TYRONIA'S POVIsang linggo na ang nakalipas simula nang sabihin nina Tyson ang nangyari. Nanlulumo pa rin ako hanggang ngayon dahil parang wala ring kwenta ang ginawa kong pagligtas sa bata.
Nawala na nga sa kin si Zach, pati ba naman siya, tss!
Sinisisi ko ang sarili dahil sa nangyari. Kung dinala ko muna siya kay Tracy ay hindi mangyayari ito ngayon.
Kasalukuyan akong nagbebenda ng dibdib at sugat nang guluhin ako ni Naomi.
"Pst... dito na lang kasi," nakanguso niyang sabi.
"Ayaw ko! Hindi nila pwedeng malaman na may kapatid ako," singhal ko.
"Ako na ang bahala, sasabihan ko sila. Please, sige na," pagpupumilit niya.
"Oo na! Inang iyan," singhal ko. Hindi talaga ako titigilan hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"Yey! Thanky, sister in law!" masaya niyang sabi at niyakap ako. "Hintayin mo ako sa garahe, may kakausapin lang ako, yiee!"
Napaka landi, tss!
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa garahe. Tinanggal ko ang sapin ni Cobra at kinuha ang predator helmet na binigay ni Naomi. Mayamaya ay nandito na rin siya.
"Tara," nakangiti niyang sabi.
Lumapit naman sa akin si Tyler at mukhang hihintayin niya kaming makaalis.
"Alis na kami," paalam ko.
"Ingat kayo... ate Naomi, later ha? Ang promise mo," baling niya kay Naomi.
"Oo naman, ako pa ba? Bye, brother in law!" magiliw na sabi ni Naomi. Sinuot na namin ang helmet at bumusina muna kay Tyler bago umalis.
Matapos ang kinse minuto ay pumarada na kami ni Naomi sa parking lot. Pumunta muna kami sa canteen para bumili ng juice bago pumasok sa room, sakto namang dating ni Chris.
"Chris! Pwede kayo mamaya?"
"Magpapraktis ba tayo?"
"Oo, nakalimutan kong sabihin kahapon," kamot-ulo kong sabi. "Ano, pwede kayo mamaya? Sa bahay na lang tayo," suhestiyon ko.
"Oo pwede kami mamaya, pero wala kaming dalang sasakyan," nakanguso niyang sabi.
"Ano ka ba naman pareng Chris, parang hindi tayo magkaibigan eh. Angkas ka na lang sa amin," biglang singit ni Naomi.
"Ano?" bulyaw ko.
"Sige na, sabihin mo na kay MJ na may practice mamaya," sabi ni Naomi bago itaboy si Chris.
"Ano na naman iyan, Sato!" singhal ko.
"Paangkasin na kasi natin sila," nakanguso niyang sabi.
Ayan na naman siya.
"Ayaw ko! Kanina ka pa ha!" inis kong sabi at dinuro siya.
"Sigi na kasi!" hinawakan niya pa ang kamay ko at niyugyog.
"Dito na lang magpraktis!" Inis kong sabi. Sinamaan ko pa siya ng tingin bago maglakad papunta sa room.
"Ih! Kasi naman eh, sige na!"
Nahinto ako sa paglalakad dahil humarang siya sa dinadaanan ko. Bumuntong-hininga ako at pinakalma ang sarili.
Kulit! Ramdam ko na ngayon ang nararamdaman ni Tyson, tss!
"Oo na! Oo na! Bwiset ka! Last mo na iyan!"
"Yehey, lab ako ng sister in law ko!" masaya niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...