CHAPTER SEVENTEEN

383 58 105
                                    


ACE POV

Nagulat ako nang may tumulak sa akin, napalakas iyon kaya natumba ako at nagasgasan ang tuhod ko. Kumunot pa ang noo ko dahil may narinig akong nabasag sa may likuran ko.

Napasinghap ako nang unti-unting napaluhod si Tyra at napahawak sa sahig, kahit ang daing niya ay rinig ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang mga dugong tumutulo sa noo niya, kahit ang panginginig ng mga braso niya ay nakita ko. 

Humawak pa siya sa pader at tiningnan ako, kinilabutan ako sa paraan niya ng pagtitig, dumaloy pa ang ibang dugo sa mata niya, dumaan rin iyon sa ilong saka pisngi hanggang umabot sa may baba niya at tumulo sa jersey.

Pinasadahan niya pa nang tingin ang kabuuan ko na para bang tinitingnan kung may natamo akong sugat, tumakbo ako papunta sa kaniya at sinilip ang building pero wala nang tao.

Sa akin ba dapat tatama ang vase?

Umigting ang bagang ko at naikuyom ang mga kamao, tiningnan ko ulit si Tyra at hinang-hina na ang itsura niya. Lalo pa akong nagulat nang tanungin niya ako kung okay lang ba ako. Nagagawa niya pa akong kumustahin sa lagay niya. 

Hindi ba siya nakakaramdam ng sakit? Tinulak niya ba ako kasi nakita niyang matatamaan ako ng vase? Bakit niya gagawin iyon? Hindi kami magkaibigan para tulungan niya ako!

Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin sa akin, hindi pa ako makapaniwala dahil nginitian niya ako. Para akong tangang nakatunganga pa rin sa harapan niya habang pinagmamasdan ang dugo sa mukha niya. Hindi pa rin ako makalma at nakaramdam ako ng matinding galit kaya nasigawan ko siya. Natigilan lang ako ng sabihin niya sa akin na kanina pa niya ako tinatawag.

Bakit hindi ko manlang narinig na tinatawag niya ako?

Bumilis ang paghinga ko at pinaligiran ako ng luha, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dadalhin ko na dapat siya sa hospital pero nang hawakan ko ang braso niya ay napahinto ako dahil sobrang init niya at inaapoy siya ng lagnat.

Nagpaulan kasi eh!

Gusto ko siyang sigawan ulit at pagalitan pero hindi iyon ang mahalaga ngayon, kailangan ko siyang dalhin sa hospital at baka mapaano siya. Nagulat pa siya nang mahawakan niya ang dugo sa mukha niya at tinalikuran ako. Balak pa akong iwan kaya hinila ko ulit ang braso niya at hinarap siya sa akin.

Tiim bagang ko siyang tiningnan... sa inis ko ay binuhat ko siya na parang isang prinsesa at patakbong umalis. 

"I-Ibaba mo ko!" 

Nabasag pa ang boses niya kasisigaw at kumakawala pa kaya inis akong natigil sa pagtakbo.

"Baliw ka na ba? Dadalhin kita sa hospital!" singhal ko.

"A-Ayaw ko ng ganito!" inis niyang sabi.  

Napapikit pa ako nang bumahing siya sa mukha ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo?!" singhal ko. Namumula na rin ang mukha niya.

"B-Basta ibaba mo ako!" 

Pinakalma ko ang sarili bago siya maingat na binaba. 

"Umupo ka," utos niya sa akin. Pinunasan ko muna ang mukha kong binahingan niya kanina. Hindi na rin ako nakipagtalo at sinunod ko na lang. 

"S-Sasampa ako sa likod mo." 

Napailing ako nang sumampa siya sa akin kasi para akong dinikitan ng mainit na tubig, buong lakas naman akong tumayo at tumakbo. 

Gusto ko sanang puntahan sina Bolt para magpatulong pero lalo lang matatagalan, mabuti at dala ko ang gamit ko.

"H-Hindi ako prinsesa kaya huwag mo akong buhatin ng ganoon kanina." 

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon