CHAPTER SIXTY SEVEN

294 20 50
                                    

TYRONIA'S POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at pinakiramdaman ang katawan ko. Papikit-pikit pa akong tumingin sa paligid.

Kumunot ang noo ko dahil dalawang comforter ang nakakumot sa akin. Ramdam ko rin ang pamamanhid ng kamay ko. May gaza na ang tiyan at noo ko nang kapain ko iyon. Nakaramdam din ako ng matinding uhaw at ang sakit ng lalamunan ko kapag lumulunok ako.

Natulala ako at inalala ang nangyari sa akin. Hindi ko akalaing makakayanan ko iyon. Ngayon ko lang naranasan iyon at halos ikamatay ko na. Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil ngayon pa ako nilagnat.

Mayamaya ay napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Umaliwalas ang mukha nila ng makita ako. Tuwang-tuwa raw sila dahil nagising na ako. Nginitian ko naman si Barney na nakapamulsang naglalakad papunta sa kin.

"Titania!" Kumunot ang noo ko nang mawala sa paningin ko si Barney. Tinulak siya ni Blaze at agad na pumunta sa akin. Narinig ko pa ang malutong na mura ni Barney.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Blaze at tiningnan ang dextrose ko.

"O-" Napapikit ako dahil sa sakit ng lalamunan ko. Inalalayan pa ako ni Naomi na umupo nang maayos at inabutan ako ng tubig ni Blaze. Sinabi pa nilang huwag kong piliting magsalita.

Ngumuso ako at hinawakan ang tiyan ko. Tatango-tango naman si Naomi at mukhang naintindihan ang ginawa ko.

"Gutom na siya." Tumingin sila kay Naomi bago ibaling ang paningin sa akin.

"Ano ang gusto mong kainin?" Malambing na tanong ni Blaze.

Tiningnan ko si Naomi at tinitigan siya. Alam kong alam niya ang mga gusto kong kainin. Ngumiwi siya na para bang napakadami non at tinatamad siyang isa-isahin.

Humarap siya kay Blaze at inisa-isa ang mga gusto kong kainin. Tatango-tango pa ako dahil pati ang ice cream ay hindi niya nalimutan.

Bumungisngis si Blaze dahil sa dami, "Sige, kakainin mo lahat iyon, ha?" Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti at tumango. "May sasabihin nga pala ako sa iyo mamaya pagkabalik ko." Napanguso pa ako dahil ginulo niya ang buhok ko.

"Bibili lang ako ng pagkain," baling niya kay Naomi. Tiningnan niya pa muna ako bago umalis. 

Gusto ko sanang tanungin kung nasaan sina Dave at kung kailan isasagawa ang initiation test ni Naomi.

Kinagat-kagat ko ang labi habang nakatingin kay Naomi. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama ko at tinutupi ang mga towel. Si Barney naman ay nakasandal sa pader at kunot-noong nakatingin kay Naomi.

Nagpakawala ako ng hangin bago ko ilapit ang paa ko sa pigi ni Naomi. Natigil siya sa pagtutupi at napatingin sa akin.

Binaling niya ang paningin kay Barney bago tumayo. "Bantayan mo muna, Barney. Pupuntahan ko lang sina Bolt, sasabihin kong gising na siya."

"Sige." Iyon lang ang tinugon niya. Nginitian pa ako ni Naomi bago umalis.

Tumingin ako sa paligid at naghanap ng masusulatan. Nang wala akong makita ay binaling ko ang paningin kay Barney at sinenyasan siyang gusto kong magsulat.

Tinaasan niya pa ako ng kilay na para bang hindi niya ako naiintindihan. Mayamaya ay lumapit siya sa drawer at kumuha ng papel at ballpen saka binigay sa akin.

Tinuro ko pa ang upuan sa tabi at tumingin naman siya roon. Hindi siya nagsalita at tahimik na umupo roon.

Napakamot ako sa batok dahil nakatingin lang siya sa akin at nanatiling tahimik. Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago magsulat sa papel.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon