CHAPTER TWENTY THREE

428 69 149
                                    


TYRONIA'S POV

"Tara na mahal na reyna! Maghahanap pa tayo!"

Atat boset!

Nagpaalam muna si Naomi kina Helen bago kami bumaba.

Sasakyan ko ang gagamitin namin dahil nadala na ako noong nakaraan, baka umulan na naman at ma-flatan ulit. Ihahatid ko rin si Naomi pagkatapos, nakahihiya kasing pumunta sa birthday ni Blaze nang walang dalang regalo.

"Laugh trip sa arte mo kanina eh, sakit-sakitan ang peg!" natatawang sabi ni Naomi nang makasakay siya sa kotse.

"Para makatotohanan!" nakangisi kong tugon.

"Naniwala naman silang nasaktan ka sa pagsuntok mo! Buset na iyan!"

"Mas laugh trip iyong ginawa mo, tanga! Feeling director, hindi na nga kita tiningnan noon kasi natatawa na ako!"

Nagtuloy-tuloy lang ang usapan namin ni Naomi hanggang makarating kami sa parking lot ng mall.

"May naisip ka na bang ireregalo?" tanong ko.

Pinatay ko na ang makina at tiningnan siya dahil hindi niya ako sinasagot. Masyado kasi siyang abala sa cellphone.

"Hoy!"

Nagitla pa siya sa sigaw ko.

"W-What?"

"Sino ba iyang ka chat mo? May iba ka na ano? Sasabihin ko iyan kay Tyson!" seryoso kong sabi bago lumabas.

"A-Anong! Hoy, wala kaya! Si Tyson lang ang lalaki sa buhay ko!" 

Hindi ko siya pinansin at nagpauna nang pumasok sa loob. Nag-ikot muna kami sa loob at nag-window shopping bago kami mag-decide kung ano ang bibilhin namin. Bigla-bigla niya pa akong hinila papasok sa isang kilala na shop.

"Humanap ka muna riyan," sabi ni Naomi habang abala sa cellphone.

Sino ba ang ka-chat nito? Tss!

Hinayaan ko na siya at tumingin ako ng mga jacket na babagay kay Blaze, nagikot-ikot pa ako dahil hindi ko nagustuhan ang design ng jacket na nakita ko kanina.

"S-Sorry," agad kong sabi nang may mabunggo ako. Naramdaman ko pa ang kamay niya sa baywang ko na parang inalalayan akong huwag matumba.

"Sorry," sabi naman niya.

Barney?

Napakurap ako nang makita si bading.

Ang liit ng mundo, tss! Akalain mong siya pa ang makakabunggo ko sa dami ng tao na nandito?

"Barney! Nandito ka pala," nakangiti kong sabi.

Tumikhim pa muna siya. "N-Naghahanap kami ni Bolt ng ireregalo kay Blaze." 

Tumingin ako sa likod niya para tingnan si Bolt pero hindi ko siya makita. "Oh? Kami rin, kasama ko si Naomi."

"Hey! Nakita ko si Bolt!" rinig kong sigaw ni Naomi, lumingon ako at nakitang hila-hila niya si Bolt.

"Lods! Namimili rin pala kayo!"

"Oo eh, nakahihiya kasi kapag walang regalo."

"May naisip na ba kayo?" 

"Wala pa nga eh! Samahan mo nga ako roon, Bolt! Alam kong marunong ka tumingin sa panlalaking gamit eh!" nakangusong sabi ni Naomi.

Pumunta ako sa mga leather jacket at kumuha ng isa. Nagtaka pa si bading dahil humarap ako sa kaniya at tinapat ko sa kaniya iyon.

"Ha? Pwede namang sa—"

"'Di ba?" 

"A-Ahhh!" tumikhim si Bolt. "Oo nga pala, tara na! Ang bagal mo naman Naomi! M-May nakita ako roon eh!" 

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon