CHAPTER FIFTY TWO - OUTING

315 28 61
                                    

ACE POV

"BLAZE!" sigaw ni Naomi.

Bigla akong kinilabutan at napatingin sa kaniya. Patakbo siyang naglakad at lumusong sa tubig, nagtataka na rin ang iba sa inasta niya dahil natataranta na siya.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Blaze kay Naomi.

Don't tell me she can't swim?!

"SHE CAN'T SWIM!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw ni Naomi. Agad akong sumisid at hinanap siya, lumangoy ako papunta kay Blaze pero wala roon si Barney. Umiling pa ako dahil ang hapdi ng mata ko.

Wala nang matatapakang bato rito kaya nasisiguro kong lumubog na si Barney. Mabilis akong pumadyak at hinanap siya, malabo man ang nakikita ko ay pinilit ko pa rin siyang hanapin.

Naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko siyang walang malay at nakahiga na sa batuhan. Dali-dali akong lumangoy papunta sa kaniya at agad siyang kinuha.

Damn it!

Wala nang bubbles ang lumalabas sa ilong niya kaya minadali ko ang pagpadyak paitaas. Nakita ko pa sina Dave na lumangoy rin at tinulungan ako.

"I got her!" sigaw ko at nagmadaling pumunta sa dalampasigan.

"CAPTAIN!"

"Tyra!"

"Omg, Sis!"

"TITANIA!"

"H-Hihingi ako ng tulong!" Sabi ni Tiara.  Sinamahan naman siya ni Shane.

Hindi ko mapangalanan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Inayos ko ang pagbuhat sa kaniya at patakbong pumunta sa dalampasigan. 

Natakot din ako dahil namumutla na siya.

"OMG! We didn't know," naiiyak na sabi ni Rose.

"Tyra!" sigaw nina Bolt pero hindi sumasagot si Barney.

Nanginig bigla ang katawan ko nang ilapag ko si Tyra sa buhangin.

Hindi ito oras para mataranta ako.

Napatingin silang lahat sa akin nang suntukin ko ng malakas ang hita ko. Ginawa ko iyon para mawala kahit papaano ang panginginig ng katawan ko.

Mabuti at nakapanuod ako ng ganito sa tv kaya may alam ako kahit papaano sa gagawin. Itinapat ko ang tainga ko sa bibig saka ilong niya para icheck kung humihinga siya. Wala akong maramdamang hangin sa pisngi ko at hindi rin gumagalaw ang dibdib niya. Kinapa ko kung may pulso siya at nagbilang ako ng sampung segundo pero wala akong maramdaman.

"She's not breathing and no pulse, I'll start giving her CPR!" seryoso kong sabi. Tumango naman si Naomi. 

Nasa kabilang gilid siya ni Tyra at pansin kong nagbibilang siya.

Ibinuka ko ang bibig niya at itinaas nang bahagya ang baba. Pinindot ko ang ilong niya at huminga ng malalim bago ko takpan ang bibig niya gamit ang bibig ko para bigyan siya ng hangin. Nakita ko ring umangat ang dibdib niya dahil sa hangin na binigay ko.

Dalawang beses ko siyang binigyan ng hangin bago ko gawin ang 30 chest compression sa kaniya. Inulit-ulit ko lang iyong pag-cpr at chest compression pero wala pa ring sign na okay na siya.

Sana tama iyong ginagawa ko!

"Five minutes," seryosong sabi ni Naomi at nakahawak sa kamay ni Tyra. 

Inoorasan niya pala ako. Naririnig ko pa ang bilang niya dahil wala kaming relos manlang, kapag lumagpas ng sampung minuto ay maaaring mapinsala ang utak ni Barney.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon