CHAPTER SEVENTY FOUR

283 19 32
                                    

ACE POV

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko dahil mamaya ko na sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. 

Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya. Ilang buwan ko na rin naman itong nararamdaman at tama nga si Naomi dahil kailangan ko nang sabihin. Wala akong mararating kung palagi kong itatago at baka pagsisihan ko pa sa huli.

Nakakapagod na ring magsungit palagi kaya bahala na si Barney mamaya.

Tumingin ako sa may pinto dahil may kumatok at napangiti nang pumasok si Dad. Kanina lang sila nakauwi ni Mom.

"Hello, Son... are you excited?" 

"Sakto lang, Dad," nakangiti kong tugon. Lumapit siya sa akin at siya ang nag-ayos ng bowtie ko.

"Hindi rin kami magtatagal ng Mom mo, aalis din kami mayamaya."

"Wala na kayong pahinga ni Mom, hindi ba pwedeng magpahinga na muna kayo kahit isang linggo?" Napangiwi ako ng umiling siya. Tinapik niya pa ako dahil tapos na niyang ayusin ang bowtie ko.

"Gustuhin ko man pero ayaw ng Mom mo, hanggang ngayon ay nahihirapan kaming hanapin sila. Kahit ang mga kakilala namin ay ayaw sabihin ang nalalaman nila," malungkot niyang sabi.

"Dad, ako na ang bagong lider pero bakit ayaw akong pasamahin ni Mom sa paghahanap?"

Naging matunog ang buntong hininga niya at tiningnan ang family picture namin sa lamesa. "Natatakot lang siya na baka matulad kayo kay Jenny. Ang gusto ng Mom mo ay makapagtapos muna kayo ng highschool, kaya hangga't maari ay kami ang gumagawa ng mga misyon."

Naikuyom ko ang kamao, pakiramdam ko ay wala akong kwenta. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako malakas sa paningin ni Mom at dapat pa rin protektahan.

"Alam mo bang sa prom night ko sinabi sa Mom mo na gusto ko siya?" Binaling ko ang paningin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Parehas kami ni Dad dahil iyon din ang balak ko mamaya. 

"I'm definitely your Son," natatawa kong sabi. 

Umupo siya sa kama at sinenyasan akong umupo rin. "Bakit... aamin ka na rin ba sa nagugustuhan mo?"

Tumango ako at tinuon ang kamay sa kama. "Pero hindi ko alam kung gusto rin ba niya ako, malakas kasi ang trip niya at hindi ko alam kung totoo ba iyong mga sinasabi niya. Palagi ko pa siyang nasusungitan at lalaki siya kung kumilos, Dad," nakanguso kong sabi na siyang kinatawa niya. 

"Ganoon ba?" Kumunot ang noo ko dahil humalakhak na siya. Ngayon ko na lang ulit siya narinig na tumawa.

"Alam mo bang hindi ako gusto ng Mom mo dati? Binusted niya ako nang ligawan ko siya at ilang beses niyang ginawa iyon, pero hindi ako sumuko." 

Hindi gusto ni Mom si Dad? Gwapo naman si Dad ah.

"Bakit?" 

"Kasi lampa at duwag ako... para akong stalker ng Mom mo kasi kung saan siya pumunta ay sinusundan ko siya, takaw gulo kasi sila nina Helen dati. Kapag hindi siya pumapasok ay hindi rin ako pumapasok."

Lampa siya? I can't believe it... hindi halata sa itsura niya.

"Paano naging kayo ni Mom kung lampa ka dati?" Bumungisngis siya at sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya. 

"Marami siyang kaaway dati at marami nang nagtangka sa buhay niya. Dumating pa nga ang araw na dinukot siya, mabuti at nakita ko siya noong araw na iyon," pag-uumpisa niya. "Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko noon at natatakot din ako kasi hindi ko alam kung paano ko siya ililigtas... pero sinundan ko pa rin siya at nakita ako ng mga dumakip sa kaniya." 

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon