CHAPTER NINETEEN

398 57 105
                                    

ACE POV

"Dre! Natatae ako!"

Tumingin ako kay Bolt dahil kinulbit niya ako. "Oh? Hawak ko ba ang banyo?!"

"Babalik ako! Hintayin ninyo ko ah."

"Bilisan mo! Baka mag-start kami nang wala ka, bahala ka!"

Kalahating minuto na ang nakalipas simula ng mag-umpisa ang exam at napakarami na ring tao sa auditorium. Isang grupo na lang ang tutugtog at kami na, tumingin pa ako sa mga manonood pero hindi ko makita sina Tyra.

Papasok kaya sila? Paano na exam nila?

Nahagip pa ng mga mata ko si MJ kaya pinuntahan ko siya.

"Wala pa ang ka-team mo?" tanong ko. Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko.

"Hindi ko alam kung papasok sila eh, baka mamaya ay hindi kami makatugtog ni Chris. Wait may tumatawag sa akin," sabi niya habang nasa cellphone ang paningin. Tumango ako at tiningnan siyang makalabas.

"Ace! Nasaan na si Bolt?" tanong ni Steve.

"Nangungumpisal, pabalik na siguro iyon," tugon ko habang lumilinga pa rin sa paligid.

"Matatapos na sina Rose eh. Ay ayan na pala eh!"

"Wew! Nakaabot ako!" hingal na sabi ni Bolt.

"Amoy tae ka pa ha!" biro ni Aron.

"Hindi ako naghugas eh," seryoso niyang tugon. 

"Walastek, ang baboy mo!" singhal ni Steve at lumayo kay Bolt.

"Biro lang, toh naman! Pampaswerte kaya ang tae!"

"Tara na... tayo na ang sunod."

Nagpakawala ako ng mabigat na hangin at sumunod na sa kanila. Ang bigat ng loob ko dahil sa nangyari. Kasalanan ko... kasi dahil sa akin ay hindi makakapag-exam si Tyra.

Mayamaya at tinawag na ng Emcee ang banda namin kaya pumunta na kami sa kani-kaniya naming pwesto, isinuot ko ang strap ng gitara ko at nag-sound check muna.

Pagkatapos ay pinatugtog ko na ang mahabang intro, naghiyawan pa ang mga manonood sa solong ginawa ko. Mayamaya ay kumanta na si Steve.

Nagpakawala ako ng mabigat na hangin dahil wala akong ganang tumugtog, hindi nga ako tumitingin sa manonood.

"Go Ace!" 

Agad akong tumingin sa audience nang marinig ang boses ni Naomi. May napansin akong kumakaway kaya tiningnan ko iyon.

Nabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil nagtama ang paningin namin ni Tyra. Hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko ng makita siya, wala sa sariling nginitian ko siya. Napag-isipan kong hindi ko na siya susungitan. Pasasalamat ko na rin doon sa pagsagip niya sa akin.

Magaling si Bolt dahil smooth ang pagpalo niya sa drums kaya ang ganda ng kinalabasan ng tugtog namin. Nabuhayan ako at ginanahang tumugtog, hindi ko rin maiwasang tingnan si Tyra, mukha na siguro akong tanga sa kangingiti.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon