CHAPTER SEVEN

484 94 148
                                    


ACE'S POV

Palabas na kami ni Bolt nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at napangiwi dahil si Blaze ang natawag. Nagpakawala pa ako ng mabigat na hangin bago sagutin.

"Repa, nasaan kayo?"

"Kakatapos lang ng klase namin, bakit?" tugon ko.

"May meeting daw tayo saglit sabi ni Coach, pumunta kayo sa gym."

"Sige," iyon lang ang nasabi ko bago ibaba ang phone.

"Sino ang kausap mo?" tanong ni Bolt.

Tsismoso, tsk!

"May meeting daw sabi ni Coach."

"Oh? May 10 minutes pa naman tayo, tara!"

Sa garden kami dumaan dahil mas malapit iyon sa gym.

"Tol, dito!" tawag sa amin ni Dave pagkapasok namin sa gym.

"Anong nangyari sa iyo? Busted ka agad?" nakangising sabi ni Blaze.

"Busted mo mukha mo! Ngayon ko dapat sasabihin sa kaniya na liligawan ko siya, kaso hindi ko naman siya makita at hindi rin nag-rereply," nakanguso kong sabi.

"Sinabi ko na kasi sa iyong huwag sa kaniya," napapailing na sabi ni Dave.

Alam ko naman iyon. Sa kaniya ako nagkagusto eh, may magagawa ba ako? Tsk!

"Baka may boyfriend na siya?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Blaze.

"Sinasaktan mo ang bata ko eh!" agad na sabi ni Bolt.

"Lul! Baka lang naman."

Lalo akong nalungkot dahil sa narinig. Nagsitayuan kami ng pumito si Coach at pumunta sa harapan.

"Next month na ang exam ninyo, hindi ko kayo masyado matututukan dahil ako rin ang hahawak sa basketball girls. Ngayon lang iyon isinali sa interhigh kaya gusto kong tayo ang mananalo. Namomoblema pa nga ako kasi kulang ang mga players. Al—"

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Blaze... paano nga kung may boyfriend na siya? Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba ang panliligaw sa kaniya. Sumasakit din ang ulo ko sa kaiisip. Hindi ko rin kasi naitanong sa kaniya kung may boyfriend ba siya oh kung may nagugustuhan na siya.

"Serrano!"

Nagitla ako sa sigaw ni Coach. Napakamot ako sa ulo dahil nakatingin na silang lahat sa akin.

"C-Coach," kabado kong tugon.

"Repa, limang beses ka na niyang tinatawag. Ayos ka lang?" bulong ni Blaze.

"M-May iniisip kasi ako."

"Ano ba't parang wala ka sa sarili? Ilang beses na kaya kitang tinatawag! Kanina ka pa nguso nang nguso riyan!"

Nahiya ako at napayuko na lang. Sinamaan ko pa ng tingin sina Steve dahil tinatawanan ako.

"S-Sorry po... Coach," nauutal kong tugon.

"Sumakit ang ulo ko sa iyo! Ang sabi ko... ikaw na ang bahala sa kanila dahil ako ang mag-hahandle ng basketball girls! Maaasahan ba kita?"

"Y-Yes, Coach!" agad kong tugon, napakamot pa ako sa batok. Ayaw kasi talaga niya ng paulit-ulit siya.

"Feel free to use this court, dahil doon naman magpapraktis ang girls sa kabila. Sige na, pumasok na kayo sa klase ninyo!"

"Yes, Coach!" sigaw naming lahat.

Pumunta muna kami sa locker para kuhanin ang gamit na gagamitin sa subject namin.

"Okay ka lang ba, Tol?" tanong ni Dave.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon