ACE POV
Nakaramdam ako ng kirot sa likod, humarap ako sa lalaking sumaksak sa akin para sana suntukin siya pero sinipa ako ng isang tauhan sa mukha kaya tuluyan na akong bumagsak. Napatingin ako sa kisame at habol ang hininga, napagod ako sa sobrang dami ng tauhan ni Charles.
Tumayo ka! Hindi ka pwedeng bumagsak! Hindi mo sila pwedeng iwanan na lang ng ganiyan, stupid!
"That's what you get, Ace! Sabi ko naman sa iyong pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!"
Napapikit ako sa inis, hindi ko akalaing aabot sa ganito ang galit sa akin ni Sophia. Nandamay pa sila ng iba para lang makapaghiganti sa akin.
"Sabi ko naman sa inyong hindi na kayo aabutan ng umaga rito, hindi manlang nila maubos-ubos ang tauhan ko," nakangising sabi ni Charles.
Kinakabahan ako kina Tyra, tiningnan ko sina Blaze pero hindi na rin nila kayang tumayo dahil napuruhan ang hita nila.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil may pumasok na benteng lalaki at may hawak na baseball bat. Malalaki pa ang iba sa kanila at may hawak pang kutsilyo ang iba, naikuyom ko ang kamao sa inis.
Napakawalang kwenta ko dahil hindi ko manlang sila maprotektahan. Naiinis ako dahil napakahina ko!
"Handa ka na bang mamatay, Tyra? Ito ang napapala mo sa pangingialam sa plano ko!"
Napakasama mong gago ka! Bagay na bagay kayo ni Sophia, magsama kayo sa impyerno!
Pinipilit namang makawala nina MJ pero sobrang higpit ng pagkakatali sa kanila.
"I want to join too, Baby!" Rinig kong sabi ni Sophia.
Kumunot ang noo ko dahil hindi manlang kinakitaan ng takot sina Naomi, tinitingnan lang nila sina Charles na para bang napadaan lang sila at parang binibilang pa ang mga lalaking nakapalibot sa kanila.
"Pwede naman, basta ikaw." Nagagawa pa nilang maglampungan sa harap namin.
"Natatakot ka ba sa akin kaya tauhan mo ang pinauuna mo, Damulag?" Seryosong sabi ni Tyra.
Umawang ang labi ko at napabuga ng hangin dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Tyra.
Talagang mapapatay siya dahil ginagalit niya pa si Charles! Hindi niya ba alam na plakda na kami nina Bolt dito at wala ng magtatanggol sa kanila? Halos murahin ko na nga ang katawan ko dahil ayaw tumayo!
"Huwag kang atat dahil ako ang huli mong kalaban! Iyon ay kung buhay ka pa, baka sa girlfriend ko pa lang ay mag-agaw buhay ka na! Kapag patay na kayo ay saka ko papatayin itong tatlong ito!"
Hindi matigil sa pag-iyak si Rose. Kahit sina MJ ay naiyak na rin. Mahirap sa kalagayan nilang tingnan lang kami na ganito, paniguradong naiinis sila dahil hindi nila kami matulungan. Binaling ko ang paningin kay Tyra at sakto namang nakatingin siya sa akin. Bakas din ang pag-aalala sa mukha niya.
Hanggang dito na lang ba talaga ang kakayanan ko? Hindi ko yata kakayaning tingnan ka habang sinasaktan ka nila.
"Bilisan ninyo! Ligpitin niyo na iyan!"
Napasinghap ako ng sabihin ni Charles iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanila.
Hindi pa rin inaalis ni Tyra ang paningin niya sa akin, hindi ko rin maintindihan kung bakit siya umiiling. Papalapit na sa kanila ang mga lalaki at hindi manlang siya kinakitaan ng takot. Nagtaka pa ako dahil ginawaran niya ako ng matamis na ngiti.
Bakit nagagawa mo pang ngumiti? Bakit pinipilit mong itago ang takot na nararamdaman mo? Okay lang naman sa akin kung umiyak ka at ipakita sa ming natatakot ka. Mas masakit sa akin na nakikita kang ganiyan, pinapakita mo sa akin na ayos ka para hindi ako mag-alala.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Acción[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...