CHAPTER FORTY FIVE - INTERHIGH

321 31 81
                                    

ACE POV

Nakipagsiksikan kami para makadaan. Nagtaka pa ako dahil pati kalaban ay sumusuporta na rin sa HIU.

"Grabe iyong Captain ng HIU," sabi ng lalaking nasa likod ko.

Grabe? Bakit? Anong nangyari kanina?

Nagkatinginan pa kami nina Dave nang marinig iyon.

"Halimaw maglaro, ano," napapailing na sabi ng isa pang lalaki.

Magaling naman talaga siya.

Dumiretso kami sa bench nila at nakita namin sina Tiara na seryosong nanunuod kina Tyra.

"Kingina, Dre! Tingnan ninyo ang iskor!" sigaw ni Bolt sa amin.

"What the hell!" Hindi makapaniwalang sabi ni Dave

"Bakit hindi natin pinanuod ito!" Inis na sabi ni Blaze.

"Bakit namumula ang mukha ni Tyra?!" tanong ni MJ.

Napanganga ako dahil 70-25 ang score nila! Literal kaming napanganga lahat.

Lamang na lamang sina Tyra. Parang nong unang game nila ay dikit na dikit ang laban, hindi kami makapaniwala sa laki ng lamang nila.

Nasa kalaban ang bola at matulin na tumakbo papunta sa three point line ang babae pero mas mabilis tumakbo si Tyra kaya nasundot niya ang bola at nakuha naman ni Naomi iyon. Sumenyas pa si Tyra kay Naomi at agad namang pinasa kay Rose ng hindi manlang tumitingin, maingat naman si Rose na hindi maagaw ng kalaban ang bola sa kaniya.

Tumalon si Rose at hinagis ang bola sa ere, tumama naman iyon sa ring kaya tumalbog, agad namang tumalon si Tyra para kuhanin ang bola sa ere at nag-dunk gamit ang isang kamay.

Kinalibutan ako dahil parang gigiba ang ring sa pag-dunk niya. Mukhang pagod na pagod na ang kalaban pero sina Tyra ay parang wala lang.

Bakit namumula ang mukha niya? May sakit ba siya?

Tumalon siya pababa at patakbong pumunta sa binabantayan niya dahil nasa kalaban ang bola.

"Ang angas niya roon ah!" Namamanghang sabi ni Steve.

"Kasalanan niyo ito! Hindi ko naumpisahan ang laro nila," nakabusangot na sabi ni Blaze.

"Bakit kasi nagtagal pa tayo roon!"

"Kinilabutan ako, Pare. Kanina pa siya ganiyan at siya lang ang nakaka-shoot!"

"Oo nga! Parang sinasadya ng mga ka-team niyang patalbugin ang bola at puro dunk ang ginagawa niya," sabi ng lalaki sa gilid.

"Mukha na ngang bad mood kanina iyong Captain tapos pinatid pa siya kaya nag-beast mode!"

Tumingin kami sa lalaki dahil sa sinabi niya.

"Pinatid ulit siya?" kunot-noong tanong ni Dave.

"Grabe, ganiyan siya magalit?" napapailing na sabi ni MJ.

"Pwede na silang hindi maglaro, hindi na mahahabol iyan oh," komento ni Bolt.

Lumipas ang ilang minuto at totoo nga ang sinasabi ng mga lalaki kanina, talagang sinasadya nina Mio na patalbugin ang bola. Para lang silang nagpapraktis at si Tyra ang nag-dadunk, siya rin ang umaagaw ng bola sa kalaban at galit na galit ang itsura niya.

"Ang lupet," manghang sabi ni Chris nang mag-dunk ulit si Tyra.

Natapos ang laban at tambak na tambak ang kalaban 102 - 25 ang iskor, hindi manlang nadagdagan ang iskor ng kalaban. Kapag nasa kalaban ang bola ay laging naaagaw sa kanila.

"Walang awa sa kalaban."

"Hala!" sigaw ni Dave nang ibato ni Tyra ang bola sa sahig at tumalbog ito ng mataas.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon