The Lust 47

726 36 1
                                    

 Lust 47

HAWAK ni Efinia ang magkabilang laylayan ng blusa dahil sa sobrang kaba niya. Nakonsensya siya dahil sa kanyang inasal kay Honey.

"See? Ngayon nakokonsensya ka, wala kang pakundangan!"

"Hindi ko ginusto iyon! Masisisi mo ba ako na ayaw ko sa kabit?"

"Hindi kabit si Honey! Ginago siya ni Dawson! Agad nagpuputok ang butsi mo nang hindi nag iisip!"

"Bakit mo ako sinisigawan? Wala kang karapatan na sigawan ko ha!"

Inilapag ni Smith ang annulment paper na pinapirma ni Efinia. Lumungkot ang mukha ni Smith at umupo sa swivel chair.

"You may go now. Na pirmahan ko na, congratulations."

"Congratulations too, with your girlfriend."

"I don't have. Ang tanda ko na para lumandi."

"Wow! So it means lumalandi ako dahil may boyfriend ako?"

"Wala akong sinabi, just go out and leave. Tapos na ang misyon mo sa akin."

"Why, do you still love me kaya ganyan ka umasta?"

"No, we're done. I am happy with my life alone without you, Efinia."

"Okay! Thanks!

Sa paglabas ni Efinia, binuksan ni Smith ang laptop at tiningnan ang wedding picture nila noon.

"You are beautiful hanggang ngayon, pero hindi na ikaw ang babaeng mahal ko noon. I should delete this and move on. Lahat naman ito ay kasalanan ko, I should embrace the fact."

Binura na niya nang tuluyan ang mga litrato nila sa kanyang flash drive. He stood up para puntahan ang anak na si Akio.

A big event for Akio Nakamura Lavigne for being an Outstanding General Physician. Lalong dumagdag pa ang ilan niyang pinag-aralan noong nasa ibang bansa siya.

Inimbitahan lamang niya ang mga kapatid pati na ang mga asawa nito, walang alam si Akio na kasama si Smith at siya mismo ang magbibigay ng Plaque sa anak.

Magkakasama sa isang lamesa ang magkakapatid, mukhang hindi makabasag pinggan ang tatlo dahil sa sobrang pormal ng kanilang damit.

"Bagay ko ba ang damit ko? Hindi ba ako mukhang bondat?" Tanong ni Honey habang nakahawak sa binti ni Aiden.

"Don't touch me there, sexy wife."

"Eh tingnan mo ako."

"You are gorgeous, kung hindi ka lang buntis hahatakin na kita papunta sa kotse."

"Eh bondat ba ako?" makulit niyang tanong.

"Hindi ka nga mukhang buntis! Mukha ka lang kumain sa eat all you can."

"Nako si Kuya, hindi kami sanay na may ka-date," wika ni Arthur.

"Alam mo ba Honey, dati rosaryo ang regalo sa amin niyan noong nawala siya na parang kabute," dagdag naman ni Austine.

"Matino na ba si Kuya?" tanong ni Arthur.

"Matino naman siya, sobra rin bait. Every night binabasahan ako ng bible."

"Teka, ibang bible nasa utak ko, " giit ni Austine at tinapik siya ni Precious.

"Pasensya ka na ha? Ganyan talaga asawa ko kapag kulang sa lambing," aniya ni Precious at tumawa.

"My brothers are stupid. Masasanay ka rin sa kalokohan nila," bulong ni Aiden kay Honey.

Masaya si Honey kahit hindi pa rin siya kinakausap ni Efinia, samantalang tanggap naman siya ng mga kapatid ni Aiden. Sa katunayan na kasundo na niya ang dalawang asawa ng kapatid nito.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon