TYRONIA'S POV
Nang makarating kami sa tambayan ay pinasok niya ang kotse sa loob at pinarada iyon sa dulo. Lalabas na sana ako nang pigilan niya ako. Nagtaka ako dahil hinubad niya ang sapatos at medyas niya at muling sinuot ang sapatos.
Pagkatapos ay lumabas siya ng kotse at lumapit sa akin.
"Akin na ang paa mo, isusuot ko itong medyas sa iyo," utos niya.
Umayos ako ng upo at inabot ang mga paa ko sa kaniya. Pinagpagan niya pa muna iyon bago isuot sa akin ang medyas. Pagkatapos ay nakangiti kong tiningnan ang medyas na suot ko bago lumabas. Naglakad ako papunta sa dulo habang abala siya sa paglabas ng pagkain at beer.
Nakangiti kong pinagmasdan ang bituin at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko. Mayamaya ay tinawag ako ni Barney, kumuha ako ng dalawang beer at inilagay iyon sa dulo dahil para kay Zach iyon. Pinaupo niya pa ako sa hood ng kotse habang siya ay nakatayo lang sa harap ko.
Nagsimula na rin kaming kumain at nagkwentuhan na rin, habang kumakain kami ay ginagamot niya ang sugat ko sa leeg. Pinakuha ko pa sa kaniya ang purse ko sa kotse at ibinigay sa kaniya ang Dragon na keychain habang sa akin naman ang Samurai. Ako na rin ang naglagay non sa cellphone namin.
"P-Paano na nga pala si Blaze?" Tanong niya nang matapos siya sa paggamot ng sugat ko.
"Huh? Anong paano siya?" Tugon ko habang sinasawsaw ang Manok sa gravy.
"Nanliligaw din siya sa iyo 'di ba?"
Tatango-tango ako at kunwaring nag-iisip, "Mmm... edi sasagutin ko na siya."
Nakita ko pang lumaylay ang balikat niya at lumungkot ang mukha.
"Biro lang," natatawa kong sabi. Sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Ang ganda ng biro mo, Barney," sarkastiko niyang sabi.
"Alam ni Blaze na gusto kita."
"Alam?"
"Mmm... ganoon kami ka-sweet kasi pinagseselos ka namin."
Humaba ang nguso niya, "Tsk! Alam mo bang muntik ko na siyang masuntok sa sobrang selos?"
Ngumiwi ako sa sinabi niya, "Bakit hindi ko ramdam na nagseselos ka, Barney?"
"Hindi ko lang pinapahalata... nasasaktan din kaya ako kapag nakikita ko kayong naglalandian sa harap ko."
"Umamin na rin si Blaze sa akin na gusto niya ako... siguro kung hindi ka pa umamin kanina ay pag-aaralan ko nang magustuhan si Blaze," seryoso kong sabi habang pinupunasan ang daliri ko.
Nabigla pa ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Naging matunog pa ang buntonghininga niya.
"Mabuti na lang at nasabi ko na sa iyo ang nararamdaman ko."
Napangiti ako at niyakap din siya. "Part two... part two... part two," bulong ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiwi, kumuha pa siya ng tissue para punasan ang daliri. Umayos ako nang pagkakaupo at ibinuka ang binti. Hinawakan ko ang baywang niya at hinapit siya palapit sa akin. Kumunot ang noo niya nang makita ang pwesto namin.
"Barney!"Nagitla ako dahil ang lakas ng boses niya.
"A-Ano ba iyon?!"
"Ang m-manyak mo!" Nauutal niyang sabi.
Umawang ang labi ko at napabuga ng hangin. "A-Anong manyak ang pinagsasabi mo!" Singhal ko.
"Hinihimas mo kasi ang baywang ko! U-Umayos ka nga ng upo, nakikita ko na ang binti mo oh! Mamaya baka kung ano na ang makita ko!" Reklamo niya at tinuro pa ang binti ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...