TYRONIA'S POV
Kasalukuyan kaming nasa sala ni Naomi at hinihintay sina Ben na bumaba. Mayamaya ay nakita ko silang pababa na kaya sinalubong namin sila sa hagdan.
"Aalis na kami," malambing na sabi ni Ben.
Kinuha naman nina Felix at Sebastian ang mga maleta nila.
"Ingat kayo, babalitaan ko na lang kayo," tugon ko. Napangiti ako ng yakapin ako ni Helen ng mahigpit.
"Kaya mo iyan... hangga't hindi pa kasal ay laban lang nang laban ha."
Bumungisngis ako at napailing, "Mag-iingat kayo sa pagbantay kina Tracy."
"See you, Darling. Don't miss me," malungkot na sabi ni Naomi habang yakap si Tyson.
"Tsh, mag-ingat kayo," walang ganang sabi ni Tyson.
"Of course! Gusto mo ba... pati ikaw ay ingatan ko rin? Yiee, kilig na iyan," malanding tugon ni Naomi habang tinutusok-tusok ang tagiliran ng kapatid ko.
"Ikaw na ang bahala sa kanila, Sebastian," seryosong sabi ni Tyler. Tumango naman si Sebastian bilang tugon.
"Call me if something happens," baling sa akin ni Tyler at niyakap ako.
"I will... mag-ensayo ka rin doon at tawagan niyo lang si Javier kapag may problema," tugon ko.
Lumapit naman sa akin ang nakangusong Tyson.
"Halika nga," malambing kong sabi at niyakap siya. "Don't worry... babalitaan ko kayo, mag-iingat din kami ng future wife mo kaya huwag ka ng mabalisa," seryoso kong sabi at hinagod ang likod niya.
"Tsh! Okay na eh... may dinagdag ka pa."
"Sige na... see you," nakangiti kong sabi bago kumalas sa pagkakayakap.
Sinundan ko pa sina Ben sa labas. Natigil ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko. Tumingin ako roon at nakitang hawak iyon ni Tyson.
"Please... take care, tawagan mo ako kapag may nangyari."
Tumango ako at pinisil ang pisngi niya. Parang may gusto pa siyang sabihin pero nagpakawala lang siya ng mabigat na hangin.
Hinatid namin sila sa labas at hinintay na makaalis bago kami pumasok sa loob.
Doon ko sila pinatuloy sa village namin, isa rin kasi ito sa mga plano ko. Mahirap na at baka biglang dumalaw sina Bolt sa bahay at makita sila rito. Mananatili pa rin si Sebastian para asikasuhin kami, dito ko na rin pinatuloy ang pamilya niya.
Ang magulang niya ang ipapakilala ko kina Ace na magulang ko at siya naman ang ipapakilala kong kuya ko.
Si Naomi naman ay sasabihing nasa ibang bansa ang pamilya niya kaya sa amin siya tumutuloy. Lahat nakaplano na, kailangan na lang naming makapasok sa Gang nila.
"Okay lang ba sa iyo ang set up na ganito?" Tanong ni Naomi nang makapasok kami sa loob ng kwarto ko.
"Panong ganito?" Takang tanong ko.
"Na tawagin mong Mom, Dad, at Kuya si Sebastian at ang magulang niya pero hindi mo magawang tawagin ang sarili mong pamilya ng ganoon."
Natameme ako sa sinabi niya.
Simula kasi nang maging lider ako ay hindi ko na sila tinatawag na ganoon, ayaw kong mangyari sa amin ang nangyari sa ibang organisasyon at iyon ang iniiwasan ko.
"Kailangan ko lang silang ingatan, ako ang hinahanap ng mga kalaban natin at ayaw kong gamitin sila laban sa akin," seryoso kong tugon.
"I'm sure naiintindihan ka nila pero ramdam ko ring hinihintay nilang tawagin mo sila ng ganoon ulit."
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...