CHAPTER FIFTY NINE

315 25 53
                                    

TYRONIA'S POV

Kasalukuyan akong nagbibihis ng pumasok sa kwarto ko si Naomi.

"Bes."

"Mmm."

"Okay ka na ba?" Tanong niya bago umupo sa lamesa. Kumuha pa siya ng isang Red Spider Lily flower sa vase at inamoy.

"Okay naman."

Nagpakawala ako ng hangin dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kaiisip. Masama ang loob ko dahil wala na akong pag-asa.

"Alam kong broken hearted ka," palumbaba niyang sabi.

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kaniya. Ilang segundo ko pa siyang pinakatitigan bago ko siya inirapan.

"Tss, alam mo naman pala... nagtanong ka pa!"

Binuksan ko ang tatlong butones ng uniform ko at binitbit na lang ang blazer. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas.

"Nagulat nga rin ako nang makita ko silang magka-holding hands."

Natigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Ipaalala mo pa."

"Baka lang kako nalimutan mo," mapang-asar niyang sabi.

Napailing ako at nauna nang lumabas ng kwarto, "Tara na nga."

Nagpaalam pa siya kina Tyson bago sumunod sa akin. Pagkarating ko sa garahe ay malamya akong sumakay ng kotse. Pinainit ko na muna ang makina habang nakatingin sa manibela. 

Bumalik ako sa reyalidad ng businahan ako ni Naomi. Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago ko paandarin ang sasakyan. Sa katunayan nga ay tinatamad akong pumasok kaya okay lang kahit ma-late kami ng ilang minuto.

Kahit sa paglalakad papunta sa room ay para kaming dumalo sa lamay, sinabayan ni Naomi ang trip ko at wala manlang akong narinig na reklamo. Narinig ko pa siyang kumanta ng panglamay.

Saktuhan lang din ang dating namin dahil nakasabay namin ang Teacher. Hindi pa man nag-iinit ang pigi ko sa upuan ay pinaghanda na kami para sa gagawin naming activity na impromptu.

Mayamaya ay nakinig lang ako sa mga kaklase kong nag-iimpromptu. Masyado ring ginalingan ni Naomi ang pagsagot, pakiramdam ko nga ay ambassador siya ng kung anong bansa dahil sa sagot niya at parang nasa press conference lang siya.

Sinabihan niya pa ang Teacher na tanungin siya ulit. Nawalan ako ng ganang makinig kaya binaling ko na lang ang paningin sa bintana. Hanggang sa matapos ang pang-umagang subject namin ay naging tahimik lang ako. Hindi rin ako kinukulit ni Naomi dahil alam niyang wala ako sa mood.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa canteen ng may tumapik sa balikat ko. "Ang tahimik mo ah."

"May iniisip lang," tugon ko kay Bolt at ngumiti ng pilit.

"Kami na ni Bes ang bibili ng pagkain, mauna na kayo roon," sabi ni Naomi sa kanila.

Dumiretso na ako sa counter at um-order ng mga pagkain. Napaurong pa ako sa gilid ng marahan akong itulak ni Naomi.

"Alam mo... kanina ka pa tinitingnan ng Barney mo," bulong ni Naomi.

Agad naman akong tumingin sa kaniya, "Talaga?" 

"Kanina pa kaya sa room... nong nag-impromptu nga ako ay ikaw ang tinitingnan niya imbis na ako. Psh!"

Napangiwi ako sa sinabi niya, "Baka sa bintana nakatingin, katabi ko lang ang bintana, tss."

Mayamaya ay inabot na sa amin ng lalaki ang order namin. Apat na tray iyon kaya babalik pa kami ni Naomi.

"Titania!" Napatingin ako sa may bukana at nakita sina Blaze.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon