CHAPTER FORTY THREE - INTERHIGH

331 32 101
                                    

TYRONIA'S POV

Sampung segundo na lang ang natitira para matapos ang 4th quarter, naagaw ni Blaze ang bola sa kalaban at ipinasa iyon kay Dave. Pumwesto naman si Bolt sa tabi ng basket at hinulog ni Dave ang bola pero tumalbog ito sa ere. 

Natigil ako sa pagkagat ng biglang tumakbo si Ace papunta kay Bolt na nakahawak ang dalawang kamay. Napasinghap ako ng tapakan ni Ace ang kamay ni Bolt at buong lakas namang binuhat ni Bolt ang paa ni Ace paitaas kaya dumoble ang talon nito. Nakuha niya ang bola sa ere at agad na nag-dunk!

"OH.EM.G!" 

"Ganiyan pala ka angas ang ginawa natin noon," sabi ko. Namangha pa ang lahat sa ginawa nila.

"Wow!" sigaw ni Aevan.

"Grabe! Astig, pwede pala iyon?"

"He's good!"

"Ngayon lang ako nakakita ng ganoon!"

Nag-ingay ang mga tao dahil sa ginawa nila. 119-90 ang iskor at panalo ang HIU, dumami pa ang tao sa court para batiin sina Barney.

"Tara, puntahan natin ang kuya mo!" sabi ko kay Aevan. Tumango siya at humawak ulit sa kamay ko. 

Nagseselos na sina Tyson dahil nagagawa ni Aevan iyon tapos sila ay hindi kaya nakabusangot ang apat.

"Sorry boys, mas gwapo ang kasama niya," pang-aasar ni Naomi kina Bobbie.

"Congrats!" nakangiti kong bati kina Blaze nang makababa kami.

"Magkasama pala kayo ni Aevan," baling sa akin ni Dave.

"Boyfriend ko nga pala," sabi ko at niyakap sa likod si Aevan. Nagtawanan pa sila.

"Matinik pala itong kapatid mo, Dre!" natatawang sabi ni Bolt. Napatingin ako kay Yvonne at masama pa rin kung makatingin sa akin.

Tss! Dapat nga ay magdiwang siya dahil sinabi kong boyfriend ko si Aevan!

"Uwian na may nanalo na," natatawang sabi ni  Blaze. Pati si Aevan ay nakitawa na rin.

"Kita niyo iyong ginawa namin kanina?" humahalakhak na sabi ni Bolt.

"Ang galing niyong mangopya ah," nakangusong sabi ni Naomi.

"Congrats, Ace!" Nangunot ang noo ko nang yakapin ni Yvonne si Ace.

"A-Ah thanks," nakangiting tugon ni Ace.

"Ang aga ng reward mo, Dre ah! Pang-champion na iyang ganiyan eh!" humahalakhak na sabi ni Bolt.

"For sure naman ay magiging champion kayo," tugon ni Yvonne.

"Baka kapag nag-champion tayo ay sagutin ka na ni Yvonne?" sabi naman ni Chris.

Bumungisngis si Yvonne. "Pwede rin," tugon niya at umangkla pa sa braso ni Ace.

Nagkatitigan kami ni Ace pero siya na ang umiwas ng tingin. Dumako naman ang paningin ko kay Yvonne at nginisian niya ako.

Mayamaya ay napatingin kami kay Naomi dahil may tinapakan siya. "May higaaaaad!" Tiningnan niya pa ang rubber shoes niya pero wala naman siyang natapakan.

"Potragis, nawala! Ang layo ng narating non ha! Tingnan ninyo sa paligid at baka dumikit sa inyo, makati pa naman iyon," seryosong sabi ni Naomi at tinuro ang paligid. Hinanap naman nina Blaze ang higad na sinasabi niya.

"Wala naman eh," Inosenteng tugon ni Bolt. 

Napatingin ako kay Aevan dahil tiningnan din niya iyong rubber shoes niya. Binaling ko ang paningin kay Yvonne at napangisi  dahil bakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Naomi.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon