ACE POV
"Good morning, ladies and gentlemen! National University, welcomes you for today's womens basketball match between SMIU Hawk and HIU Titans!" masayang sabi ng commentator at halos mabingi ako sa lakas ng ingay at hiyawan ng mga estudyante rito.
"GO HAWKS!"
"GO TITANS!"
"It's starting," nakangiting sabi ni Bolt.
"Bakit wala si Coach?" takang tanong ni Dave. Tumingin ako sa pwesto nina Tyra at wala nga roon si Coach.
"Oo nga no," tugon ko.
"Ayon si Coach oh, kausap ni Blaze," sabi ni Yvonne at tinuro si Blaze.
"Luh... bakit nakaupo si Coach doon?" tanong ni Bolt.
Kasama ni Coach ang mga Teacher at nasa pinakagitna sila.
Ano ba yong binibigay ni Blaze sa kanila? Tsk, nangangampanya?
"And now! For today's starters, first for the SMIU HAWKS!" masiglang sabi ng commentator.
"At forward! From Balibago, 5'4", #28, Giovannie Molo!"
"At forward! From Balibago, 5' 6", #8, Kc Salba!"
"At center! From Calamba, 5' 6", #14, Molly Suarez!"
"At guard! From Pacita, 5' 5 ", #22, Esme Alvir!"
"And at guard! From Tagapo, 5' 8", #02, Jaycee Henares!"
"Kyaa JC!"
"GO HAWKS!"
"Galingan mo Esme!"
"GO SMIU!"
Pumunta pa sa gitna ang mascot nilang hawks at hinatid isa-isa ang mga players sa gitna.
"Grabe ang support ah," Sabi ni Yvonne.
"Mukhang magagaling ang kalaban nila," sabi naman ni Dave.
"Hoy! Ano bang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko kay Blaze na kakabalik lang.
"Pakyu! Namimigay ako ng banner! Oh, mamili na kayo dali!"
Kumuha ng isa si Yvonne at kinuha ko ang kasunod noon. Natawa pa ako dahil ganoon din ang ginawa nina Bolt at Dave.
"Ngek, sunod-sunod rin ang pinili ninyo," natatawang sabi ni Blaze bago umupo.
Kumunot ang noo ko nang buklatin ko ang banner ko. Inis ko namang tiningnan iyong mga banner nila.
'Go' ang kay Dave, 'Titans' naman kay Blaze, 'We' ang kay Bolt, 'Love You' ang sa akin at '!!' ang kay Yvonne.
"Tsk! Bakit na sa akin ito?!" singhal ko kay Blaze.
"Pakyu! Ikaw ang bumunot niyan! Huwag ka na ngang mag-inarte, suportahan na lang natin sila!" singhal ni Blaze.
"Binibigyan mo ng meaning, Dre," nakangising sabi ni Bolt at siniko pa ako.
"Bobbie, eto sa inyo oh!" Inabot ni Blaze ang mahabang banner kina Bobbie na 'Go Titania!'
"Cool! Thanks dude, hey check it out, nakangiting sabi ni Bobbie kina Tyson. Sakto pa sa kanila iyong haba non.
"Hoy! Sabay-sabay nating itataas iyan kapag tinawag na ang pangalan ni Tyra," sigaw ni Blaze sa amin.
"Grabe ang support ni Blaze ah," sabi ni Yvonne habang nakatingin sa banner ko.
"Malapit kasi sila kina Tyra," tugon ko.
"The head coach of the SMIU HAWKS is Allan Jaworsky!" sabi ng commentator.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Acción[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...