TYRONIA'S POV
Hindi ako makapagsalita at bigla akong pinagpawisan. Nanatiling nakatingin sa akin si Eugene at parang iniisip kung saan niya ako nakita.
Ako ang anak nang matalik ninyong kaibigan at ang bagong lider ng organisasyon na hina-hunting ninyo.
"Oh! Kamukha mo ang singer na napanuod namin kagabi. Sino nga ulit iyon, Son?" Baling ni Eugene kay Aevan.
Nangunot ang noo ni Aevan at napatingin sa kisame. Mayamaya ay namilog ang bibig niya at binaling ang paningin sa akin. "Oh! You're right, Dad. Para siyang si Advil!"
Napakurap ako dahil hindi ko kilala iyon. Nagkatitigan pa kami ni Naomi pero nagkibit-balikat lang siya.
"Avril... hindi Advil," pagtatama ni Ace. Nasapo niya pa ang noo.
Bumungisngis si Aevan habang kamot ang ulo. "Oh! My bad."
"Oo siya nga... napakaganda mo, Hija," malambing na sabi ni Eugene.
Ngumiti ako ng pilit bago nagbigay-galang, "Nice to meet you ho."
Ginawaran ako ng matamis na ngiti ni Eugene bago ibaling ang paningin sa Asawa. "Bugbog sarado ang mukha mo, Honey."
"Baka gusto mong bugbugin din kita?!" Singhal ni Tracy at dinuro siya ng katana.
"Sige, sa kwarto mo na lang ako bugbugin," malambing na tugon ni Eugene.
"A-Abnormal ka talaga!" Nauutal na tugon ni Tracy bago maglakad paalis.
Binaling ni Eugene ang paningin sa amin at lumawak ang pagkakangiti. "Paano ba iyan... mag-aano muna kam— este, magpapabugbog muna ako sa kwarto," masayang sabi ni Eugene at tinuro ang sarili.
Bubugbugin na siya pero nagagawa niya pang ngumiti ng ganiyan, hindi ko siya maintindihan.
Nakita ko pang nahinto sa paglalakad si Tracy at sinamaan siya ng tingin. "M-Magtigil! Sa meeting room! Pumunta kayong lahat sa meeting room!" Sigaw ni Tracy bago tuluyang makalabas at padabog na sinara ang pinto.
"Susunod kami, Dad," sabi ni Ace.
Tatango-tango si Eugene at nginitian kami, " Sige, nag-bake nga pala siya ng paborito ninyong muffins. Mauna na ako sa inyo."
Tiningnan ko pang makaalis si Eugene bago umupo sa sahig. Sumandal ako sa pader at napabuga ng hangin. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at parang sasabog na.
"Bakit hindi niyo manlang sinabi sa akin?" Mahinahon kong tanong.
Nagkatitigan pa sila at sabay-sabay na napakamot sa ulo pwera kay Naomi na seryoso pa rin ang mukha. Lumapit sa akin si Aevan at pinunasan ang pisngi ko gamit ang suit niya.
"Sorry, Barney... sinabihan niya kasi kami na huwag naming sasabihin, gusto ka raw kasi niyang makilala. Hindi ko akalain na sa ganoong paraan ka niya kikilalanin," malungkot na tugon ni Ace.
"Hindi rin kami pwedeng makialam kanina," nakangusong sabi ni Blaze.
Binaling ko ang paningin kay Aevan nang hawakan niya ang braso ko. Nangunot ang noo niya nang makita ang sugat doon. Kahit ang sugat sa leeg ko ay tiningnan niya.
"On a scale of one to ten, how would you rate your pain?" Seryoso niyang tanong na parang isang doctor.
One.
"Seven," agad kong tugon. Naging matunog pa ang buntong hininga niya.
"Mom is so mean! Don't worry. Pagagalitan ko siya mamaya," paniniguro ni Aevan. Ginulo ko ang buhok niya at napangiti sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Azione[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...