Lust 11
Limang siopao, tatlong buko juice at dalawang empanada ang binili ni Aiden para kay Marian. Ngawa ito nang ngawa dahil gustong-gusto na nitong umuwi. Wala rin naman nagawa ang dalaga at hinayaan lang niya si Aiden na kumain mag-isa habang siya na na bakaupo sa white sand at nagsariling kumain.
"Panginoon, ito po ba ang misyon ko? Patinuin ang binatang dinaig pa ang ahas na tumukso kay Adam and Eve? Ilang beses na po niya akong tinuklaw. Tatanggapin niyo pa ba ako kahit napakahina ko?" tumingala ang dalaga habang sinisipsip ang buko juice.
"Marian! Let's swim!" sigaw ni Aiden.
Namilog ang mga mata ni Marian nang alisin ni Aiden sa harapan niya ang t-shirt pagkatapos ang summer shorts. Tanging na iwan ang isang swim wear shorts. Kitang-kita niya ang tindig ng matipuno nitong pangangatawan ."Oh my siopao, a-ang laki," bulong ni Marian at sinubo ng buo ang kinakain.
"Marian, shut up. Huwag kang ma-temp, ahas niya hindi ako kakagat sa mansanas ni--Ahhh! Ano ba!" tili ng dalaga nang binato siya ng buhangin ni Aiden
"Halika na! Bakit hindi ka lumangoy!" binuhat niya si Marian. Walang tigil ang dalaga sa pagpapadyak upang ibaba ni Aiden.
"Bitiwan mo nga ako. Bakit ba lagi mo akong pinagti-tripan? Ano bang problema mo?"
"Eh masaya ako, hindi ba't pumayag ka na maging happy pill ko? Bakit ngayon biglang nagbago?" giit ni Aiden.
"Ganito ka ba sumaya? Nagti-trip ka? Bitiwan mo nga ako!" hiway ni Marian.
Sumunod ang binata at basta na lang siyang binitiwan.
"Ano ba!" bulalas ni Marian. Halos malunok niya lahat ng tubig dagat."Halika na, sumama ka na sa akin. Lumabas ka na ng kombento."
"Hindi! Kay Lord lang ako sasama hindi sa'yo."
Biglang nagseryoso ang mukha ni Aiden.
Pinagmasdan niya ang mukha ni Marian, tila sumagi sa isip niya ang kanyang Ina na si Efina. Hindi makakaila na may pagkakahawig ang dalaga sa kanyang ina.
"Be with me, I want you to experience the outside world. Gawin mo ang gusto mo, nang wala kang iniisip na polisiya.""I love what I'm doing now. Ito ang linya ng buhay ko, this is my purpose."
"But I can see it in your eyes, hindi na iyan ang gusto mo. Ako, anytime pwede akong mag-Pari, I took up the required study to become a Priest. Pero it's not my calling, just like you. Nakikita kong may pagdadalawang isip sa iyong puso."
Hindi kumibo si Marian at pakiramdam niya'y pinana siya puso ni Aiden. Tinalikuran niya ito at hinayaan na nakatayo sa dalampasigan. Tumakbo siya papasok ng resort room at ni-lock ang pinto.
"Totoo po ba? Bakit po ako nasasaktan? Pero gusto ko pong maging Madre. Tatanggapin niyo pa po ba ako?"
Napalingon si Marian sa cellphone ni Aiden na umiilaw. Agad niyang dinampot at sinagot ang tawag.
"Where the hell are you dickhead!" bulalas ni Smith mula sa kabilang linya."Wala po ako sa kadiliman, wala rin ho akong dick," giit ni Marian.
"Marian? Marian where are you? Tama nga at kasama mo ang anak ko! Nasaan kayo hija, susunduin kita!" tuloy-tuloy na sinabi ni Smith.
"Talaga po? Bakit niyo po ako kilala?"
"Mahabang kwento, saan ang lugar na iyan."
Kinuha ni Marian ang isang brochure ng hotel and resort.
"Vangie's po, Pagudpud Ilocos."Mula sa kabilang linya, pabuga ang hinga ni Smith dahil sa sinabing lugar ni Marian. He will never forget this place.
"I'm sorry, Efinia," he whispered.
![](https://img.wattpad.com/cover/218051282-288-k21640.jpg)
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...