ACE POV
Binuhat nila si Tyra at mukhang tatakas na sila, parang bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ko siyang wala nang malay at maputla na. Kahit ang patak ng dugo sa sahig ay bumagal sa paningin ko.
Bumalik ako sa reyalidad dahil sa sigaw ni Naomi, kinuha niya ang katana ni Bolt at susugurin dapat ako pero niyakap siya ng kasama niya. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at nanghihina pa rin ako, parang inalis sa akin ang kalahati ng kaluluwa ko.
Nanlilisik ang mga mata ni Naomi at winasiwas sa amin ang katana.
"TANDAAN NINYO ANG ARAW NA ITO! PAGSISISIHAN NIYO ITO! LALO KA NA!"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Mayamaya ay napatingin ako kay Aevan nang sumigaw siya, hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.
Sumigaw ako nang malakas dahil sa galit.
Niloko niya ako at tama nga si Mom. Dapat maging masaya na ako dahil wala na siya pero bakit ayaw tumigil ng luha ko?
Pinauwi na kami ni Mom dahil nakatakas na sila... hindi pa rin ako makatayo sa pwesto ko at nakatingin pa rin sa dugo na nasa sahig. Kami na lang nina Bolt ang naiwan dito dahil nauna na silang umalis.
"P-Patay na s-siya," rinig kong sabi ni Bolt.
"W-We did the right thing," nauutal na sabi ni Dave.
"D-Did we?" sabi naman ni Blaze at humagulgol sa pag-iyak.
"H-Hindi ako makapaniwalang naloko tayo!" Sigaw ko. Pinagsusuntok-suntok ko ang sahig dahil sa galit ko at hinayaan naman nila akong gawin iyon.
Mayamaya ay nagpasya na akong umuwi, si Dave na ang nagmaneho at tahimik lang kami sa byahe habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hinatid nila ako sa bahay at hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil wala akong gana. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko at nagkulong.
"MANLOLOKO!" Sigaw ko at kinuha ang vase sa lamesa para ibato sa salamin.
Kumuha ako ng basag na vase at pinagtataga ang Dragon na stufftoy pati si Barney. Sinira ko nang sinira hanggang sa hindi na sila makilala. Lahat nang mahawakan ko ay binabato ko, naririnig ko pang sumisigaw sina Mom sa labas pero hindi ko sila pinagbuksan nang pinto.
Kinuha ko rin ang upuan at hinampas sa lababo ng banyo ko. Nang wala na akong mabato ay napaupo ako sa sahig at humagulgol.
Binaril ko siya sa braso, nabaril siya ni Mom ng dalawang beses. Hiniwa ko siya sa likod... sinampal ko siya ng dalawang beses... sinaksak siya ni Bolt.
Para akong mababaliw sa kaiisip.
Patay na siya... Patay na siya... Patay na siya...
"Pinatay na namin, Jenny! Naipaghiganti ka na namin! Pero bakit hindi ako masaya!" Sigaw ko at humagulgol sa pag-iyak. "Bakit hindi ako masayang patay ka na!"
Siya lang ang babaeng minahal ko ng totoo at sobra, magaling siya dahil napaniwala niya akong mahal niya ako. Kaya pala magaling silang makipaglaban ni Naomi! Sinabi pa namin ang lahat ng sikreto ng organisasyon, kahit ang headquarters nina Jiro ay nalaman din nila.
Pumunta ako sa balkonahe at tumingin sa langit. "Masaya kana?! Niloko ako ng girlfriend mo!" Sigaw ko. Humihikbi na ako sa kaiiyak. Nakita ko pa ang mga dugo sa kamay ko, dugo ni Tyra na pinagsusuntok-suntok ko kanina sa sahig.
Inabot ako nang umaga sa balkonahe at hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulala. Lumuluha pa rin ako hanggang ngayon at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.
Nagpaulit-ulit sa utak ko ang pagbaril ko, pagsampal ko, ang ginawa ni Mom at ni Bolt. Hindi ako nakaramdam ng antok at para akong may sampung maletang luha dahil hindi matigil sa pagtulo ang luha ko.
Kinakatok pa ako ni Mom pero hindi ako sumasagot at halos sirain na nila ang pinto pero hindi nila masira. Tinatakpan ko ang tainga ko dahil gusto kong mapag-isa at ayaw ko silang kausapin. Marami akong katanungan na gusto kong sagutin niya pero hindi na niya masasagot dahil wala na siya.
Parang kahapon lang ay kayakap ko siya. Huling araw mo na pala iyon.
Tumawa ako ng mapait, mayroon sa loob-loob ko na hindi pa siya patay. Masamang damo siya at sa dami ng natamo niyang sugat dati ay nabuhay pa siya, ngayon pa kaya?
Nakakabaliw mag-isip, parang gusto ko na lang tumalon sa balkonahe para wala na akong iisipin. Hindi manlang ako nakaramdam ng gutom at uhaw, hindi rin ako makaligo, hinayaan ko lang ang sarili kong maging ganito.
Natutuyo na rin ang dugo sa kamay ko kaya kinuha ko ang tubig at hinugasan ang kamay ko. Hindi ko magawang tingnan o mahawakan manlang ang cellphone ko, nanghihina ang katawan ko at para akong lantang gulay. Humiga ako sa kama at nakipagtitigan lang sa kisame na para bang iluluwa roon si Tyra.
Napapailing ako dahil naaalala ko na naman siya, sa tuwing pumupunta siya sa kwarto ko at kung saan siya umuupo, kung paano siya mag-effort... lahat-lahat.
Gusto ko na siyang kalimutan at ayaw ko na ring marinig pa ang boses niya.
End of Book I
See you on Book II Barnies!
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...