Lust 7
Panay hikab si Marian dahil hindi niya nakuhang makatulog dahil sa halik ni Aiden. Ngayon na habang siya'y naglalagay ng libro sa shelves, tila lumulutang siya mula sa kinakatayuan na hagdanan.
"Lord, pinadala niyo po ba si Aiden para i-test ang pananamapalataya ko sa iyo? At kung gaano kalakas ang self control ko? Isa po siyang temptation diba? Sagutin niyo naman po--ahh!" nakuhang mataob ni Marian mula sa hagdanan dahil inalog ito ni Aiden.
"Hi!" Bati ni Aiden habang bitbit siya nito.
"Ibaba mo nga ako! Lakas din ng trip mo, eh kung hindi mo ako masalo?!"
"Sinampolan lang kita, mukha ka kasing puputulan ng pakpak sa langit dahil sa makasalanan mong ginawa."
"Tigilan mo ako Aiden, nagtatrabaho ako rito."
"Talaga ba? Kanina ka pa nga nakatulala sa ceiling. Lumabas ka na nang kumbento dahil makasalanan ka. You did sex before marriage," he said.
"Panginoon ko, forgive him."
"Palitan mo na ang library card ko, puno na ito," tinapat niya sa mukha ni Marian ang card at pabalang naman niya itong kinuha.
Sinundan niya ang dalaga hanggang sa pagpapalit nito ng library card niya. Pinagmasdan ni Aiden ang pino nitong pagkilos. Until he realized that he's smiling.
"Baliw ka ba? Tapos na ang card mo," masungit na sinabi ni Marian dahil nakangiti lang ang binata sa kawalan.
"Thanks! So, tuloy tayo mamaya?"
"Bakit malungkot ka pa ba?"
"Kapag hindi ka sumama."
Pasimpleng kinurot ni Marian ang sarili habang nasa likuran ang dalawa niyang kamay.
"S-sige, pero mabilis lang ha?"
"Okay promise!"
"Aiden!"
Nawala sa linya ang pag uusap nila nang may babaeng lumapit kay Aiden at humalik sa pisngi nito. Salitan ang tingin ni Marian mula kay Aiden at babaeng humalik dito.
"Tapos na ang klase ko, tuloy na ba tayo?' malanding sinabi ng babae at hinawakan ang braso ni Aiden.
"Yes sweety, can we go now?" sagot ni Aiden.
"I'm excited with our lesson that you will teach to me," pagkindat nito.
Harap-harapan na inakbayan ni Aiden ang babae at lumabas ng library. Natawa na lang si Marian dahil sa mga mabulaklak na pananalita ni Aiden sa kanya.
"Talagang isinama pa niya ako sa mga binibilang niyang babae?"
Palabas ng paaralan si Aiden nang makasalubong niya ang kanyang ama kasama ang asawa ni Mister Alfonso. Tumigil si Aiden nang tawagin siya ng kanyang ama.
"I would like you to meet misis Tonia Alfonso," giit ni Smith kay Aiden. Hinawakan ni Tonia ang braso ni Aiden at paulit-ulit na hinimas. Walang reaksyon si Aiden at nakahawak pa rin sa kamay ng babaeng kasama niya
"Your son is very handsome, Smith! Napaka ganda ng lahi mo," malanding sinabi ni Tonia at tinikom ang bibig nang tinignan siya ni Aiden.
"Ofcourse, it runs in the blood," sambit ni Smith.
"We'll go ahead," giit ni Aiden at hindi tinignan ang ama.
"Son, go home later. Kailangan natin mag-usap."
Tinuloy ni Aiden ang paglalakad at hindi na niya nilingon ang ama. Hinayaan niya itong mapahiya sa harap ni misis Alfonso.
Natatawa siya dahil mukhang pati ang tatay niya ay nakuhang magpabitag kay Tonia. This woman knows how to play with with men. Tanga lang ang asawa niya dahil hindi nito alam na sawsawan ng kalalakihan si Tonia.

BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...