CHAPTER NINETY ONE

285 31 21
                                    

TYRONIA'S POV

Pagkapasok ko sa loob ng training room ay ako na lang ang kulang.

"Mag-umpisa na tayo, Boyfie," baling ko kay Aevan.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Sinuot na rin niya ang mask at patakbong lumapit sa akin. Tiningnan ko pa nang maigi ang weights niya at sinigurong hindi iyon matatanggal. Sandali akong natigil dahil ramdam kong may mga matang nakamasid sa akin. Pa-simple akong tumingin sa paligid at nag-warm up na muna.

Tiningnan ko sina Barney at nag-eensayo na sila. Kalaban niya si Bolt habang sina Blaze at Dave naman ang magkalaban. Si Naomi naman ay nagwa-warm up sa gilid dahil siya ang papalit sa akin mamaya para labanan si Aevan. May suot din siyang weights at tumitingin din sa paligid.

Nagpakawala ako ng hangin bago tumingin sa mahabang salamin na nasa itaas. Sigurado akong may nanunuod sa amin at nandoon sila sa kwartong iyon. Pagkatapos kong mag-warm up ay hinarap ko si Aevan.

Nagbigay-galang pa muna kami sa isa't isa bago mag-umpisa. Hindi pa man ako nakakaayos ng tayo ay bigla na siyang sumugod at balak sipain ang mukha ko. Agad akong umupo at sinipa ang isa niyang paa dahilan ng pagbagsak niya.

Tumayo siya at umatras. Inayos ko ang tindig na parang isang boxingero at tumalon-talon. Tumabingi ang ulo niya at pinagmasdan ang ginagawa ko. Tumaas ang isang sulok ng labi ko nang gayahin niya ang tindig saka galaw ko at parang hinihintay akong sumugod.

Nagkunyari akong susuntukin ang mukha niya kaya agad niyang inilagay ang mga kamay sa bandang mukha para salagin ang atake ko. Nakita kong manlaki ang mga mata niya nang suntukin ko siya sa tiyan. Kahit ang pagdaing niya ay rinig ko, napahawak siya sa tiyan at muling umatras. 

Nang makarekober ay siya naman ang umatake ngayon at pinaulanan ako ng suntok. Hindi pa siya masyadong sanay sa weights kaya mabagal ang mga galaw niya. Madali ko lang ding naiilagan ang mga pag-atake niya. Hindi rin ako gumalaw sa pwesto ko at sinasalag lang ang mga suntok niya.

Nang makahanap ng tyempo ay nasuntok ko siya ng tatlong beses sa mukha. Sinipa ko rin siya sa tagiliran kaya muli siyang bumagsak. 

Pagkatapos ng dalawang oras ay si Naomi naman ang makakalaban ni Aevan. Pinanuod ko silang maglaban at napapabagsak din siya ni Naomi. Sinabi ko rin kay Aevan kung saan siya nagkakamali para alam niya sa susunod kung ano ang gagawin.

Natigil lang kami sa ensayo dahil tanghalian na. Nagtaka pa ako dahil maraming nakahandang pagkain, hindi naman ganito kadami ang hinahandang pagkain kapag kami-kami lang ang nag-eensayo.

Ano bang mayroon at parang kakaiba yata ngayong araw?

Pagkatapos naming mananghalian ay nagpatunaw na muna kami bago bumalik sa training room. Ako naman ngayon ang kalaban ni Aevan habang kalaban ni Naomi sina Barney at Dave. Si Bolt at Blaze naman ang magkalaban ngayon.

Lumipas ang oras ay tapos nang mag-ensayo sina Barney, nagtaka ako dahil nakaupo na sila sa gilid habang tahimik na nanunuod sa amin. Dati ay inaasar pa nila si Aevan kapag bumabagsak at pinagpupustahan pa kung masusuntok ba ako. Ngayon ay para silang mga batang kinurot ng nanay dahil masyado silang makulit.

"Ang bilis mong matuto, Boyfie," nakangiti kong sabi nang matapos kami.

Tinanggal na niya ang mask kaya kita ko ang mapula niyang pisngi dahil sa pagsuntok ko kanina.

"Magaling ka kasing magturo," malambing niyang tugon.

Lumapit ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Tatanggalin ko na sana ang weights sa braso ko nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang may maamoy akong pabango.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon