Lust 29
Tuwang-tuwa ang mga anak ni Arthur at Regine nang dalawin sila ng kanyang Tiyuhin na si Aiden. Hindi makabisita si Aiden at Arthur sa bahay ni Austine dahil kasama nilang dalawa si Akio.
"Kailan ka pa nakauwi? Kumusta si Precious?" wika ni Arthur habang siya'y umiinom ng beer.
"Honestly, hindi ko alam kung pagaling na ba siya o hindi. Lumalala, gustong-gusto na niyang umuwi para kay Austine," sagot ni Akio.
"Bakit hindi niyo pa kasi sabihin? Masama ang nagsisinungaling," aniya ni Aiden.
"Wala akong karapatan na unahan si Precious at mabuti niyong Ama."
Tunay na magaling mag drama at magtago ang magkakapatid.
"Hayaan mo si Dad, tatanggapin ka rin niya. Kami nga ni Regine todo tanggi siya. Nang makita niya ang junior ko, lumambot din ang puso," saad ni Arthur.
Lumagok ng tubig si Aiden at tumingin sa kawalan
"Ikaw Kuya? Kumusta ang buhay Pari?" dagdag ni Arthur.
"Okay naman. Hindi pa naman official."
"Miss mo na si Marian?" pang aasar ni Akio.
Masama ang tingin ni Aiden at inirapan ang kapatid. Tumawa lang si Arthur at tinapik ang balikat ng Kuya. Hindi kailanman nakikialam si Arthur sa naging buhay ni Aiden kay Marian dahil alam niya kung paano nalugmok ang kapatid sa kahirapan para lamang makalimutan ang pait ng nakaraan. Kung titingnan sa apat na magkakapatid, Arthur is more mature than his brothers.
"Dapat nakapag-move on ka na, ilang taon na ang nakalipas. Masaya na sa langit si Marian at ang anak niyo. Sayang hindi ko siya nakilala," giit ni Arthur.
"Maganda si Marian, parang ang Nanay niyo," sabat ni Akio.
"Pag untugin ko kaya kayo? Pwede ba? Wala na siya, huwag niyo na rin banggitin."
Mas lalong tumawa si Akio at Arthur dahil sa sobrang kasungitan ng kanilang Kuya.
"Kaya ayaw kong maging Pari, kulang sa dilig kaya ang sungit eh!" pagbibiro ni Arthur.
"Kaya nga!" Giit ni Akio.
"Anong kaya nga, Akio? Ikaw nga no girlfriend since birth! Eh ako kailan lang pumasok sa seminaryo ilang taon pa lang? Ikaw sago na iyang semilya mo!" Pang aasar ni Aiden at humagalpak sa tawa si Arthur.
"Pinapahiya mo naman ako! Naririnig ka ni Arthur."
"Nahiya ka pa sa akin? Eh noong lumapit ka sa'kin at nagpakilala na kapatid kita hindi ka nahiya!" Sagot naman ni Arthur.
Humanga si Aiden sa bunsong kapatid na si Arthur, daig pa siya nito na naging maganda ang salubong o pagtanggap niya kay Akio. Napagpagtanto ni Aiden na mas bukas ang pag-iisip ng kapatid kesa sa kanila ni Austine.
"Eh lahat naman kasi tayo nagmana kay Dad," wika ni Arthur.
"Kayo lang, okay na ako na maglingkod sa Panginoon"
"Pustahan tayo singkwentamil, Arthur! Lalabas ng seminaryo si Kuya!" bulalas ni Akio.
"Ang daya! I have no choice kundi opposite bet! Lalabas ito, alam kong walang matinong misa ang gagawin ni Kuya!"
Napangiti si Aiden nang makita ang dalawang kapatid na masaya. Bukod pa rito, pareho pa ng tattoo si Arthur at Akio. Si Arthur na may lion sa pulso at si Akio na dinagdagan ang tattoo sa kamay kapareha ng kay Arthur.
"Couple goals ba kayo?" aniya ni Aiden at hinawakan ang dalawang kamay ng kapatid.
"Kuya, we are the king of the jungle. Kaya nga tingnan mo at lion ang tattoo namin ni Kuya Akio."
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...