si Marvie. Hindi makapaniwala ang bata dahil sa sobrang laki ng bahay ni Aiden.

"Anak baka makabasag ka, lalong hindi ko kayang bayaran ang mga gamit niya."

"Mama sana ganito rin bahay natin!"

"Halika na, pinagluto ko na ng agahan si Brother Aiden. Aalis na tayo pagkatapos kumain."

Sumunod lang si Marvie sa kanyang ina, halatang nagmamadali si Honey na kumain dahil ayaw na niyang abutan pa sila ni Aiden sa bahay nito. Masyado ng nakakahiya para sa kanyang parte ang labis na pagtulong nito.

"Son!"

Bumukas ang pintuan at nakita ni Efinia ang mag-ina sa hapag kainan. Tumigil sa pagkain si Honey at nagtago naman sa likuran niya si Marvie.

"Magandang umaga po ma'am. Pasensya na na po."

"What? Bakit ka nagpapasensya? Sino ka at anong ginagawa mo sa bahay ng anak ko? Girlfriend ka na ba niya?"

"Naku, hindi po! Tinulungan lang po kami ni Brother Aiden."

Umupo si Efinia sa harap ng hapag kainan at tumikhim ng garlic chicken.

"Ikaw ba ang gumawa nito o binili ng anak ko?"

"Ginawa ko lang po."

Sinilip ni Efinia ang batang nagtatago sa likuran ni Honey.

"Oh, your son? Come here darling, hindi naman ako nanganggat. What's your name?"

"Hello po, ako po si Marvie Lim seven years old po."

"Hello dear, I'm Efinia Lavi--Lopez. Kumain na muna tayo at siguradong hindi pa magigising ang anak ko dahil tulog mantika iyon.”

Namangha si Honey dahil ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong pagtrato. Napaka edukada kung kumilos at napaka bait ni Efinia sa kanya.

"Paano kayo nagkakilala ng anak ko?"

"Si Marvie po ang una niyang nakilala. Tinulungan niya po ang anak ko. Marami po palang salamat."

"Oh welcome dear, you have a handsome son. Asan ang tatay niyan?"

"Nasa malayo raw po sabi ni Mama!" pagsingit ni Marvie.

Nagkatinginan si Honey at Efinia, para bang nabasa na ng ginang ang tumatakbo sa isip ni Honey kaya siya'y tumango na lamang.

Nang matapos sila sa pagkain, nagmamasid lang si Efinia sa kilos ni Honey, malinis at mukhang sanay ito sa trabahong bahay. Dagdag pa ang anak nito na nagwawalis at nilinis ang pigid ng kusina.

"Ma'am Efinia, mauna na po kami. Maraming salamat po ulit sa  tulong niyo at pag welcome sa amin."

"Maliit na bagay, you take care!"

Kumaway si Marvie kay Efinia habang nakayakap sa kanyang ina. Binitbit na ni Honey ang anak dahil mukhang ayaw pa nitong umalis.

"Wait! Hija, anong pangalan mo?"

"Honey Lim po."

Mula sa kanyang kwarto, napaka himbing ng tulog ni Aiden nang kalabugin ni Efinia ang pintuan nito

"Wake up pretty boy! Mataas na ang araw!"

"Ma, I'm still sleepy. Napuyat ako  last night."

"Bakit ka napuyat dahil ba kay Honey?!"

Napabalikwas si Aiden sa kinahihigaan at tumingin kay Efinia. Hindi na niya  kinibuan ang ina at basta na lamang siyang lumabas ng kwarto.

"Umalis na silang mag-ina. Nagluto pa ng agahan para sa'yo. You know what, I like her cat eyes and the garlic chicken!"

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon