TYRONIA'S POV
Inabutan na kami ng gabi at halos lahat ng rides ay nasakyan namin. Sumakit din ang lalamunan ko dahil sa kasisigaw. Napilitan ding sumama sa rides sina Barney dahil nakasabay namin sa pila ang lalaking nagyaya sa aking sumayaw noon kasama ang mga kaibigan niya.
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa parking lot at bitbit ang mga napalalunan namin kanina. Nakangiti kong inilagay sa backseat ang pasalubong ko kay Aevan. Sigurado akong matutuwa at magugustuhan niya ang ibibigay ko.
"Barney."
Tumingin ako kay Ace habang pinaikot-ikot sa daliri ko ang susi ni Tiger.
"Mmm?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baywang ko, ngingiti-ngiti ako dahil alam ko na ang galawan niyang ito. Dinampian niya ng halik ang noo ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. Inilagay niya iyon sa batok niya at marahang hinawakan ang magkabila kong baywang.
Tumingkayad ako at siniil ng matamis na halik ang malalambot niyang labi. Ramdam ko na lang na lumapat ang likod ko sa sasakyan. Mayamaya ay tumigil siya sa paghalik at nakangiting tumingin sa akin.
"Tara na, Barney," malambing niyang sabi. Dinampian niya pa ulit ng halik ang noo ko bago maglakad.
"Isa pa, Barney, nabitin ako," nakanguso kong sabi. Tinawanan lang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating siya sa passenger's seat.
"Mamaya naman."
"Ngayon na kasi, Barney. Bukod pa iyong mamaya," pagpupumilit ko.
Tatango-tango siya at napakamot sa batok. "Sige na nga, halika na rito."
Ngingiti-ngiti akong lumapit sa kaniya, binuksan niya pa ang pinto ng passenger's seat. Nangunot ang noo ko dahil dinampian lang niya ako ng halik sa labi.
"Pasok ka na, Barney," nakangiti niyang sabi.
"Hindi naman kasi ganoon eh, gusto ko iyong matagal," reklamo ko.
"Mamaya na iyon, Barney. Hinihintay na nila tayo," nakangiwi niyang tugon.
"Tss... napakadamot mo talaga!" Singhal ko.
Inis akong naglakad at kinapa ang bulsa para kuhanin ang susi. Natigil ako sa paglalakad dahil wala akong nakapa.
"Saan ka pupunta?"
Hindi ko siya tinugon dahil hindi ko mahanap ang susi ko. Ilang beses ko pang kinapa ang bulsa pero wala talaga roon ang susi.
"Ito ba ang hinahanap mo, Barney?"
Binaling ko ang paningin sa kaniya at ngingiti-ngiti niyang pinakita ang susi ng kotse. Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil hindi ko alam kung paano napunta sa kaniya ang susi.
"Bakit na sa iyo iyan?"
"Kinuha ko ito kanina nong hinalikan kita, hindi mo napansin?" Nakangisi niyang tugon habang pinaikot ang susi sa daliri niya.
Tiningnan ko ang makasalanan niyang labi at inalala ang nangyari kanina. Napapikit ako sa inis dahil hindi ko napansing nakuha na niya sa akin iyon.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Aksi[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...