The Lust 50

1K 37 1
                                    

Lust50

"THE day I've been waiting for!" giit ni Smith at hawak ang invitation para sa kasal ng anak niyang si Aiden.

"Dad, sa sabado pa."

"We are so excited for you kuya! Na sukat na ba ni Honey ang gown niya? Sabi ni Mama hindi pa dahil na late ang pagkakagawa?" giit ni Austine."

"Yes, pupuntahan ko siya mamaya."

"Eh huwag ka nang pumunta. Parang hindi mo kilala ang Mama mo," aniya ni Smith at tumayo upang ayusin ang gamit dahil kinakailangan niyang umalis.

"Wait Dad, kayo ni Tita Efinia? Wala na ba talagang pag-asa?" tanong ni Akio habang naglalaro ng chess kasama si Arthur.

"Anong chance pa ba ang gusto niyong apat? Galit si Efifania Lopez sa akin. Our annulment is in process at pumirma na ako ro'n. Hindi ko naman siya pipigilan kung ayaw na niya. Mula binuhay ko ang kasal namin, buong akala ko na magiging madali na maging kami ulit. Pero heto at gusto na talaga niyang burahin ang pangalan ko sa buong pagkatao niya," wika ni Smith at bakas sa mukha nito ang lungkot

Natahimik ang apat at tila kinakalkula kung magsasalita ba sila o hindi.

"If you love someone and if he or she is now happy with someone else, let him or her go. Mas mahal mo siya kung makikita mong mas masaya na wala siya sa tabi mo," giit ni Smith at tinaas ang isang envelope. Binuksan niya ito at halos mamilog ang mga mata ng magkakapatid.

"Land title in California? Why are you going?" tanong ni Aiden at hinablot sa ama ang hawak nito.

"Matapos lang ikasal si Aiden at magkaroon na rin pamilya si Akio, dito na ako maninirahan. Sa ayaw at sa gusto niyo kayong apat ang magma-manage sa negosyo ko. I'm done, I need to rest. Alam kong matibay na ang pundasyon ng kumpanya kaya ipapasa ko na sa inyo."

"Dad, ikaw lang mag isa ro'n, unless you will marry someone again?" tanong ni Arthur.

"I will not marry someone. Your mom is enough, she will always be the first and last."

"Damn it, edi ligawan mo ulit. Mabubuntis pa ba si mama? Tutulungan ka namin!" giit ni Austine at lumapit sa tatay nila.

"Stupid. Hayaan niyo na ang mama niyo. She's happy with Liandro. Just wish her a happy marriage for the second time. Sumama na kayo sa akin, I am excited to see you fianceé Aiden."

Nagsitayuan ang magkakapatid at sinundan lamang ng kanilang mga mata ang paglabas ni Smith

"I ruined your family," giit ni Akio.

"Stupid! I-confine kaya kita? All we need to do is help Dad to win Mom's heart," buong paninindigan na sinabi ni Austine

"Deal," binaba ni Aiden ang kamay at hinihintay na maki-isa ang tatlong kapatid.

"Fine! Deal! Let's help Dad!" giit ni Akio.

Nagkasundo ang apat at sumunod sa van kung saan nakasakay si Smith. Habang ipit sila sa trapiko, nag-iinit na ang puwitan ni Aiden at gustong-gusto na niyang makita si Honey.

Ang mga anak nila na kasama sa mall ni Efinia. Gusto naman ito ni Efinia dahil apo lang talaga ang magpapasaya sa kanya.

"Kuya, valid pa ba ang kasal namin ni Precious? Ikaw ang palpak na Pari na nagkasal sa amin eh?" tanong ni Austine.

Tawang-tawa si Smith at umiling. Lalo na si Arthur na humahalakhak.

"Of course! If you want to marry her again, why not? Tayong apat gusto mo sabay-sabay," sagot ni Aiden.

"Wala pa akong love life. Malabong-malabo pa," pagsingit ni Akio.

"Spill! Paanong malabo? It means you have na kuya? Lumalandi ka nang patago!" asik ni Arthur.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon