CHAPTER SIX

501 100 192
                                    


TYRONIA'S POV

Kasalukuyan kaming nakaupo habang tinitingnan ang mga kaklase naming naghahanap ng mga kagrupo.

"Pinag-aagawan si Rose no? Mukhang nahihirapan siyang magdesisyon kasi maraming nagyayaya sa kaniya." Bulong ni Naomi.

"Baka magaling siyang tumugtog."

"Sino kaya ang dalawa natin?"

Nagkibit-balikat lang ako at pinagkrus ang braso, "Kung sino na lang ang matira."

"Puro hindi marurunong ang matitira niyan, pustahan."

"Ace! Sali kayo ni Bolt sa team namin. Sakto... kulang kami ng dalawa," nakangiting sabi ni Steve.

Ace pala ang pangalan ni bading at Bolt naman sa kaibigan niya.

"Ace! Kulang pa ba kayo? Sa inyo na lang ako." 

"Kami na lang ang piliin mo, Ace," sabi ng ibang kaklase namin.

"Ano, Dre? Magpapa-audition ba tayo? Kulang tayo ng dalawa eh," natatawang sabi ni Bolt pero hindi siya pinansin ni bading.

Napatingin sa amin si Bolt at lumawak ang pagkakangiti. Nagkatinginan pa kami ni Naomi at sabay na nagkibit-balikat.

"Dre! Sina Tyra at Naomi na lang kaya?" suhestiyon ni Bolt.

Nangunot ang noo ni bading at inis na tumingin kay Bolt. "Stop with your stupid nonsense! I don't want to group up with losers!"

Losers? Tss... nahiya naman ako.

"Eh sino? Hindi naman pwedeng dalawa lang tayo... kung kaklase lang sana natin sina Blaze," nakangiwing sabi ni Bolt.

"Bolt, gusto mo... sa amin ka na lang? Hindi naman yata marunong tumugtog ang tropa mo," palumbaba kong sabi. Tumaas ang isang sulok ng labi ko nang tumingin sa akin si bading at samaan ako ng tingin.

"Anong sabi mo?!" 

"Gusto ko ba raw sa kanila... hindi ka naman daw yata marunong tumugtog sabi niya! Grabe ang bingi mo, Dre!" pag-uulit ni Bolt sa sinabi ko at tinuro pa ako. Hindi ko na napigilang bumungisngis sa inasta ni Bolt.

Binatukan ni bading si Bolt, "Bakit mo inulit! Hindi ikaw ang tinatanong ko!"

"Nagtatanong ka eh! Bakit parang kasalanan ko pa!" nakangusong tugon ni Bolt.

Padabog na tumayo si bading saka hinarap ako. Umayos naman ako ng upo dahil doon. "Ang kapal mo rin ano, Tiburcio! Ako... hindi marunong? Ha!" Tinuro niya pa ang sarili at napabuga ng hangin saka tumingin sa kisame. "Baka mapahiya ka kapag kami ang nag-first place!" 

"Gagi... niyayabangan ka, bes. Huwag kang pakabog!" Bulong ni Naomi.

"Tss." Tumayo ako at lumapit kay bading.

Lumapit pa ulit ako sa kaniya saka pinatong ang mga kamay ko sa top rail ng upuan niya. Napaatras pa siya nang kaunti ng titigan ko siya sa mata.

Napangiti ako ng manlaki ang mga mata niya nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Nakita ko pa ang paglunok niya at halatang naiilang.

"Tingnan lang natin," nakangisi kong sabi.

Halos magsuntukan ang kilay niya at tiim bagang na umayos ng tayo. Sumipol pa ng kay tagal si Bolt. Ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Ang iba naman ay inuudyok kaming mag-away, habang ang Teacher namin ay abala sa pagsusulat. Si Naomi naman ay kinukutkot lang ang daliri at walang pakialam sa nangyayari kaya umupo na ako at nginitian si bading.

"You and your friend!" tinuro ni Ace si Steve. "Your in!"

"Yown! Exempted na tayo nito sa fourth grading, Tol!" nakangiting sabi ni Steve sa kaibigan niya.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon