TYRONIA'S POV
Papalapit na kami sa canteen nang hawakan ko ang braso ni Barney, natigil kami sa paglalakad at kunot-noo siyang humarap sa akin.
"What?"
"Bakit ka nga pala pumunta sa music room? Hinahanap mo ako no?"
"Tsk... huwag kang mag-imagine," agad niyang tugon.
"Ano nga kasi, Barney? Hinanap mo ako no? May gusto ka na sa akin? Yiee!" Masaya kong sabi habang tinusok-tusok ang tagiliran niya.
"A-Ano ba! A-Ano ba! Tigilan mo nga iyan, wala a-akong gusto sa iyo! Huwag kang f-feeling!"
Lumaylay ang balikat ko sa sinabi niya, iba kasi ang naramdaman ko kanina. Akala ko ay gusto na niya ako.
"Ang init agad ng ulo mo eh... nilalambing ka lang," nakanguso kong sabi bago siya iwan at maglakad papunta sa tambayan.
"Titania." Nginitian ko sina Blaze nang makita ko sila.
"Ano ang pinag-uusapan niyo roon at ang tagal?" Tanong ni Dave.
Tumabi ako kay Blaze at sinubuan naman niya ako kaagad ng sandwich.
Umupo naman si Barney sa tabi ni Dave kaya katapat ko siya ngayon. Nakabusangot ang mukha niya ng tumingin siya sa amin ni Blaze.
"Nilambing ko lang si Barney pero ayaw niyang magpalambing," seryoso kong tugon kay Dave.
Bumungisngis si Bolt sa sinagot ko. "Ano ba iyan, Dre... pakipot."
"Saan ba kayo galing ni Barney kanina, Bes?"
"Nagtagutaguan kami ng feelings," kaswal kong tugon.
"Naglaro naman pala eh," natatawang sabi ni Dave.
"Sino ang taya?" Nakangising tanong ni Naomi.
"Siya... nahanap nga niya ako kanina pero hindi niya tinanggap ang feelings ko," malungkot kong sabi. Napangiwi ako nang tawanan ako nina Bolt at Dave.
"Psh, wala ka pala eh!" Baling ni Naomi kay Barney.
"Tsk! Iba ang pagtripan ninyo! Huwag ako," singhal ni Barney.
"Ayaw kong maglaro ng tagutaguan ng feelings baka batuhin lang ako ni Naomi ng bato," nakangusong sabi ni Bolt.
"Oo... dahil iyon ang feelings ko sa iyo, psh!" Asik ni Naomi.
"Gusto mo maglaro tayo ng tagutaguan? Kapag nahanap kita ay sa akin ka na," malambing na sabi ni Blaze.
"Ayos ah!" Si Bolt.
"Iba rin ang isang ito," napapailing na sabi ni Dave.
"Sige... kung iyon ang gusto mo," tugon ko at pinisil ang pisngi niya.
"Yieee... baka kayo na ang para sa isa't isa," gatong ni Naomi.
"Bakit nga pala hindi na natambay si Yvonne rito?" Tanong ko.
"Baka abala na," kibit-balikat na sabi ni Dave.
"Baka na guilty sa ginawa sa iyo at nahihiyang magpakita," nakangiwing sabi ni Bolt.
"Masama rin siguro ang loob kasi natanggal siya sa organisasyon," sabi naman ni Blaze.
Binaling ko ang paningin kay Barney na seryoso lang at sa pagkain nakatingin. Tahimik lang siya at hindi sumasali sa usapan.
Hindi siguro sila okay ng girlfriend niya kaya nagsusungit siya ngayon.
"Malapit na ang prom ah," pag-iiba ni Dave ng usapan.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...