TYRONIA'S POV
"Long time no see."
Binaling ko ang paningin sa lalaking nagsalita at nakita ang matagal ko ng hindi nakikita.
"Boyfie, sundin mo ang mga sinabi ko sa iyo non," mahina kong sabi. Ramdam ko pa ang pagtango niya.
"Muli tayong nagkita... Jiro!" Sigaw ko.
"Mukhang nag-iisa ka lang?" Tanong niya.
Tss... tumingin ka sa itaas mo.
"Bakit ako magsasama kung alam ko namang kaya ko kayong patumbahing mag-isa?"
Humalakhak siya at napailing. "Hindi ka pa rin nagbabago... hindi na ako magtataka kung bakit kayo ang kinakakatakutan na organisasyon sa lahat nang organisasyon. Pagpasensyahan mo na kung may mga bisita akong kasama para aliwin ka."
Itinaas niya ang isang kamay kaya nagsipasukan ang mga tauhan niya at pinalibutan kami ni Aevan.
"Bakit mo ba ginagawa ito, Jiro!"
"Masyado ka kasing pakilamera! Simula nang hinirang kang bagong lider ng Sakurai ay hindi na namin magawa nang maayos ang plano namin!" Singhal niya.
Napabuga ako ng hangin."Ginagawa lang namin ang misyon namin! Sila ang lumalapit sa amin at binayaran kami para protektahan sila laban sa inyo! Halos lahat nang lumalapit sa amin ay ganoon ang pakay dahil balak mo silang patayin at kuhanin ang yaman nila!"
Tatango-tango pa siya sa narinig. "Tama ka... kaya naisipan kong gantihan ka at alam ko kung gaano kalapit ang Hazegawa sa inyo!"
Umigting ang bagang ko sa sinabi niya. "Bakit mo dinakip ang anak ni Tracy? Plano mo bang ulitin ang nangyari dati?" Tanong ko.
Kailangang mapaamin ko ang gagong ito.
"Ang talino mo pala talaga, nalaman ko sa mga tauhan ko na binabantayan niyo pa rin pala ang Hazegawa kaya pinadakip ko ang anak niya dahil sigurado akong darating ka. Balak ko siyang patayin kapag nandito ka na at saktong-sakto ang dating mo dahil parating na sila!"
Nanlaki ang mga mata ko nang hugutin niya ang baril at itutok kay Aevan. Wala sa sariling naitulak ko si Aevan.
Napaluhod ako nang matamaan ang hita ko, hinawakan ko iyon at dahan-dahang tumayo.
"Hindi ko akalaing tutulungan mo pa rin sina Tracy kahit galit na galit sila sa iyo!" Sabi niya habang pinaglalaruan ang baril.
"Ginamit mo pa talaga ang tauhan mo para palabasin na ako ang pumatay kay Jenny!"
"Masyado lang tanga sina Tracy dahil pinaniwalaan nila ang bidyo na pinakita ko sa kanila! Naaaliw akong panuorin sila na hayok maghiganti sa inyo at mukhang makikita ko ulit iyon mamaya!" tugon niya at tumawa na parang baliw.
Naikuyom ko ang kamao. "Isa ka talagang demonyo! Pinatay mo silang dalawa!" Sigaw ko at tinutukoy sina Jenny at Zachary.
"Oo... naaalala ko ang gabing iyon. Huwag kang mag-alala dahil tiniyak kong patay na talaga ang irog mo bago ipakain sa mga alaga ko! Hayaan mo at makakasama mo rin siya at ipapakain din kita sa mga alaga ko!" Sinenyasan niya ang mga tauhan niya at sinugod naman nila ako.
"Isa kang Animal!" Umakyat ang galit sa ulo ko kaya sinugod ko rin ang mga tauhan niya at sinipa nang malakas sa panga. Yumuko ako para patirin ang tatlong lalaki sa likuran ko at hinugot ang pistol ko para barilin sila,
Hinawakan ko ang kamay ng lalaking sasaksak dapat sa akin sa likod at mabilis na umikot para baliin ang kamay niya. Sinipa ko naman ang likod ng tuhod niya para mapaluhod siya at hinampas ang magasin ng baril ko sa sentido niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...