The Lust 41

825 42 1
                                    

NAKATULALA lang si Aiden habang sinesermonan ni Father Joseph. Nalaman ng buong simbahan ang inasal nito. Lalong nabigla rin sila dahil hindi nila halos akalain na umabot sa puntong sinundan pa ni Aiden ang isang bayaran babae hanggang bar.

"Please don't judge her.  Gusto niyang magbago at ginawa niya iyon para sa anak niya. Ganito ako diba bago pumasok dito? But I changed my life, ganoon din si Honey. Wala tayong karapatan na husgahan ang pagkatao niya.”

Hindi kumibo si Father Joseph at iniwan siya sa loob ng isang kuwarto. Ilang sandali at pumasok si Efinia. Hindi mapinta ang mukha nito at pinipigilan ang sarili na magalit

"You like her, I can see it in your eyes. Anak, bayaran babae iyon! Oo gusto kitang magkagusto sa iba at magbago pa ang isip mo, pero hindi sa gano’n babae!

"Mom! Huwag mong husgahan si Honey!"

"See? Gusto mo siya, maliwanag pa sa sikat ng araw na nahulog ka sa taong tinulungan mo! Anak maraming matitinong babae na hindi niya katulad!"

"Hindi ako lalabas ng seminaryo. Magpa-Pari ako. Are you happy now?" tumayo si Aiden at lumabas.  Galit na galit siya sa sarili dahil sa nangyari kagabi. Nakipagsiping siya habang ang isang paa niya ay nakatali sa simbahan.  Pinaharurot ni Aiden ang sasakyan at kahit matagal ang biyahe. Pinuntahan niya ang puntod ni Marian.

"I want to forget you, I want to start again. Gusto ko nang bitawan ng tuluyan ang nakaraan, nang hindi na magpanggap na okay lang ako. I'm stuck with  Honey right now. Nakipagtalik ako sa kanya, pakiramdam ko na binabalik ako sa dati at hindi ko alam ang rason kung bakit ako binabalik nang binabalik sa dati! I don't know what to do!"

                ******

"MAMA saan po tayo pupunta? Wala pa pong isang taon at aalis na naman po tayo. Gusto ko na po rito."

"Anak, kailangan na nating umalis. Hindi tama na nandito tayo, magulo at gusto na ng katahimikan. Gusto ko nang magbagong buhay, anak," hindi niya maiwasan sa humagulgol sa sobrang sakit ng dibdib.

Ang isang gabi na may nangyari sa kanila ay patuloy na nanggugulo sa isip niya.

"Mama huwag na po kayong umiyak, paano po ang bahay na ito?"

"Anak halika na, nakikiusap ako."

Binuhat ni Honey ang bag at tuluyang lumabas. Hindi niya halos akalain na nakasalubong niya ang Mama ni Aiden. Masama ang tingin nito sa kanya at parang hinuhusgahan ang kanyang pagkatao.

"Anak, upo ka lang doon saglit hintayin mo ako okay?"

"Opo Mama."

"Stay away from my son. Inakit mo siya? Magaling ka, kasi nalaglag siya sa bitag mo. Do you think he will quit from becoming Priest? No, hindi siya magpapapigil sa isang mababang klase na babaeng tulad mo. Binabalaan kita hija, ayaw ko nang makita ka kasama ang anak ko. Hindi kita magugustuhan kahit kailan."

"Makakaasa po kayo, Ma'am. Wala po akong balak baguhin  isip ni Aiden. Lalong kahit bayaran babae po ako, nirerespeto ang anak mo. Salamat po."

Hindi na muling kumibo si Honey at diniretso ang paglalakad kasama si Marvie. Hindi niya alam kung saan patungo ang mga paa. Basta na lamang silang sumakay ng bus at ang gusto niya'y magpakalayo-layo na sa lugar na ito

A few months later.

Ang matagal na hinihintay ni Aiden ay tuluyan ng nangyari, he became ordained at isa na siya sa mga nagmimisa sa simbahan.  Naging tahimik at mailap muli ang binata. Tanging pinagtutuunan lang niya ng pansin ang pagdarasal at pagtulong sa mga nangangailangan. May iilan na nagpaparamdam kay Aiden upang tumakbo sa Politika pero wala siyang pinapansin dito.

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon