CHAPTER FIVE

575 117 189
                                    


TYRONIA'S POV

Alas-kuatro na ako nang umaga nagising at wala na rin si Naomi sa tabi ko. Nag-unat na muna ako bago magpalit ng damit na pang-jogging bago bumaba. Nagtaka pa ako dahil gising na rin sina Sebastian at nakapagluto na kaagad ng agahan. Maaga raw kasi akong natulog kagabi at hindi na nakapaghapunan kaya alam nilang ganitong oras ako magigising.

Kumalam kaagad ang tiyan ko nang maamoy ang mabangong pagkain kaya kumain na muna ako. Sinabayan din nila ako at nakipagkwentuhan na rin sa akin. Pagkatapos naming kumain ay doon ko napiling magkape sa hardin at magpatunaw muna ng kinain bago mag-ehersisyo.

Mayamaya ay naglakad-lakad na ako sa labas. Sobrang tahimik ng paligid at tanging kuliglig at palaspas lang ng puno ang maririnig. Lakad takbo kong nilibot ang buong village. Tinunghayan ko pa ang mga bituin sa langit na malapit nang mawala dahil magliliwanag na. Bumuntong hininga ako at dinama ang sariwang hangin. Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko dahil nailabas ko kagabi ang sakit na nararamdaman.

Inabot ako ng dalawang oras sa pag-ehersisyo kaya bumalik na ako sa mansyon. Pagpasok ko sa loob ay naihanda na raw ni Sebastian ang uniporme ko at inilagay na raw niya sa higaan. Pumanhik na ako sa kwarto para maligo bago pa ako tamaring pumasok sa School.

Nagtagal ako sa banyo dahil marami akong iniisip, pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko pa ang sarili sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtagal ako sa banyo dahil marami akong iniisip, pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko pa ang sarili sa salamin. Pinagmasdan ko ang Dragon kong tattoo na nasa kanang balikat at hanggang siko ang haba. Dragon ang simbolo ng organisasyon namin at kaming mga lider lang ang may ganitong tattoo.

Si Helen ang dating lider at nasa kanang bahagi ng tagiliran niya ang simbolo, umabot iyon hanggang sa hita niya. Labing limang taong gulang ako nang ipasa sa akin ni Helen ang organisasyon dahil gusto na raw niyang magretiro. Tatlong taon na rin akong namumuno at ang ibang ranggo muna ang gumagawa ng misyon ko sa Japan.

Mayroon din akong red spider lily na tattoo sa kaliwang bahagi ng braso ko at may nakalagay na 'I am not alone' doon. Sabay kaming nagpatattoo ni Zach at nasa kanang bahagi ang kaniya, 'I am here' naman ang nakasulat sa kaniya. Red spider lily din ang tattoo ng mga miyembro ko at sa bandang pulso nakalagay ang simbolo nila.

Pagkatapos kong magsepilyo ay nagpunta na ako sa kama para kuhanin ang uniporme ko. Nangunot ang noo ko nang makita kung gaano kaikli ang palda namin. Nagpakawala ako ng hangin at kumuha ng itim na cycling shorts para suotin. Sinuot ko rin ang itim na medyas na hanggang tuhod ang haba. 

Kinuha ko ang benda sa may kabinet at binalot sa dibdib ko para ma-flat ng kaunti. Ganito palagi ang sinusuot ko dahil hindi ako sinanay ni Helen na mag-bra. Pagkatapos ay sinuot ko na ang pang-itaas at binuksan ang dalawang butones. Niluwagan ko rin ang neck-tie dahil nakakasakal masyado. Tinupi ko ang sleeve hanggang siko at bibitbitin na lang ang blazer dahil mainit. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng petroleum jelly sa labi.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at dumiretso na sa garahe. Pinalamig ko muna ang sasakyan bago ako umalis. Gamit ang sariling pera na nakukuha ko sa misyon ay nabili ko itong sasakyan sa tatay ni Naomi. Car dealer sila at ang kuya ni Naomi ang namamahala ngayon. Bugatti Centodeici ang pinaka-latest na kotse at sila ang unang nagkaroon nito sa Pilipinas. Kulay puti iyon na may nakasulat na 'Centodeici' sa likuran.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon