CHAPTER ELEVEN

428 81 104
                                    

TYRONIA'S POV

"Ate, wake up!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero antok pa rin talaga ako.

"Good morning! Wake up!"

Boses ni Tyler ang naririnig ko. Hindi ko siya pinansin dahil sa sobrang antok. Naging matunog pa ang buntong-hininga niya at ramdam ko pang tumabi siya sa akin.

Mayamaya ay tumunog ang alarm ko. Kinapa ko ang cellphone sa side table at pinatay iyon. Tiningnan ko pa si Tyler sa tabi ko dahil yakap-yakap na niya ako. Natawa pa ako ng otomatiko siyang kumalas sa pagkakayakap at pumuwesto sa kanan nang pindutin ko ang ilong niya.

Triplets kami pero ako lang ang hindi nila kamukha. Napapagkamalan nga silang kambal ni Tyson. Ako ang panganay sa kanila at bunso si Tyler. Sa akin ipinasa ni Helen ang pagiging lider dahil ako ang panganay. Iyon kasi ang patakaran sa organisasyon namin. Kung sino ang panganay ay siya ang hahalili. Kung sakaling mamatay ako ay si Tyson ang papalit sa akin dahil siya ang sumunod.

Kumuha ako ng tubig sa mini ref at nilaklak iyon. Nag-unat na muna ako at nag-ehersisyo bago maligo. Sa banyo na rin ako nagbihis dahil nandito si Tyler sa kwarto.

Hindi ko na rin siya ginising dahil mukhang antok na antok pa siya kaya dumiretso na ako sa baba. Himalang hindi ako pinuntahan ni Naomi sa kwarto.

Kapag nandito si Tyson ay balewala ako, tss!

Naabutan ko siyang naka-uniporme na habang kumakain kasama nina Helen. Sinubuan niya pa si Tyson.

"Anak, nasaan si Tyler? Ang sabi ko ay gisingin ka pero hindi na bumalik," sabi ni Ben.

"Natulog sa kwarto ko," tugon ko. Doon ko napiling tumabi kay Tyson. Binigyan naman ako ng kape ni Sebastian.

"Kumain ka ng kanin," malambing na sabi ni Helen.

Humigop muna ako ng kape bago siya sagutin. "Busog pa ako, sa school na ako kakain."

"Naku Mamu, huwag po kayong mag-alala kasi matakaw po iyan sa school," nakangiting sabi ni Naomi.

"Mabuti naman kung ganoon," natatawang sabi ni Helen. Tahimik lang kami ni Tyson at nakikinig lang sa usapan nila. Parang hindi pa nauubusan ng kwento si Naomi.

"Mamaya na natin pag-usapan ang dapat kong malaman," baling ko kay Tyson.

"Sige."

"Let's go," baling ko kay Naomi. Nakanguso pa siyang tumingin sa akin.

"Ang bilis naman, may ikukwento pa ako eh," reklamo niya.

"Sige, mauna na ako."

"Sige na, sumabay ka na at marami pa tayong oras mamaya pagkauwi ninyo," nakangiting sabi ni Helen.

"Nakakabitin ang kwentuhan natin ano, mamu? Mamaya na lang po ulit ah?" nakangiti niyang sabi bago tumayo. "Darling aalis na kami, dalawin mo ako sa school kapag na-mimiss mo na ako ha," baling niya kay Tyson.

"Tsh!"

"Papasok na po kami," paalam ni Naomi.

"Mag-ingat kayo," tugon nina Helen at Ben.

Si Tiger ang gamit ko ngayon at hindi ko na pinag-motor si Naomi dahil dito ko rin naman siya patutulugin mamaya. Naging mabilis din ang dating namin sa School dahil hindi naman ma-traffic. Sinilip ko pa sa back seat ang Tablet na ibibigay ko kay Blaze.

Saktong pagkadating namin sa room ay dumating na rin ang Teacher. Nagkatitigan pa kami ni bading pero siya na rin ang unang umiwas at binaling ang paningin sa unahan.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon