CHAPTER TEN

450 86 147
                                    

TYRONIA'S POV

"Tyra!"

Nagitla ako nang may humawak sa braso ko kaya agad kong hinawakan ang kamay niya saka binaliko.

"Aaww, Tyra!"

"B-Bolt?" gulat kong sabi. Binitiwan ko kaagad ang kamay niya at nasapo ang noo "S-Sorry, nagulat kasi ako."

Tss muntik ko na siyang balian!

"Kaya pala wala kayo sa klase kasi natutulog na kayo rito."

"Ha?!" sigaw ko. Tiningnan ko pa ang relos ko at napasinghap dahil 4:42pm na pala.

Anak ng... apat na oras akong nakatulog?

Tiningnan ko si Naomi na mahimbing ang tulog. Inis ko siyang binatukan ng malakas.

"Araaaay! Ano ba kasi iyon, natutulog eh!" bumalikwas siya ng bangon at napatingin kay Bolt. Hawak-hawak niya pa ang noo.

"Sabi ko gisingin mo ako! Iba ang gumising sa akin!" singhal ko.

Tumingin siya sa relos at nagulat. Tinakpan niya pa ang bibig.

"N-Nakatulog pala ako."

"Don't worry, sinabi ko kay Teacher na masama ang pakiramdam ninyo kaya excuse kayo ngayon," sabi ni Bolt. "Muntik pa nga kayong ilaglag ni Ace eh, mabuti at nalusutan ko," dagdag niya.

Tss, walang pakisama ang bading na iyon. Mabuti na lang at nagawan ng paraan ni Bolt.

"Naku salamat ha, nakakahiya naman." Kamot-ulong sabi ni Naomi.

"Pasensya na sa nagawa ko kanina, napagod siguro kami kaya hindi namin namalayan ang oras," sinsero kong sabi.

"Mapanakit ka pala kapag ginigising. Wala iyon mukhang pagod na pagod nga kayo."

Nakaramdam ako ng hiya. Tinulungan niya kami pero nagawa ko pa siyang saktan kanina.

"Naabala ka pa tuloy namin at pinuntahan kami rito," si Naomi.

"Buti nga at nakita ko kayo rito, baka mamaya ay abutan kayo ng gabi."

Nag-unat pa muna ako at pinagpagan ang shorts ko. "Oo nga eh... uuwi ka na rin ba? Sabay na tayong pumunta sa parking lot."

"Oo, hinihintay na rin ako nina Dave roon eh."

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa parking lot, hindi na rin ako nakisali sa usapan nila dahil hindi ko naman iyon maintindihan. Nang makarating kami ay nakita ko kaagad sina Dave na kausap si Blaze. Hindi ko na sila binati at dumiretso na lang sa motor, ganoon din ang ginawa ni Naomi.

"Ingat kayo, Tyra," nakangiting sabi ni Blaze.

"Kayo rin, see you," tugon ko at nginitian din siya.

"Lods, picture muna tayo!" Baling ni Bolt sa akin. Pumayag na ako dahil tinulungan naman niya kami kay Teacher. Kami munang dalawa ni Bolt ang nauna tapos sila ni Naomi at kaming tatlo na magkasama.

"Kami rin, isama mo kami, hoy!" sigaw ni Dave at lumapit sa amin.

"Mga inggitero!" natatawang sabi ni Bolt. "Wacky tayo ahh! Dre! Tingin," baling niya kay bading pero sinamaan lang kami ng tingin.

Nag-picture pa rin si Bolt kasama kaming lahat pero hindi tumingin si bading. Pindot lang nang pindot si Bolt sa camera kaya bawat segundong kilos namin ay makikita roon. Kung ano-ano pang pose ang ginawa namin. Masyado kaming naaliw kaya hindi na namin namalayan ang oras. Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa kanila at naunang umalis.

Mga kalog din pala ang tropa ni bading at siya lang ang sinto-sinto.

Niyaya rin kami ni Blaze na pumunta sa Secret Lounge Bar kapag may free time kami. Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang may ari non.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon