TYRONIA'S POV"Akala ko hindi ka na gigising eh," nakangiwing sabi ni Naomi nang makababa ako.
"Kumusta ang sugat mo? Okay ka na?" Tanong ko. Inabot sa akin ni Sebastian ang kape at pinanuod ko lang kumain si Naomi.
"Never been better, kumain ka na... ayaw ko ng may nakatingin sa akin habang kumakain, feeling ko ang takaw ko!"
"Kumain ka lang, matakaw ka naman talaga," tugon ko at inirapan siya.
"Ikaw rin naman ah," Natatawa niyang tugon.
"Alam ko... yosi lang ako."
Dinala ko ang kape at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang sigarilyo sa lamesa at dumiretso sa may balkonahe.
Makulimlim ang langit at mukhang uulan pa. Nagsindi ako ng sigarilyo saka naupo. Kumuha rin ako ng isang red spider lily flower sa vase na nasa lamesa at tiningnan.
Hindi ka manlang namin nabigyan ng maayos na libing, tss.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. "Bes... maliligo na ako, kumilos ka na rin at baka ma-late tayo."
"Sige lang," tugon ko. Humithit pa muna ako ulit at naglagay ng kaunting tubig sa ashtray bago nilublob ang filter doon. Nag unat-unat muna ako at tinanggal ang mga benda bago maligo.
Pagkatapos kong maligo ay kumuha ako ng dalawang benda. Isa para sa dibdib at ang isa naman ay para sa sugat ko sa hita.
Sinuot ko ang kulay itim na may halong kulay gintong jersey. May nakalagay din na numerong otso sa harap at apelyido ko sa likuran. Ganoon din ang kulay ng short at saktuhan lang ang haba non. Sinuot ko rin ang itim na medyas at air jordan rubber shoes na sinusuot ko sa tuwing mag-babasketball kami.
Mayamaya ay iniluwa ng pinto si Naomi, suot niya ang kulay puti niyang jersey, short at naka-nike rubber shoes. Lalong bumagay sa suot niya ang messy bun na style niyang buhok.
"Mauna ka na sa baba," sabi ko habang nagpapabango.
"Sabay na tayo. Mag-momotor ka ba?"
"Oo, bakit?" Kumunot ang noo ko dahil lumawak ang pagkakangiti niya.
"Ako na ang bahala sa helmet mo ha? Dinala ko iyon noong nakaraang araw eh," masaya niyang sabi.
"Tss, ano na naman iyan." Kinuha ko ang gamit at sinabit ang shades sa dibdib ko.
"Tara-tara!" Hinila naman niya ako palabas at dumiretso kami sa garahe, pumunta pa siya sa storage room at may kinuha roon.
"Tadah!" Inabot niya sa akin ang predator helmet na kulay itim at may halong kulay dugo.
"Ito? S-Susuotin ko ito?"
"Malamang, alangang ipukpok mo sa akin?" Nakangiwi niyang sabi.
Baka ipukpok ko nga talaga sa kaniya ito, tss!
"Tadah!"
Pinakita pa niya ang kaniya. Kulay puti ang palagi niyang sinusuot, ngayon naman ay itim na may halong kulay ginto.
Ganiyan rin ang kulay ng helmet ni Tyson ahh!
"Mukha ka talagang predator!" Nakangiwi kong sabi bago sumakay kay Cobra.
"Isuot mo na dali!"
"Teka naman! Nagmamadali? Taeng-tae, tss!"
Sumakay siya sa motor at sinuot ang helmet niya kaya sinuot ko na rin ang akin.
"Ang angas mo lalong tingnan!" Sigaw niya. Niyugyog pa niya ang ulo niya na parang rockstar at naggitara pa kunwari.
"Tss." Bumusina na ako senyales na aalis na kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Actie[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...